Ilang buwan na rin ang lumipas, hindi ako katalinuhan nung highschool, kaya naman ay hindi ko lubos akalain na kakayanin ko ang ganitong kurso, mahirap unawain,pero inuunawa ko, in the first place, ayaw kong mapahiya sa mga magulang ko, sa pamilya ko. Ayaw kong sabihin nila na hindi ko kaya. Nasa isip lang naman yan eh.
Kung iisipin mo na hindi mo kaya, hindi mo talaga kakayanin.
Pinagsisikapan ko. Pinagbubutihan ko, hindi para sa sarili ko, kundi para sa kanila.
"I thought your eldest daughter would took up business management Bettina."
Ani nang kanyang amiga! Her close friend came and Mom asked me if I could join them in the Garden to have a chitchat. Hindi ako sanay sa ganito dahil namuhay ako na jologs, ayaw ko sa pasosyal. Kahit pa ang mga kaibigan ko rati ay mayayaman, hindi ganito kasosyal sila.
"No, She wanted to be a doctor. Sinuportahan ko nalang ang kanyang gusto, ganyan naman talaga ang gawain nang isang ina di ba?"
"So you are going abroad iha for med school?" Tanong niya sa akin.
Kahit kailan hindi ko ginusto ang maging doctor. Ang gusto ko lang buong buhay ko ay ang sumayaw. Maging isang sikat na mananayaw! Kahit kailan hindi ko binalak ang mag-isip nang ibamg propesyon.
Nung nalaman ko na may mayaman pala akong ama, akala ko masusuportahan niya ako sa gusto ko.
Hindi pala!
"Hindi na po, dito nalang po ako mag-aaral"
"Hindi niya gustong lumayo sa amin, right honey?"
"Opo!" Tugon ko sa kanyang kaibigan. Na kong pumustora ay katulad din niya. Wearing designer clothes and having expensive accessories, may class din.
"Balita ko, she is dating Sol Takahashi." Kahit kaibigan ni mama alam pala na kami ni Sol. Masyadong sikat si Sol para sa akin. Ayaw ko nang maraming tao ang makaalam. Pero parang alam na nang lahat.
"Yes Andra!"
"You are so lucky iha!"
"No Andra! That boy is the lucky one, look at my daughter, she is so gorgeous, smart, she is just so perfect for someone." Ani ni mama, na kung makapagyabang siya ay parang anak niya akong tunay.
"Anak mo eh! Kanino ba yan magmamana." Her friend said.
My mom is laughing, yung tawa na pangmayaman, masarap pakinggan at mahirap gayahin.
Ngumiti lang ako sa naging reaksyon ni mama.
Nakakatawa lang isipin, na alam nang lahat na hindi ako anak ni Bettina Vergamonte. Pero palagi nilang sinabi na nagmana ako sa kanya.
Para sa akin, she is just too perfect para ikumpara ako sa kanya. Kahit kailan hindi ako magiging katulad ni Bettina.
"By the way hindi pa ba ikakasal si Rio?"
"Wala pa siyang pinapakilala sa akin na nobya niya."
"Is it okay with you Bettina kung he will just meet someone that will not suit your taste?"
"Of course not. If my son Rio will meet a woman, gusto ko yung katulad ni Elle. Just look at my daughter Andra! I want her to be gorgeous, elegant, I want her to be smart, at syempre gusto ko yung masunurin. Yung may delicadeza."
"And of course, galing sa may kayang pamilya?" Tanong nang kanyang kaibigan.
"It doesn't matter. I don't care kung hindi siya anak nang isang business tycoon, nang isang may kaya at maimpluwensyang pamilya, ang gusto ko lang ay yung magkakasundo kami."
BINABASA MO ANG
The meaning of letting go (On Going)
Aktuelle LiteraturYshtrielle Zaniyah Vergamonte