Chapter 6

314 9 0
                                    

Maaga siyang nakarating sa restaurant kung saan sila magkikita ni Marco, kinakabahan siya pero kelangan niyang panindigan ang kanyang desisyon. Mahal niya ito, at gagawin niya lahat mahalin din siya nito gaya ng pagmamahal niya.

Di nagtagal at nakita niyang papasok na si Marco sa restaurant, kumaway siya dito. Habang palapit si Marco ay wala itong reaction at halatang galing sa office, nakasuit ito at nasa kamay ang coat, nakagray polo ito at black na slacks, kagalang galang ang itsura.

" hi" bati nito sa kanya at umupo sa kanyang harapan.

"hi, shall we eat?" tanong niya agad dito, kabado siya.

" yes, of course" . sagot nito sa kanyang pormal.

Nang dumating ang waiter ay nag order siya ng para sa kanya at ganon din si Marco, di nagtagal ay dumating na ang kanilang order at kumain sila ng walang imikan, dahan dahan naman siya sa pagkain at nang susubo siya ulit ay biglang nagsalita si Marco.

" so, how are you?"

" I'm fine"

" may gusto ka bang sabihin sakin?" diretsong tanong nito sa kanya.

Garagal siyang nagsalita. " bu..buntis ako Marco."

Tahimik na nakatingin si Marco sa kanya, halatang nabigla sa sinabi niya.

Tahimik din siyang naghihintay kung anong sasabihin nito. Nagtitigan sila ng matagal at siya ang unang nagbaba ng tingin, ewan niya kung binabasa ba ni Marco ang isip niya.

" give me time to think about this, I will call you" sabi nito. Nagmadali itong umalis kaya di na nila natapos pa ang kanilang kinakain. Halatang nabigla ito sa sinabi niya.

Lumabas sila sa restaurant na hindi nag uusap, hinatid pa rin naman siya nito sa kanyang sasakyan at agad itong sumakay sa sariling sasakyan.

Di niya alam kung tama ang ginawa niya pero mahal niya si Marco, bahala na basta ang importante eh mapasakanya ito. Hindi pwedeng balewalain siya ni Marco matapos ang nangyari sa kanila, ito ang unang lalaki sa buhay niya at mahal niya ito.

Pag uwi ay nagkulong siya sa kanyang kwarto, inisip niya kung tama ba ang ginawa niya kay Marco. Pero mahal niya si Marco at hindi niya kayang mawala ito sa buhay niya.

Lumipas ang mga araw na hindi tumatwag si Marco, kinakabahan siyang baka hindi na ito magpakita sa kanya at baka wala itong pakialam kahit sinabing niya dito na buntis siya. Araw araw ay inaabangan niyang tumawag ito sa kanya pero wala siyang natatanggap.

Pinagpapatuloy niya ang kanyang buhay na umaasang  makausap si Marco, alam niyang may paninindigan ito at doon siya umaasa.

Marco's POV
Mula ng mag usap sila ni Cheska ay hindi na siya makapagconcentrate sa kanyang trabaho dahil sa sinabi nito. Litong lito siya.

Hindi niya alam kung may nararamdaman siya dito at di niya alam ang gagawin, iniisip niya ang kanyang anak, ayaw niyang maging iresponsable, inaamin niyang siya ang unang lalaki sa buhay ni Cheska at dahil sa sobrang kalasingan ay hindi na niya naisip pa ang kalalabasan ng hindi niya paggamit ng proteksiyon.

Alam niyang hinihintay ni Cheska ang kanyang pasya pero hindi niya alam kung ang tamang paraan ba ay suportahan lamang ang anak niya.

Nakaupo siya sa kanyang office at tinitingnan ang mga papel sa kanyang harapan pero wala doon ang isip niya.

Natauhan lang siya nga biglang may kumatok pinto at bumukas, umupo ang kanyang ama sa isa sa mga upuan sa harapan ng mesa niya.

" how are you son?, napansin ko itong nakaraang araw na panay ang inom mo at di ka focus sa iyong trabaho, may problema ka ba?"

" si Cheska.." paninimula niya sa sasabihin pero di niya maituloy ang iba pang sasabihin.

" may nagawa ba sayo si Cheska na pagkakamali?" takang tanong naman ng kanyang papa.

" buntis siya papa" halos di niya maibigkas ang salitang buntis.

" at ikaw ang ama?, ganon ba?" paninigurong tanong nito sa kanya. Naihilamos niya ang kanyang kamay saka tumango dito.

" ikaw ba ang unang lalaki sa buhay niya?" diretsong tanong ng kanyang papa.

Nagulat siya sa tanong nito at hindi sumagot.

" kung ikaw ang unang lalaki sa buhay niya ay walang rason para hindi mo siya pakasalan, maging responsable ka sa iyong nagawa" pagpapatuloy na salita nito.

" papa, hindi ko siya mahal" pagsalungat niya sa sinabi nito.

" isipin mo ang iyong anak, hindi ang iyong sarili, gusto ng iyong mama si Lian pero kung ganyan sa buntis si Cheska, pakasalan mo siya, ayoko ng bastardong apo." seryoso ang kanyang papa na nakaupo sa isang upuan sa harap ng kanyang mesa.

" papa, ayoko pang magpakasal.."

" harapin mo ang problema mo, matagal ko ng kilala si Cheska, mabait at matalino ito, bakit di mo subukang mahalin? tulal ay nakabuo na kayo ng bata." putol nito sa kanyang sasabihin pang iba.

Biglang tumayo ang kanyang papa at palabas na ito ay nagpahabol ng salita.

" sa madaling panahon ay idaos na natin ang inyong kasal, nasa sa inyo kung magarbo ang kasal o hindi pero gusto kong bago dumating ang apo ko ay kasal na kayo." saka ito sinara ang pinto at umalis.

Wala na siyang ligtas sa mga mangyayari kundi ang pakasalan si Cheska, sinandal niya ang kanyang ulo sa kanyang upuan, nasa isip niya ang usapan nila ni Liana nung nakaraan, na maaring subukan nilang maging magkasintahan pag nasa America na sila, pero ngayon ay si Cheska na ang kanyang papakasalan.

Oo, masayang kasama si Cheska, pero dahil napakabilis ng pangyayari ay di niya pa lubos na kilala si Cheska. Nag eenjoy palang siya sa kanyang buhay binata, ang pag aasawa ay malayong malayo sa kanyang isip pero ngayon ay nasa harapan na niya ang sitwasyon at Wala na siyang ligtas lalo na at alam ng kanyang papa.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Cheska, gusto niyang makipagkita dito ng personal para sabihing magpapakasal sila.

Nagkita sila ng gabi at kumain sa labas, ng sinabi niya kay Cheska na magpapakasal sila ay ngumiti lang ito at hindi umangal, sinabi niya din dito na sa mga susunod na araw ay mamanhikan sila sa mas madaling panahon. Tango lang ang sagot ni Cheska.

Di nagtagal ay nagpaalam na sila sa isat isa, di na niya hinatid pa si Cheska sa sasakyan nito.

Paguwi niya sa kanilang bahay ay nasalubong niya ang kanilang family doctor na palabas.

" may nangyari bang masama? " agad niyang tanong dito.

" ang mama mo iho, medyo nahilo kanina, alam mo na medyo maselan ang kanyang puso, nabigla sa balita ng iyong papa, anyway binabati kita iho."

" salamat doc."

" sabihin mo sa iyong mama na parating inumin ang kanyang mga gamot" bilin nito.

" yes doc."

Dumiretso siya sa kwarto ng magulang, nakahiga ang kanyang mama at nakaupo sa gilid ng kama ang kanyang papa.

" iho, akala ko ay si Liana ang gusto pero ngayon ay si Cheska pala at magkakaanak na kayo, ni hindi ko siya masyadong kilala dahil si Liana lang naman ang naipakilala mo" mahina ang boses ng kanyang mama at halatang hirap pa sa pagsasalita.

" mama, napakabilis po ng nangyari kaya di niyo na siya nakilala, pero dahil magpapakasal kami ay makikilala niyo na siya mama." pinasigla niya ang kanyang boses para huwag magisip masyado ang kanyang mama.

Nakatingin naman sa kanya ang kanyang papa pero walang sinabi, niyakap niya ang kanyang mama.

Madalas sakitin ang kanyang mama ngayong matanda na ito, ayaw niyang baka maatake ito sa puso pag may mabalitaan pang hindi maganda.

" salamat iho at magkakaapo na ako" sabi nito sa kanya.

All I wanted is youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon