💛
"I am very thankful to you Elle, tinutulungan mo ako, kahit hindi mo naman gawain ito. Kahit napakabusy mo, you still have time to help me. I am very grateful, and honor at the same time." Kimberly said. She is always grateful to me and I don't know why! Wala naman akong ginawa. Kung meron man, hindi naman ika-pasasalamat.
"Sino pa ba ang magtutulungan? Tayo-tayo lang di ba? at tsaka, being grateful is too much."
"But, I just wondered, you are helping me, but..." she wanted to utter a word, bago niya sabihin ang salitang yun, I just cut her off.
"It's not important anymore, the important is, this fund raising should be successful. Kailangan makalikom tayo ng sapat ng pundo para sa nga cancer patients."
"Well, dapat talaga! Hindi pala madaling maging presidente ng dance troupe na ito. I can't just multitask my academics and this organization, this whole organization is huge to be cater and to be lead. Isa lang katawan ko, hindi pa ako magaling sa multi tasking."
"But you both love dancing and chemistry, you can do it Kim, diba? kapag mahal mo ang isang bagay, madali mo lang itong magagawa."
"Because of you, kaya nga napakalaki ng utang na loob ko sa iyo. I can easily organize and facilitate a program because of you." Magiliw niyang sabi.
"You don't have too."
"Idol talaga kita Elle, sana balang araw, makita ulit kitang..." Pinutol niya ang kanyang gustong sabihin, because maybe she is not confident in what she is going to ask me.
"Sumayaw?"
"Pwede ba? Kasi nakikiusap ako, sana kung sasayaw ka man ulit, makita ng mga tao, yung hindi lamang ako."
_________
Kinakabahan ako, first time kong sumayaw sa stage ng CDSS, isa lang ito intermission number, meron akong partner, pero kabadong -kabado parin ako.
Dalawang linggo kaming nag ensayo para rito.
Mahalaga raw kasi ang programang ito,kaya kailangang paghandaan.
Malaki ang auditorium ng eskwelahan, kahit hindi man karamihan ang estudyante kasi Pribado, pero alam kong mataas ang kanilang standards pag ganito na ang pinag-uusapan.
Minake apan ako ni Ate Sandra.
Makapal
Parang hindi na ako ang nakikita ko sa salamin.
Para akong tumanda ng limang taon sa hitsura ko.
"Mas lalo kang gumanda. Seductive, parang hindi ka dose anyos, pag ikaw nagdalaga, maraming magkakagusto sa iyo Elle, ang ganda mong bata ka."
Hindi ko alam kong matatawa ako kay ate sandra, kailan man hindi ko inakalang maganda ako. O kaaya-aya man lang sa mata ng karamihan.
Para sa akin, kapag mahirap ka, hindi ka maganda.
Ang mukha mo ay mananatiling simple lamang sa mga mata nila.
Hindi kaakit-akit.
Walang mahuhumaling.
Kaya kung susugal man ang mahihirap sa pag-ibig, gagamitin nalang siguro nila ang kabutihan ng kanilang kalooban.
Hindi naman kasi mabibili yun.
Tinawag na kami ng aking partner sa stage.
Kung makikita lang siguro ako ni Kael sa ganitong ayos, magugustuhan niya kaya ako?