Chapter 7

319 9 2
                                    

Naidaos ang civil wedding nila sa  city hall, simple at sila sila lang ang nandoon.

Hindi siya nagimbita ng iba at ganon din si Marco, walang pagsidlan ang kanyang kasiyahan na sa wakas ay asawa niya na si Marco, Si Marco naman ay napipilitan sa nangyari, madalas seryoso ang mukha at ngumiti lang ng kaunti sa kanyang magulang.

Nagulat man kanyang magulang ay wala na silang oras magusap pa dahil namanhikan agad ang magulang ni Marco, alam ng bawat pamilya na buntis siya kaya kelangan niyang panindigan ito at sana ay siya mabuntis sa madaling panahon bago pa malaman na nagsisinungaling siya, na napikot niya lang si Marco!

Naiyak ang kanyang ina na magpapakasal na siya at nagbilin pa ito sa kanya.

" anak, may asawa ka na, prayoridad mo ng alagaan siya at ang magiging anak ninyo, dalaw ka madalas sa bahay para maturuan kita sa pagluluto, nakakahiya sa asawa mo na wala kang alam na gawaing bahay."

Pulang pula siya sa mga sinabi nito pero dahil positive ang pananaw niya ay alam niyang kakayanin niya lahat mapasaya si Marco.

Kumain sila sa isang hotel at nagkakilanlan, mabait ang magulang ni Marco, kahit na magkaiba sila ng estado sa buhay. Tahimik si Marco at sumasagot lamang kung siya ang tinatanong na.

Nang matapos ang kasal ay agad silang tumuloy ni Marco sa bagong townhouse na binili nito, ayaw nitong mag stay sila sa kanyang condo, pero hindi na siya nagtanong pa.

Maganda at morderno ang bahay nila, mula gamit at design,ilang siyang pumasok sa bahay at di alam kung saan niya ilalagay ang gamit.

" You can use the master's bedroom and I will use the guest room next to it."

" pero mag asawa tayo Marco, dapat tayong magsama sa isang kwarto".

" yes I married you not because I love you but because you have my child, cut the drama."  

" paanong hindi mo ako kilala?, halos magkasama tayo noon every weekend?"

" hindi mo kelangang maging asawa sakin, sa papel lang tayo kasal." malamig na sabi ni Marco.

At Nauna na itong pumasok sa guest room saka sinara ng malakas. Binuhat niya naman ang kanyang maleta at nilagay sa master's bedroom. Ang luwang ng kama at ganon din ang banyo, may walk in closet pa kaya napakaganda, inayos niya ang kanyang mga gamit saka umupo sa kama.

Nagiisip siya ng paraan para may mangyari ulit sa kanila ni Marco, di pwedeng hindi siya mabuntis kaya dapat ay gawin niya lahat para mahalin siya nito.

Nagpalit siya ng damit at lumabas, pagkapunta niya sa kusina ay may note sa mesa.

'I went out, don't wait for me'

Napaupo siya sa isang silya sa dining, hindi ito ang nasa isip niya ngayong mag asawa sila, agad siyang naghanap ng makakain pero walang laman ang ref dahil bago pa lahat ng kagamitan.

Lumabas siya para bumili ng pagkain, naggrocery siya at bumili din ng mga ibang kelangan nila. Halos apat na supot na malalaki ang binili niya at agad niyang inayos pagka uwi, di man siya marunong magluto ng mga ibang putahe pero marunong naman siyang magprito prito kaya un nalang muna ang lutuin niya.

Nasa honeymoon stage sila at ayaw magtravel ni Marco kaya ayaw naman niyang pumunta agad sa bahay nila at magpaturo sa ina, mamamangha iyon.

Ginugol niya ang sarili sa panonood ng tv, madaling araw na ng makauwi si Marco, lasing ito at inalalayan niya itong makahiga sa kwarto nito.

Hinaplos niya ito sa mukhang habang ito'y mahimbing na natutulog at umalis na siya para matulog sa sariling kwarto.

Kinaumagahan ay agad siyang nagising para magluto ng pang umagahan, nagsuot siya ng maikling palda na hapit sa katawan, kelangan niyang maakit ito -at nagponytail siya ng buhok, simple pero kitang kita ang kanyang kaseksihan. Nakapagluto siya ng maayos ng nagising si Marco at pumunta sa kusina.

Umupo ito at agad siyang naghanda ng kape nito, alam niyang black ang coffee nito dahil minsan na silang nagkape matapos silang nagbar noon.

Nilagay niya ito sa harapan nito inihanda ang kanilang mga plato saka kumain silang tahimik.

" pwde ba tayong lumabas ngayon?" tanong niya dito.

" I have a meeting at ten, kung gusto mong lumabas ay pwede kang lumabas." malamig nitong sagot.

" Nasa honeymoon tayo, wala ka dapat trabaho at hindi ba tayo pwedeng maging normal na mag asawa.?"

" in our case, hindi, alam mo ang rason kung bakit tayo kasal." saka ito tumayo at pumunta sa sariling kwarto.

Gusto niyang maiyak sa nangyayari, pano na ang mga plano niya pag di siya matuluyang mabuntis, aakitin niya ito un ang nasa isip niya.

Kinagabihan ay nagsuot siya ng maiksing lingerie at hinihintay niya itong umuwi, mag aalas dose ng gabi ng umuwi si Marco, sinalubong siya nito pero nakakunot noo ng makita ang suot niya.

Lalapit sana siya sana para halikan ito pero umiwas ito. Hinabol niya ito at niyakap sa likod.

Tumigil sa paglakad ng sandali si Marco saka inalis ang kanyang mga kamay. Humarap ito sa kanya.

" wala ako sa mood ngayon" sabi nito at akmang aalis na ulit.

Tumingkayad siya para halikan ito pero hinawakan siya nito sa balikat.

" please, hindi ko pa kayang maging asawa sayo, give me time." saka ito tumalikod.

Pahiyang pahiya siya sa nangyari, di niya akalain na wala siyang epekto kay Marco, napaiyak siya ay pumunta sa sariling kwarto, pakiramdam niya ay bangungot ang lahat ng nagawa niya.

Paano na ang balak niyang mabuntis, magtatagal at baka lalong lumayo ang loob ni Marco sa kanya, halatang napilitan lang ito sa kasal nila. Pabaling baling siya sa kama sa mga pwede pa niyang gawin.

Marco's POV
Kung wala siya sa matinong pag iisip kanina ay baka may nangyari ma ulit sa kanila ni Cheska, wala siyang maipipintas kay Cheska, perfect wife sabi nga ng mga kaibigan niya ng sinabi niya dito na nagpakasal siya dahil buntis ito.

Hindi niya maintindihan din ang sarili dahil siguro sa usapan nila ni Liana, hinihintay nila kung kelan sila pupunta sa America para mag aral pero dahil sa pagbubuntis ni Cheska ay nagugulo ang plano niya.

Ganon din ang puso at isip niya, susubukan niya bang magpaka asawa kay Cheska? dahil kung tutuusin ay nagsisimula palang sila, ayaw niyang ganito din ang sitwasyon nila pag lalabas na ang anak nila.

O mas gusto niya pa rin ituloy ang usapan nila ni Liana? pero mahal niya ba si Liana? o dahil ito ang babae na alam niyang bagay sa kanya, magkasundo sila at pareho ang pangarap.

All I wanted is youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon