Chapter 14

468 7 0
                                    

after one and a half year..

Naglalaro sila ng kanyang anak sa park, pinangalanan niya itong Macky, kaiisang taon ng anak niya nung isang buwan at masayang masaya siya na bibo ang kanyang anak at kamukhang kamukha ni Marco.

Naglalakad ito kaya todo alalay sila ni aling Rosa, wala na siyang mahihiling pa sa makalipas na taon, tahimik ang buhay niya, masaya siya kapiling ang anak at paminsan minsan ay tinatawagan siya ng kanyang magulang, kung si Marco ang pag uusapan ay agad niyang iniiba ang usapan dahil ayaw niyang masaktan pa. Siguro masaya na ito ngayon sa piling ni Liana.

Nang mapagod ang anak ay agad niya itong kinarga at umupo sila sa upuan na na gilid ng park, nilabas niya nag bottle nito at pinadede, ngayong isang taon na ang kanyang anak ay nag stop na rin siya sa pagbreastfeed nito. Umuwi sila ng matapos ang anak na magdede.

Sa ilang taon na nakalipas ay iniwasan na niyang makibalita sa pamilya ni Marco, nahirap nung una dahil nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba kay Marco na may anak na sila o hindi, pero pinili niyang itago ito, ayaw niyang magkita pa sila ulit si Marco dahil sa kanyang anak.

Hindi na siguro siya hahanapin pa ni Marco dahil siya na ang kusang lumayo, tamang pagkakataon na rin siguro sa bagong pag ibig, ang bago nilang manager na si Rico ay nagpapahayag sa kanya ng pag ibig, gwapo din ito pero mas hamak na gwapo pa rin si Marco, wala siyang masasabi dito bukod sa mabait ay may pagmamalasakit din kay Macky.

Ilang beses niya na itong binasted noon pero masugid pa rin itong nanliligaw sa kanya, ilang beses niya itong tinataboy pero mayat maya ay tumutulong pa rin sa kanya, pero aayusin niya muna ang lahat bago pumasok sa bagong relasyon. Pero handa na ba siyang ayusin ang lahat?.

Pagkagaling sa park ay agad natulog si Macky kaya dinala niya ito sa kwarto, inayos naman ni aling Rosa ang mga gamit nila at dumiretso sa kusina para magluto, humiga siya sa kanyang kama habang ang anak ay natutulog.

Nagtext ang si Rico at nangangamusta, nireplayan niya ito at saka tinawagan ang kanyang mama, Bukas ay nasa trabaho ulit siya kaya iiwan niya si Macky kay aling Rosa araw araw, mabuti nalang at hindi mahirap alagaan ang kanyang anak.

Biglang kumatok si aling Rosa sa kwarto nilang mag ina, pinagbuksan niya ito ng pinto.

" may bisita ka." sabi nitong mahina.

Di na siya nag abala pang magtanong, alam niyang mahilig magsorpresa si Rico kaya sinara niya ang pinto ng kwarto at pumunta sa salas. Napatigil siya sa kanyang paglalakad ng makita niya ang nakatalikod na lalaki, ang lalaking kelan man ay di nakalimutan ng puso niya. Lumingon ito sa kanya, hindi niya alam kung anong nasa isip nito dahil napakapormal ng mukha. Hinagod siya ng tingin ni Marco saka tumingin ulit sa kanyang mukha.

Pinapakalma niya ang sarili saka lumapit dito.

" so this is the place you've been hiding all these years, nice and comfy." sabi nitong relax at tumango tango pa.

" hindi ko alam na magkikita pa tayo, anong kelangan mo?"

" as far as I know, ay may asawa ako, asawang biglang nagtago" sarkastiko ang tono ng boses nito.

" alam nating pareho kung bakit mo ako pinakasalan, diretsuhin mo na ako kung anong pakay mo" matigas ang kanyang mga tinig, ayaw niyang ipakita dito na halos kabang kaba siya sa nangyayari.

Ngumiti ito ng nakakaloko saka medyo yumuko para mas lumapit ang mukha nito sa kanya.

" As I always say, I need my wife."

" maghiwalay na tayo, alam kong kayang kaya mong ayusin ang mga papel."

" I don't want to fight with you, kaya tigilan mo na ang bagay na yan."

" tapusin na natin lahat ito." sabi niyang di natitinag.

Medyo naging seryoso si Marco. " It seems like ayaw mo akong bigyan ng chance to be kind to you, malakas na ba ang loob mo ngayon dahil may iba ka na?"

" hindi ko alam ang sinasabi mo, ang gusto ko lang ay ang manahimik na."

" ok, before you will decide, I will give you a choice or a chance?" kibit balikat nitong sabi, kampanteng nakaupo sa kaharap niyang sofa.

" a complete family or alone" saka ngumiti.

Nagimbal siya sa sinabi nito, alam niyang alam na nito ang tungkol sa kanyang anak kung ganon, sabagay walang imposible sa pera.

" anong ibig mong sabihin?"

" you know what I mean, I will come back tomorrow to know your decision at makita ang anak ko."

Naghahanap siya ng sasabihin, hindi pwdeng makuha nito ang kanyang anak.

" huwag na nating pahirapan ang isa't isa, pwede tayong mag usap para sa set up natin sa bata." habol niya dito. Tumayo na din siya sa kanyang upuan.

Lumingon ito sa kanya, " nice try, but I will be back tomorrow." saka umalis.

Nanlumo siyang umupo ulit sa sofa. Alam niyang darating ang araw na ito pero di niya akalaing ngayong araw. Pinikit niya ang kanyang mata at tumingala, nagiisip ng pwdeng gawin.

" hindi mapagkakailang siya ang ama ni Macky, ano ng plano mo na bumalik na siya?" puna ni aling Rosa sa kanya.

" hindi ko pa ho alam aling rosa, natatakot ako para sa anak ko, ayaw kong magkahiwalay kami."

" Pagisipan mong mabuti ang desisyon mo anak, hindi mapagkakailang may kaya nga ama ng iyong anak."

" salamat po aling rosa, pasok lang po ako sa kwarto silipin si Macky"

" oo anak, magluluto na rin ako ng pang hapunan natin."

Gulong gulo ang isip niya, di niya alam ang gagawin sa sitwasyon ito, paano pag kukunin ni Marco ang anak nila? wala siyang kalaban laban dito, sa pera at konekasiyon nito lahat ay posible.

Tinitigan niya ang kanyang anak na masarap ang tulog sa crib malapit sa kanyang kama, sana kung ano man ang plano ni Marco ay huwag ang paghiwalayin silang mag ina.

Wala pa ring kupas ang charisma ni Marco sa kanya, tinitingnan niya ito kanina, mas gwapo at mas mature ang itsura, mas malakas ang dating. Ang lalaking lubos niyang minahal kahit noon pero sa ngayon ay gusto na niya ng bagong buhay na hindi kasama ito.

pero kaya ba niya? dahil ngayon palang ay malakas pa rin ang kaba sa dibdib niya pag nakikita ito.

All I wanted is youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon