Chapter 17

500 8 0
                                    

Natulog siya sa nursery kasama ang kanyang anak, dahil sa pagod sa biyahe ay nakatulog agad silang mag ina.

Sa kabilang kwarto naman ay hindi makatulog si Marco, masaya siyang sumama sa kanya si Cheska. Ayaw niyang ipilit ang sitwasyon ang importante ngayon ay magkasama silang buong pamilya.

Pinilit niyang matulog dahil marami pa siya aasikasuhin bukas, ang kompanya nila at ang sariling kompanya. Sa loob ng isang taon at kalahati sa America ay hindi mawaglit sa isip niya si Cheska, balak niyang humingi ng paumanhin dito at magsimula muli pag nasa America sila ngunit hindi ito dumating, masyado siyang sigurado noon na mahal na mahal siya ni Cheska na lahat ay gagawin nito para sa kanya, ng gusto niya itong macontact ay hindi niya na ito matawagan. Halos gusto niyang umuwi agad ng Pilipinas noon para hanapin ito pero pinigilan siya ng kanyang mga magulang.

Naghintay siya ng ilang linggo at baka nagpapalamig lang ito ng damdamin ngunit umabot ng ilang buwan na hindi nila ito matawagan. Di naman nagsasalita ang magulang ni Cheska tuwing nagtatanong sila sa mga eto.

Lumipas ang ilang buwan hanggang naging taon, Umuwi siya ng ilang beses sa Pilipinas para alamin kung nasaan si Cheska, naghire sila ng detective para alamin kung nasaan ito pero hindi nila mahanap, matagal niyang pinagsubaybay ang magulang ni Cheska. Sa lahat ng pinupuntahan nila ay hindi nila mahanap sa mga lugar na iyon. Halos mawalan na siya ng pag asa. Hindi niya mapapatawad ang sarili pag may nangyari dito na masama, sising sisi siya na nagkaganito ang kanilang relasyon.

Nagkaroon siya ng pag asa na makita si Cheska dahil sa masugid na paghahanap ng detective na kinuha niya.

At ngayon na nakikita na niyang gusto na nitong magpatuloy ng buhay na wala siya ay hindi siya papayag na mawala ulit sa kanyang paningin. Minahal niya si Cheska, napalitan ng pagmamahal ang galit na nasa puso niya.

Kinaumagahan ay nagising siya ng maaga at agad niyang pinunutahan ang kanyang mag ina, naglalaro ang mga eto sa carpet, naka spaghetti strap at nakashorts si Cheska at kitang kita ang hubog ng kanyang katawan sa simpleng suot nito.

Iniwas niya ang mata sa katawan nito dahil sa init na naramdaman, wala namang pansin si Cheska sa nangyayari sa kanya tuloy pa rin ang paglalaro sa kanilang anak.

Gusto niyang lumapit sa mga eto pero lumabas nalang siya at agad naligo. Hindi niya rin lang alam kung paano kausapin si Cheska, halatang walang balak itong kausapin siya.

Pagkaalis naman papunta sa office si Marco saka naman nag ayos ng sarili si Cheska, iniiwasan niya ito, hindi dahil nagagalit siya pero dahil sa kanyang sarili, ayaw niyang umasa ulit dito, ayaw niyang maghintay ulit sa wala.

Busy ang buong araw nilang magina, bukod sa todo alaga din ang mama ni Marco ay dumating din ang kanyang magulang para bisitahin sila, nagmistulang piyesta ang buong araw, nagpaluto ng maraming pagkain ang mama ni Marco at nagtagal naman ang kanyang magulang para makasama din si Macky.

Nagpatuloy ang mga araw na wala silang imikan ni Marco, pag alam niyang uuwi na ito ay nagkukulong na siya kasama ng anak.

Sumapit ang linggo at alam niyang walang trabaho si Marco kaya wala siyang choice kundi ang pakisamahan ito. Nag aayos siya ng gamit ni Macky ng pumasok si Marco sa nursery saka lumapit sa kanya.

" can we go out today?". malumanay ang pagtanong nito.

" kung gusto mo lumabas kasama si Macky you can go, pwde mong isama si aling Rosa." sagot niya dito.

" I want us to go out as a family, aling Rosa can come pero I want you to come, besides baka di comfortable si Macky na di ka kasama." paliwanag nito.

" gusto ko ding magrest, kayo nalang para magbobonding kayong mag..." hindi niya naituloy ang sasabihin dahil umalis na ito sa kanyang harapan, halatang umiwas na para di marinig ang kanyang sinasabi. Magaling umiwas para di siya makalusot. Napilitan siyang mag ayos.

Nagbihis silang mag ina saka lumabas ng nursery, nasa sala at nagbabasa ng magazine ng madatnan nila si Marco, nakasuot ito ng light blue na polo na nakatupi ang sleeves hanggang siko at khaki shorts, napakalakas ng charisma at siya naman ay naka navyblue three fourth na square pants  at white na simple shirt.

" alam kung gwapo ako so stop looking." asar nito sa kanya ng mahuli siyang nakatitig dito.

Umiwas siya ang tingin at kunwaring inaayos ang damit ng kanilang anak, ayaw niyang makita nito na pulang pula siya. Hay kung bakit naman kasi tinitigan niya pa eto.

" let's go?" yaya nito, saka kinuha ang baby bag ni Macky sa kanyang tabi. Naamoy niya ang pabango nito.

Umirap siya sito at Nauna na siyang lumabas karga si Macky, hindi na nila sinama si aling Rosa dahil kaya naman niyang  alagaan ang anak pag nasa labas, aalalay naman si Marco kung sakali. Tahimik silang nasa sasakyan hanggang makarating sila sa mall at ipark nito ang sasakyan.

" anong gagawin natin dito?".

"let's go shopping for you at para kay Macky."

" bakit may masama ba sa mga suot ko?." pasupladang niyang tanong dito, baka gusto nitong baguhin ang kanyang mga damit.

" look Cheska, ok ang mga suot pero kung gusto mo pang bumili eh pwde kang bumili." mahinahon nitong sagot sa kanya.

Pumasok sila sa maml, siya ang may hawak sa baby bag ni Macky at si Marco naman ang may karga sa bata gamit ang baby sling, pamilyang pamilya ang itsura nila. Hindi muna nila dinala ang stroller ni Macky.

Pagpasok nila sa department store ay nawala ang inis niya dito, nagconcentrate nalang siya sa pagbili ng mga gamit ng anak lalo na at mablis nitong malakihan ang mga gamit, si Marco naman ay sa mga laruan namili, halos limang supot na malalaki ang bitbit nila. Tuwang tuwa naman si Macky dahil bukod sa marami itong nakikita ay karga karga pa nila.

" let's have lunch" sabi ni Marco sa kanya.

" oo at ng makapagdede at makakain na rin si Macky" sang ayon niya dito.

Umupo sila sa restaurant at agad nag order ng pagkain. Habang nghihintay ng kanilang pagkain ay nagpaalam naman si Marco para ilagay sa kotse ang kanilang pinamili. Naiwan siyang nagpapakain ng baby food kay Macky.

" Cheska?, is it you?"

Tumingala siya para tingnan ang nagsalita, Si Liana. Hindi niya alam kung paano babatiin ito kaya di siya samagot.

" kasama mo ba si Marco ngayon?" tanong nito.

"oo, lumabas kami konti, don't wor..."

" oh, thank God, nahanap ka ni Marco, halos mabaliw un noon nung di ka makita, akala nga namin wala ka sa Pilipinas. Saan ka ba nagpunta?"

Naguguluhan siya sa sinasabi nito sa kanya, anong ibig sabihin nito na halos mabaliw si Marco? at bakit siya gustong gusto na mahanap? Para sa annulment kaya?

All I wanted is youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon