Chapter 16

483 9 1
                                    

Pagpasok ng sasakyan ni Marco sa bahay ng kanyang magulang ay nalula siya sa laki nito at napakaganda sa labas pa lamang.

Mahimbing ang tulog ng kanilang anak at kalmado sa byahe kaya di sila nahirapan, laking ginhawa din na sumama si Aling Rosa sa kanila para maging yaya pa rin ni Macky.

Wala siyang maiharap na mukha sa mga magulang ni Marco sa nagawa niya noon. Tumigil ang sasakyan sa harap ng hagdanan papunta sa malaking pinto ng bahay. Lumabas sa sasakyan si Marco at saka binukasan ang pintuan niya, hawak niya ang kanilang anak na tulog pa.

" Here we are" sabi nito.

" bakit pa tayo dito tutuloy? bakit di sa bahay natin dati?" tanong niya dito dahil sa pag aalala.

" Gusto ni mama at papa na makasama ang kanilang apo, mahina na ang katawan ni mama hindi na siya gaanong kalakas para magbayhe papunta't pabalik sa bahay natin."

Sasagot pa sana siya dito pero bumukas ang malaking pinto ng mansion at lumabas ang magulang ni Marco.

"eto na ba ang apo ko?" bungad ng mama ni Marco at agad kinarga si Macky, nagpaubaya naman siya para makarga nila si Macky, lumapit din ang ama ni Marco sa kanila at tiningnan ang bata.

" di mapagkakailang apo ko siya" saad nitong nakangiti.

" iha kumusta ka? masaya kaming bumalik ka na, lahat tayo ay nagkakamali dahil sa pagmamahal at salamat dahil naayos niyo ang problema niyo ni Marco".

" maraming salamat po sa pang unawa papa, para po kay Macky kakayanin ko lahat." sabi niya dito.

" Geronimo sa loob na tayo mag usap nila Cheska at baka malamigan na ang apo ko." saway sa kanila ng ginang.

Si Marco ay naglalabas ng mga gamit nila sa sasakyan saka tinawag ang mga ibang katulong para ipasok ang mga bagahe, si Aling Rosa ay nakasunod lang sa kanya at pinaupo din ng mga magulang ni Marco sa sofa, alam ng mga ito na pagod lahat sila sa byahe.

Nagising ang kanyang anak at agad na iniangat ang ulo para sipatin ang paligid, agad nilaro ng magulang ni Marco si Macky at mukhang palagay agad ang bata sa mga ito, ngumiti agad at hindi umiyak. Masaya siyang nakikita na masaya ang kanyang anak.

" mama saan po ang ang nursery para makapagpahinga po si aling Rosa?" tanong niya dito dahil alam niyang pagod na si Aling Rosa.

"Geronimo, hawakan mo muna ang iyong apo at ipakita ko sa kanila ang kanilang kwarto."

Naunang naglakad ang ginang pero dumiretso ito sa kwarto ng mga maid, bale sa isang kwarto ay dalawang katulong ang natutulog.

" dito ka matutulog aling Rosa, ang nursery ay nasa taas malapit sa kwarto ni Marco, dipende nalang sa pagkakataon kung kelangan ng mag asawa ang tulong mo saka ka matutulog sa nursery." paliwanag nito.

" salamat po mam, ok na po ako dito." nahihiyang sagot ni aling Rosa sa mama ni Marco.

Iniwan na nila si Aling Rosa sa kwarto nito at bumalik sila sa sala para tingnan ang kanyang anak.

" Pumanhik na kayo sa inyong kwarto, alam kung pagod kayo kami na ang bahala ka Macky." sabi nito sa kanila ni Marco, bagamat may pag aalinlangan siya ay sumunod siya nalang kay Marco ng maglakad na ito papunta sa hagdan.

Binuksan ni Marco ang kwarto at namangha siya sa ganda at laki nito. King size ang kama at magara ang mga kagamitan. Sinara ni Marco ang pintuan at magsimulang maghubad.

" ano na naman ang ginagawa mo?" sabi niya ditong galit at kinakabahan.

" pagod ako sa byahe at gusto ko ding magpahinga."

Lumakad itong nakaunderwear lang papunta sa banyo sinundan niya ito.

" asan ang kwarto ni Macky, doon ako matutulog."

" buksan mo ang pintuan na yan at diyan ang nursery, ang alam nila mama at papa ay naayos natin ang problema natin, alang ala sa mama ay sana huwag na natin siyang bigyan ng sama ng loob" seryoso ang pagkakasabi nito.

" bakit hindi mo sabihin ang totoo para di na natin kelangang magpanggap?"

" mahalaga sa akin na magkasama tayo para kay Macky"

Pumasok ito sa shower kaya binuksan niya ang kabilang pinto para makita ang nursery, kumpleto ang gamit mula sa crib, changing table at may double size bed sa gilid, pininturahan ng kulay blue ang ilang bahagi ng silid at may disenyong ulap, simple at elegante ang pagkadisenyo.

Umupo siya sa may kama, gusto man niyang maligo ay kasalukuyang naliligo si Marco at ang banyo ang nagdudugtong sa dalawang kwarto. Nasa kwarto na rin ang mga gamit ni Macky, nagsimula siyang ayusin ang mga eto at nilagay na sa closet na nandoon. Nang matapos siya ay Tumayo siya at bumaba para mapadede ang kanyang anak. Baka gutom na ito. Mamaya nalang siya maliligo at magpapahinga.

Pagbaba niya ay masaya pa ring nakikipaglaro ang si Macky sa lolo at lola nito, naghanda nalang siya ng gatas saka nilagay sa center table para kung sakaling magutom ito ay ready na. Bagamat may baby food naman silang dala ay maggatas muna ito bago niya pakainin.

Bumalik siya sa Nursery at tumawag sa kanyang magulang na nasa Manila sila, Agad nagplano ang mga eto para dumalaw sa kanila.

All I wanted is youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon