Simula

354 26 44
                                    

💛

This is a work of fiction, Names, characters, businesses, places,events and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

************************************************************************



Can all people be good in everything?
Mautak, madiskarte, matiyaga, responsable.
Kaya bang pagsabayin lahat ng tao iyon?

Kaya ba niyang maging perpekto sa mata ng karamihan?
Kung mautak siya sa clase, kaya niya bang maging madiskarte sa labas ng paaralan. Kaya niya bang makipaghalubilo sa maraming tao?

Hindi mahihiya.

Kayang ngumiti.

Tumawa.

Makipagsabayan.


Kaya niya bang maging mabait sa taong ang binibigay lang sa kanya ay pait at sakit?

Kaya parin ba niyang sumayaw, kung siya ay galit?

Magmahal kahit sinasaktan na siya ng paulit-ulit?

Pwede bang gamitin ang ritmo ng musika, para mapawi lahat ng sakit at pagdurusa? At mawala lahat nang pangamba.

Pwede bang wag mo siyang bitawan, dahil sa simula palang, ikaw lang ang bukod tangi niyang minahal.

Magagawa mo ba iyon?


Magagawa mo ba lahat nang yun?


🌿

"Magaling ka ba?"


Tinanong ni Kim ang babae. Gusto niyang malaman kung seryuso ba talaga ito sa pagsali sa dance troupe, baka gusto lang sumali, para may maipagyabang, because if you are one of the member of this troupe, everyone can able to notice you.

"Syempre naman." Diretso niyang sabi, when you looked at her, masasabi mong malaki ang kanyang kumpyansa sa sarili. She is really confident though, alam niyang magaling siya na kaya niya kaming pamanghain sa kanyang mga galaw.

"1st yr? Anong course mo?" Kim asked.

"Oo, first year at Tourism ang course ko."

"Where did you finish highschool?" I asked her.

"UE. Dun ako nag tapos nang senior high!" Hindi magiliw ang kanyang boses. Meron itong pagkadominante.

"Are you a member of some dance troupe in your school back then?"

Kitang-kita ko sa mukha ng babae na parang naiirita na siya sa mga tanong ni Kim.

"Are you that strict? asking me a lot of questions, for pete sake, oo, magaling akong sumayaw."

Frustrated niyang pagkakasabi.

I loved the girl's confidence, but she's too arrogant for her age.

"How old are you?"

"19"

"Bata pa."

Sinenyasan ko si Kim na ipasayaw na siya, wala naman talagang audition ngayon, pero nagpupumilit ang babaeng ito na mag audition. Malakas ang kapit sa admin, kaya agad na ipinatawag ang mga officials ng dance troupe to watch her dance so she can join the group, but only Kim is free among the leaders to rate her skills.

The meaning of letting go (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon