Chapter 8

330 9 0
                                    

Lumipas ang tatlong linggo at balik trabaho na silang dalawa, si Marco ay sa sarili nitong firm at ibang sangay ng kompanya nila, siya naman ay nagpatuloy sa pagtratrabaho as a manager sa isang branch ng kompanya nila Marco.

Di lingid sa iba na siya ay asawa ni Marco, pero wala ding nagtataka kung ni kahit minsan ay hindi siya sinundo ni Marco o kaya ay bisitahin. Alam din ng lahat na busy si Marco at magkasama naman sila sa bahay.

Panay ang sinungaling niya sa pagkwekento tungkol sa pagsasama nila ni Marco, andyan na sweet si Marco, maalaga at mabait. Pati magulang niyay nagsisinungaling na rin siya.

Pero sa bahay ay civil lang si Marco sa kanya, kakasapin kung may kelangan at madalas ay nasa sarili nitong office para magtrabaho, never pa silang lumabas ni minsan mula ng ikasal sila, kaya malabo na yata ang plano niya na mabuntis siya. At un ang pinag aalala niya dahil baka iwan siya ni Marco pag malaman nitong di siya totoong buntis.

Isang gabi pagkauwi niya ay nadatnan niya si Marco na halatang kadarating din.  Lumabas ito sa sariling sasakyan, Nakatingin ito sa kanya na para bang sinusuri ang kanyang katawan.

Mas lalo pa siyang naging balingkinitan dahil sa hindi siya makakain ng maayos sa pag iisip sa sitwasyon nila ni Marco.

Nauna siyang pumasok sa pinto ng magsalita si Marco.

" kelan ang next prenatal check up mo?"

Nagulat siya sa tanong niyo at matagal na makasagot.

" Aaa..after two weeks pa" sabi niyang kabado.

" who's your doctor?"

" Dr. Sanchez, maliit na clinic malapit sa office"

" mas maganda siguro kung sa family doctor namin magpacheck up ka, he will refer you to better obgyne doctor."

" huwag na, ok na ako sa doctor ko ngayon." sabi niyang iniiwas ang mga mata. Halos panay ang paghinga niya ng lumapit ito sa kanya.

" tell me, buntis ka ba talaga?" saka hinagod ng tingin ang katawan niya.

Matagal siyang di makapagsalita, abot abot ang kaba niya. Niyugyog siya nito sa balikat.

" hindi ka buntis? pinikot mo ako ganon ba?" nag aapoy ang mga mata nitong nakatingin sa kanya at halos mahigpit din ang hawak nito sa kanyang balikat.

Lumuluha na siya at saka umiling.

Akmang sasampalin siya pero malakas siya nitong tinulak sa sofa, napaiyak siya sa at ito naman ay nakatayo at hinawakan ang mukha gamit ang mga kamay. Lumapit ito sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kanyang pisngi, nagbabaga ang mga mata nito.

" anong klase kang babae? , hindi ko akalain anong klase kang babae!, paano mo nagawa lahat ang mga eto?"

"mahal kita, mahal na mahal..patawarin mo ako Marco, nagawa ko itong lahat dahil ayaw kitang mawala sa akin." umiiyak siya at halos di makagalaw sa higpit ng hawak nito sa kanyang mukha.

" you're very selfish?! alam mo ba un?, You will pay for this!" banta nito sa kanya saka umalis.

Panay ang iyak niya sa nangyari, hindi niya alam kung maghihiwalay na ba sila pero alam niyang hanggang dito nalang ang kanilang pagsasama. Alam niyang hindi siya mapapatawad ni Marco.

Tumayo siya at pumunta sa sariling kwarto, nilabas niya ang kanyang mga maleta at nag impake, ayaw niyang hintayin na siya pa ang palayasin ni Marco, pagkaempake niya ay inayos niya ang kanyang sarili.

Pagod na siya pero wala siyang ganang kumain, nagsout siya ng pantalon at tshirt saka siya magpapaalam kay Marco pag darating ito.

Marco's POV
Nasa bar siya kasama si Seth at Lucas, pinagtapat niya sa mga ito ang panloloko ni Cheska, pero dahil sa kanyang galit ay hindi umimik ang mga eto, nakikinig lang sa kanya.

Galit na galit siya sa pangyayari, gustong gusto na niyang iwan si Cheska at kahit sa America na maghintay sa pag aaral na inaasam niya. Pero iniisip niya ang kanyang ina, ayaw niya itong bigyan ng sama ng loob kaya wala siyang choice kundi pakisamahan si Cheska, pero gagawin niya ang mga gusto niya at walang rason para di nila ituloy ni Liana ang mga plano nila.

Umimom siya ng uminom na halos hirap na siyang makalakad. Pasado alas dose na ng ihatid siya ni Seth sa bahay nila.

Dahil sa kalasingan ay halos di na niya alam kung paano nakatunton sa kama, pagkagising ay nakita niyang nakaupo si Cheska sa pang isahang sofa at bihis.

" where are you going?" galit niyang tanong dito. Halos uminit agad ang ulo niya dahil sa mga nangyari kahapon.

" humihingi ako ng paumanhin sa nagawa ko, ako na ang magsasabi sa lahat, kaya aalis na ako." sabi nito.

Bumangon si Marco at Hinawakan siya sa braso.

" walang aalis! don't try me dahil I can do everything I want" sabi nitong madiin.

" let's continue this hell you started at walang aalis!." patuloy nito, sa boses nito ay halatang tinitimpi nito ang galit sa kanya.

Sa takot niya ay Agad siyang pumasok sa kanyang kwarto, natakot siya sa banta nito, alam niyang makapangyarihan din sila, ayaw niyang madamay pa ang pamilya niya sa gulong ginawa niya.

Baka sa sobrang galit kaya ito ganong magsalita. Yun ang nasa isip niya. Binalik niya ang mga gamit sa lalagyan at inayos din ang sarili saka nag ayos sa loob ng bahay, umalis naman agad si Marco pagkatapos ng pagtatalo nila.

Kinaumagahan ay ginawa niya pa rin ang mga dapat gawain sa kanyang asawa.

Naghuhugas siya ng plato ng dumating si Marco, nakaayos na ito at papunta na sa opisina.

" magmula ngayon ay ang laundry lady lang ang darating twice a week at ikaw na ang lahat."

Tumingin siya ditong nagtataka, may trabaho siya at paano niya pagsasabayin ang lahat.

" I don't care, nag asawa ka kaya dapat gawin mo ang obligasyon mo." Patuloy nitong pagsasalita na para bang nabasa nito ang kanyang nasa isip.

Saka ito umalis, halatang pinaparusahan siya ni Marco, malaki pa rin ang town house na linisan at ayusin, pero gagawin niya nalang at para huwag ng lumala pa ang pag aawag nila.

Gabi gabi umuwi si Marco at kung minsan ay hindi umuuwi pag weekend, di niya alam kung asan ito, alam niyang may sarili itong condo kaya baka doon naglalagi, ayaw niyang magtanong pa.

Kung minsan na inaayos niya ang mga gamit nito bago ilagay sa labahan ay may bakas ng lipstick o kaya ay amoy ng perfume ng babae na hindi gaya ng pabango niya.

Minsan ay may kausap ito sa telepono at minsan ay nagriring amg cellphone nito habang kumakain sila, harap harapan nitong sinasagot at halatang babae ang kausap.

Pakiramdam niya ay ginawa siya nitong katulong, paguwi ng bahay ay siya ang naglilinis, nagluluto at kung minsan ay hindi kumakain si Marco at kung minsan ay kumakain ito pero parating may reklamo.

All I wanted is youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon