Chapter 18

556 8 0
                                    

" That's your baby? so cute, kamukhang kamukha ni Marco." patuloy pa rin nito sa pagsasalita.

"Liana?" tawag ni Marco kay Liana, at di nila napansing nasa likod nila ito.

" Nahanap mo na pala siya, di ka man lang nagsasabi sakin? you don't need to hide, everyday tayong magkasama sa office pero wala kang sinasabi." panay pa rin ang salita nito.

" We're having lunch gusto mo ba kaming samahan?"
pagiiba ni Marco sa mga sinasabi ni Liana, lalo tuloy siyang naguguluhan. Di ba magkasintahan na ang mga eto o kaya'y mag asawa na, pero bakit parang hindi naman galit sa kanya si Liana at normal pa itong makipag usap sa kanya.

Tanggap kaya nito na may anak sila ni Marco kaya mabait ito o baka naman nagkukunwari lamang. Nasa malalim siyang pagiisip ng biglang umiyak si Macky, nahimasmasan siya at agad nilagay si Macky sa kanyang balikat.

" Kayo nalang, may imemeet pa ako, see you sa office at nice seeing you Cheska." paalam nito. Lumapit ito sa kanya at hinaplos konti ang braso ni Macky saka umalis.

" Bye baby, see you next time." Lambing nito sa bata at humakbang paalis, sexy pa rin ito at elegante.

Habang kumakain sila ay tulog si Macky kaya nilagay nila ito sa stroller para makakain sila ng maayos, hindi niya alam kung magtatanong ba siya kay Marco o hindi.

" kumusta kayo ni Liana?" hindi niya napigilang magtanong dito.

" we're ok, still the same, bakit may mga nasabi ba siya sayo?"

" wala naman." sagot niya dito, ayaw niyang magtanong pa, sapat ng alam niyang maayos ang relasyon ng dalawa, iniisip kaya nilang ibibigay ko ang anak ko sa kanila?, di siya papayag, ok lang na maghiwalay sila ni Marco pero huwag siyang mawalay sa anak.

" parang ang lalim ng iniisip mo?, are you still not comfortable na nandito tayo sa Manila?" diretsong nakatingin ito sa kanya na para bang pinipilit alamin ang nasa kanyang isip.

" medyo, dati kasi kami lang nila aling Rosa, pero para sa anak ko gagawin ko ang lahat, huwag lang kaming maghiwalay ."

" thank you, you're giving me chance to be a father to Macky."

Tumango siya dito at ngumiti, sapat na yun para maramdaman niyang pamilya pa rin sila. Nang matapos silang kumain ay naglibot sila konti sa mall at pinalaro si Macky sa play area, walang masyadong tao kaya nag enjoy naman si Macky sa paglalaro.

Paguwi ay tumuloy sila agad sa kanilang kwarto, wala ang ama ni Marco at nagpapahinga naman ang mama nito. Dumating naman si aling Rosa para tulungan sila sa pag aayos. Binaba niya si Macky sa crib dahil nakatulog ulit ito. Umupo naman siya sa pang isahang sofa na malapit sa crib at nakaidlip sa pagod.

Nagshower si Marco dahil sa pagod at init ng panahon ay medyo nagbabad siya sa banyo. Nang kuntento na siya ay saka siya lumabas at nagbihis. Pumunta siya sa nursery para alagaan si Macky para makapag ayos din ng sarili si Cheska ngunit pagpunta niya ay tulog ang mag ina, lumapit siya sa crib at tinitigan ang anak na payapang nakatulog saka lumapit kay Cheska, hinaplos niya ang pisngi nito, hindi niya alam kung paano ba ito aamuin, hindi niya alam kung paano sila magsimula mg normal na mag asawa, sigurado siya sa kanyang sarili na mahal niya ito.

At mas lalong tumindi ang pagmamahal niya ngayon, gusto niya itong yakapin at halikan pero ayaw niyang magising ito kaya umalis siya at pumunta sa library.

Nahimasmasan naman si Cheska dahil pakiramdam niya ay may humaplos sa kanya o baka guni guni lamang. Bumaba siya at tinawag si aling Rosa para makaligo naman siya bago magising si Macky.

Habang nasa banyo ay iniisip niya kung nasa kabilang kwarto ba si Marco at ano kayang ginagawa nito. Nagtagal siya sa pagligo dahil ang sarap ng tubig saka nagbihis. Pagpasok niya sa Nursery ay hawak hawak ni Marco si Macky at nilalaro ito. Hindi muna siya kumibo dahil nasisiyahan siya sa nakikita.

" Cheska, nandyan ka na pala, hinawakan ni Marco muna ang bata kaya pumunta ako sa baba." paliwanag nito.

Tumingin naman sa kanyang gawi si Marco na karga pa rin si Macky.

" wala ho aling Rosa, pwede nyu na ho kaming iwan." sagot niya dito. At salitan sila sa pagbantay kay Macky.

Tuwing linggo at kung may oras si Marco ay madalas silang lumalabas bilang isang pamilya, minsan swimming at minsan ay sa park para maglaro si Macky. Todo alalay sa kanya si Marco, minsan ay ito na ang nagpapalit ng damit ni Macky bago pumunta sa office. Para bang sanay na sanay na itong maging ama.

Kahit saan ay malambing din ito sa kanya at maalaga. Masaya siya sa turing nito sa kanya at wala na siyang mahihiling pa kaso meron pa rin syang agam agam.

Isang umaga katatapos niyang maligo at iniwan kay aling Rosa si Macky sa garden para mag paaraw ay nagulat siya paglabas niya ng banyo ay nasa kwarto si Marco, akala niya ay umalis ito.

Nakabihis pang office, suit and tie. Dinaanan niya ito para kumuha ng damit sa aparador.

" I think we need to plan when are we going to celebrate Macky's Baptism, gusto ka na rin siyang makilala ng ibang relatives at frends ko."

" di na kelangan, pwede namang simple lang."

" un ba ang gusto mo?" tanong nito na nawalan ng saya sa boses saka nagpatuloy sa pagsasalita

" hanggang ngayon napipilitan ka pa rin ba sa lahat?, we know we made mistakes in the past at alam kong hindi madaling kalimutan ang lahat pero sana para kay Macky?." nagpapakumbaba ang boses.

" hindi ka namin kelangan alam mo yan, sa loob ng mahigat isang taon na hindi tayo nagkita nagawa kung kalimutan ka pero dahil sa anak ko ay nandito ako ngayon. Pero pwede naman tayong maging magulang sa kanya na hindi magsama diba?."

" Asawa pa rin kita at anak ko si Macky, living separately is not an option!." napakadiin ng salita nito   .

" Pero paano pa tayo magsasama? bakit pa natin pinapahirapan ang isa't isa?, hindi mo ako mahal kaya di natin kelangang magpanggap." sagot niya dito na lumuluha.  Pero agad niyang pinahid ang kanyang mga luha.

Lumapit ito sa kanya.

" anong ginagawa mo? " tanong niya dito.

" Ano ba dapat ang ginagawa ng mag asawa?" tanong nito.

Hinawakan nito ang kanyang pisngi papunta sa labi at bumaba sa kanyang mga siko. " I miss you so much, matagal na akong nagtitimpi but this time I want you to know how much I miss you."

Hinalikan siya nito ng banayad, padampi dampi saka naging mariin,

All I wanted is youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon