Prologue

1.7K 53 38
                                    

Tuluyan nang napaiyak si Mari Casa nang sabihin ng doktor sa kaniyang ina ang oras ng pagkamatay niya. Nakita niya kung paano ito humagulhol ng iyak habang yakap nito ang wala nang buhay niyang katawan dahilan upang mapahagulhol din siya ng iyak. Sinubukan niyang yakapin ang kaniyang ina ngunit hindi niya ito nayakap dahil batid niyang kaluluwa na siya. Masakit para sa kaniya na hindi siya makita at marinig nito kahit nasa tabi lang siya nito.

"Dok, hindi puwedeng mawala ang anak ko. Buhayin ninyo siya, pakiusap. Siya na lang ang kasama ko sa buhay." Nagpatuloy sa paghagulhol ang ina ni Mari Casa.

Tumahan si Mari Casa sa pag-iyak at pinahid niya ang luhang umagos sa magkabila niyang pisngi. "Mama, huwag kang mag-alala dahil lagi lang akong nasa tabi mo. Nawala man ang katawang-lupa ko, nandito pa rin ako para bantayan ka."

Nasilaw si Mari Casa nang bumalot ang liwanag na hindi niya alam kung saan nagmula. Matapos ang ilang sandali ay iniluwa ng liwanag ang kababata at matalik niyang kaibigan. Nakasuot ito ng kulay puting mala-bistida.

"Debot?" Gulat na gulat si Mari Casa habang nakatitig sa kaibigang bakla.

"Ako nga, Inday. Na-miss mo ako 'no?"

Nilapitan ni Mari Casa ang kaniyang kaibigan. Kinagat niya ang kaniyang labi para pigilin ang nagbabadya niyang pag-iyak dahil labis siyang nanabik dito. Sandali pa niya itong tinitigan bago niya hawakan ang kamay nito. Labis siyang namangha dahil naramdaman niya ang pagkakahawak niya rito.

"Hindi ka nananaginip, Inday. Totoo ito as in real na real."

"Bakit nandito ka?"

"Dahil ako ang susundo sa iyo."

Napabitiw si Mari Casa sa pagkakahawak kay Debot. "Hindi ako sasama sa iyo. Mahirap na baka dalhin mo ako sa impiyerno."

"Lokong 'to. Huwag kang mag-alala dahil kahit bakla ako, tinanggap naman ako sa langit 'no." Ngumiti si Debot at ito naman ang humawak sa kamay ni Mari Casa. "Tara na, sumama ka na sa akin. Siguradong matutuwa ka dahil bukod sa maganda ang buhay sa langit, marami ring guwapo at macho roon. Ang dami ko ngang crush doon eh."

"Pati ba naman sa langit, nangha-hunting ka ng mga guwapo?"

"Infairness, mas maraming guwapo sa langit kaysa dito sa lupa. Kilala mo si Troy?"

Sandaling napaisip si Mari Casa hanggang sa makilala niya ang tinutukoy nito. "Huwag mong sabihing nasa langit din siya?"

"Oo, nandoon nga siya. Infairness, mas naging hot siya," pahayag ni Debot. Hindi na nito napigilan ang kilig kaya lumundag-lundag ito.

"Anghel ka na ba, Debot?"

"Yes, gusto mong ma-see ang pakpak ko?"

Bahagyang napailing si Mari Casa. "Kung anghel ka na, bakit parang mas naging malandi ka kaysa noong buhay ka pa? Saka teka nga, sinabi mong nasa langit si Troy, hindi ba makasalanan 'yon?"

"Saka ko na ikukuwento sa iyo kung bakit tinanggap siya sa langit at pati na rin ako. Ano, gora na tayo? Huwag kang mag-alala, may pa-red carpet para sa iyo."

Tumalikod si Mari Casa kay Debot para sulyapan ang kaniyang ina. Patuloy pa rin ito sa pag-iyak habang nakayakap pa rin ito sa kaniyang katawan. Hindi niya kayang iwan ang kaniyang ina.

Napaluha si Mari Casa dahil hindi niya inasahan ang pagdating ni Arthur. Niyakap nito ang kaniyang ina at pilit na pinatahan. Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang nangyari sa kaniya.

"Arthur, wala na ang anak ko." Muling humagulhol ng iyak ang ina ni Mari Casa.

"Nakikiramay po ako. Kahit kailan lang kami nagkakilala ni Mari Casa, itinuring ko na siyang matalik na kaibigan."

Tuluyan nang napahagulhol ng iyak si Mari Casa. Kahit kaibigan lang ang turing sa kaniya ni Arthur, masaya pa rin siya dahil naramdaman niyang mahalaga siya para rito. Tila lalo niya itong minahal.

"Ano na, Inday? Hinihintay na tayo roon. Marami pa namang kasing guwapo ni Arthur sa langit. Hayaan mo, may ipakikilala ako sa iyo."

"Hindi pa ako handang iwan ang mga taong mahal ko, Debot." Humarap si Mari Casa kay Debot. "Mauna ka na lang. Magkano ba ang pamasahe papuntang langit? Iwanan mo na lang ako ng pamasahe para kapag handa na ako, susunod ako."

"Hindi puwede dahil kailangan sabay tayong pupunta roon. Limitado lang ang oras ko rito, Inday. Kapag ako talaga napunta sa impiyerno, isasama talaga kita roon."

Muling tumalikod si Mari Casa para tingnan ang kaniyang ina at si Arthur. "Ayoko pa, Debot. Parang gusto ko ulit mabuhay."



•*•*•*•*•

Ang istoryang ito ay mula sa aking orihinal na katha at kung ano man ang pagkakatulad nito sa ibang akda, hindi ko iyon sinasadya. Ito ay buong puso kong inihahandog sa inyo.

No To Plagiarism!

= Pinaghirapan ko ang istoryang ito at talagang kinalkal ko pa ang kailaliman ng utak ko nang sa gayon ay makaisip ako ng ganitong uri ng istorya.

Kapag nagsisinungaling ka, hindi ba't gumagawa ka ng palusot para pagtakpan ang nagawa mo? O, edi nakagagawa ka na ng istorya. Doon pa lang ay nakakagawa ka na ng SHORT STORY. Malay natin, makagawa ka ng NOVEL.

Plagiarism Is A Crime!









•*•*•*•*•

Halina't tunghayan ang nakaaaliw at nakababaliw na istorya nina Mari Casa at Arthur...

Borrow for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon