Chapter 12

451 8 2
                                    

Hindi niya namalayan pero nasa kama na sila at panay ang halik nito sa kanyang katawan, sa bawat sulok ay hinahalikan nito, wala na siyang damit pero may pajama pa rin si Marco. Panay ang ungol niya sa mga ginagawa ni Marco sa kanya, kakaiba ang pag niniig nila ngayon, mas maingat at dahan dahan.
Tinanggal na nito ang sariling pajama saka paumatong sa kanya at dahan dahan mapag isa ang kanilang katawan.

"aahh... Marco" Ungol niya dito habang panay ang galaw ni Marco sa ibabaw niya, ilang beses niyang narating ang langit saka naman si Marco ang sumunod.

Medyo napaungol din si Marco ng marating ang langit saka humalik halik pa ito sa kanyang balikat. Umalis ito sa kanyang ibabaw at kinabig siya nito sa kanyang tabi.

Sa pagod ay yumakap na din siya dito at natulog sila ng payapa. Nagising siyang nakapatong ang isang paa ni Marco sa binti niya, gumalaw siya para tanggalin ito pero nagising si Marco at hinapit siya.

" Marco, may trabaho tayo ngayon, malalate ako. " pakiusap niya.

" you're not going to work, I will help you today para lakarin ang us visa mo." tamad nitong sagot sa kanya.

" Saka ko nalang lakarin pag may oras ako." sagot niya dito at pilit umaalis sa mga yakap nito.

" no, I insist ngayon na, I made this as my day off para samahan kita."

Sasagot pa sana siya pero hinalikan siya nito ulit at agad siyang nadarang at nagparaya ulit dito at sumabay pa ito na maligo sa kanya saka lumipat sa kabilang kwarto para magbihis.

Tumawag naman siya sa office para sa pag absent niya kaso ay alam na pala sa office, sinabi ng papa ni Marco.

Buong araw silang nasa labas, sa embassy at kung saan may kelangan pa. Para silang normal na mag asawa sa araw na un at ng hapon ay sinama siya ni Marco sa office nito dahil may kelangan pa itong ayusin at emergency daw. Umupo siya sa sofa na nasa loob ng office ni Marco habang may pinipirmahan itong papers.

Pumasok naman bigla si Liana at nagulat pa ng makita siya, bumati ito sa kanya kaya bumati din siya.

May nilatag itong papel sa harapan ni Marco kaya nag excuse siya na lumabas konti, mukhang may business pa ang mga eto na paguusapan, naglakad lakad siya konti sa hallway na ang dingding ay salamin kaya kitang kita ang view sa labas, ang traffic sa kalsada at mga ibang buildings. Tumayo siya konti at nagmasid, lumipas ang ilang minuto at bumalik siya.

Nakabukas konti ang pinto ng office ni Marco, papasok sana siya ng masilip niya na nakaupo si Liana sa harap na bahagi ng table ni Marco, nakababa pa rin ang mga paa, kampanteng kampante na nakaupo.

" why don't you tell her? bakit mo pa pinatatagal?"

" I will tell her in the right time, not now."

" well, just tell her, huwag mo ng paghintayin pa si Cheska, tutal dun din lang naman ang tuloy" sabi naman ni Liana.

Naglakad siya sa palayo sa office ni Marco, huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili, pakikipaghiwalay ba sa kanya ang usapan ni Marco at Liana kanina?, siguro dahil obvious naman may pagtingin sa isat isa ang mga eto. 

Pabalik na siya sa office ni Marco ng tamang tama namang lumabas si Liana, ngumiti ito saka nagpaalam.

Pagpasok niya ay tamang tama naman na inaayos na ni Marco ang mga gamit.

" Let's go?" sabay hawak sa kanyang kamay.

Panay ang kwento nito sa kanya habang sila'y paalis , na sa video call na lahat ang pagtratrabaho nito pag nasa America, minsan naman ay nagtatanong siya at masaya naman itong sumagot sa kanya. Desidido na itong makipaghiwalay sa kanya, yun siguro ang usapan nila ni Liana kanina.

Nagyaya ulit si Marco na kumain sa labas at magkatulog ulit sila ng gabi, nakalimutan niya din ang dinaramdam na sakit ng damdamin kaya sumasang ayon siya kay Marco. Napakabilis dumaan ang isang linggo at halos nagready ng mabilisan si Marco.

Kasalukuyan na silang nasa airport, alis ni Marco ngayon pero laking gulat niya na magkasabay pala na mag aaral si Marco at Liana sa America, pinipigil niya ang damdamin dahil nandoon din sa airport ang magulang ni Marco.

Nakapag check in na si Mraco at Liana, habang nakaupo sila sa waiting area bago pumasok sa boarding si Marco at Liana ay hinila siya ni Marco sa tabi, hinalikan siya ng napakahigpit at matagal.

Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Marco pero wala siyang mabasa.

" I will wait for you there, take care" sabi nitong nakatingin sa mata at mahigpit na yumakap sa kanya, yumakap din siya at di napigilang tumulo ang kanyang luha.

" don't cry, hihintayin kita doon" sabi nito at ito ang mismong nagpahid ng kanyang luha.

Bumalik sila sa lugar kung saan nakaupo ang kanyang mga magulang at ni Liana, nagpaalam din ito saka pumasok na si Marco at Liana, humawak si Liana sa braso ni Marco, pero di siya nagreact, dahil ito na ang huli nilang pagkikita, ang Pagtatapos ng lahat.

Hinatid siya ng magulang ni Marco sa townhouse nila ni Marco, pagpasok niya ay napaiyak siya, ang limang buwan na pagsasama nila ay puno ng sakit at kalungkutan, nitong nakaraang araw lang na trinato siya ng maayos ni Marco at un lang ang memory na babaunin niya. Agad siyang nag impake at nag ayos ng gamit sa loob ng bahay.

Nagsulat siya ng resignation letter at sulat na rin para sa pamilya at magulang ni Marco, sinabi niya dito ang rason ng pagpapakasal nila, hindi na siya natatakot kung ano pang mangyayari dahil alam niyang masaya na si Marco sa piling ni Liana sa America.

Pagdating ng lunes ay agad siyang pumunta sa main office ng kompanya kung saan nagtratrabaho ang papa ni Marco, iniwan niya sa secretary nito ang sulat at resignation letter nito at ang susi ng bahay nila ni Marco saka umalis.

Dumalaw siya sa magulang at pinagtapat din sa mga ito ang kasinungalingan niya. Galit sa una ang magulang niya pero sa huli ay inintindi pa rin siya, Umalis siya para maghahanap ng bagong trabaho at bahay.

Ayaw man nila ang plano niya pero wala pa ring magawa ang mga eto dahil siya pa rin ang masusunod.

Walang alam ang magulang niya kung saan siya papunta basta ang alam niya ay kelangan niya ng bagong buhay, bagong paligid at bagong trabaho.

Napadpad siya sa Tagaytay, hindi malayo sa Manila, pero isang lugar na pwde siyang magsimula, Tawag ng tawag ang papa ni Marco pero hindi niya sinasagot ito, inioff niya ang kanyang cellphone saka naghanap ng paupahan, May nakita siyang medyo maayos na bahay na, agad niya tiningnan ang apartment saka nagbayad ng paunang bayad.

Kinuha niya ang mga gamit sa sasakyan at nilagay sa loob, dahil wala pa siyang kagamit gamit ay balak niyang bukas mamili kaya naglatag siya ng makapal niyang kumot sa sahig at nahiga.

Namimiss niya si Marco, pero pinigilan niya ang sarili na malungkot at piniling matulog.

All I wanted is youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon