ANG MAHIRAP NA PRINSESA......
Yuna's POV.........
Masigla ang gising ko ng umagang yon, night shift ang schedule ko sa pinapasukan kong electronic company sa cavite kung saan Quality controler ang work ko. Nasa bahay namin ako sa laguna at naggagayak na pabalik ng cavite ,
By the way, ako nga pala si Yuna Laine Quinto, 24 years old at bread winner ng pamilya. Apat ang mga kaptid kong sumunod sa akin at tatlo pa doon ang nagaaral, ang sumunod sa akin ay lalaki na nakabuntis kaya maagang nagasawa. Ang parents ko ay magtitinda ng gulay sa palengke sa bayan namin. Sa hitsura naman 5'2 ang taas ko slim ang katawan at sakto lang ang kulay, maraming nagsasabi na baka ampon lang daw ako nila nanay at tatay dahil malayo daw ang hitsura ko sa mga kapatid ko, bakit? Maganda daw kase ako, at ang kutis ko parang laki sa mayamang pamilya, di tulad ng mga kapatid ko na kakulay ng mga magulang ko. Pero di ako ampon no? Unang apo ako ng lolo at lola ko, sa katunayan sa kanila ako lumaki, inalagaan lang akong maigi ni nanay mula pagkabata dahil excited sa unang anak. Tatlong lalaki pa ang sumunod sa akin bago pa ako nagkaroon ng kapatid na babae, kaya nabaling sakin ang atensyon ng magulang, kaya kahit mahirap ang buhay namin never ko yong dinanas, daig ko pa ang prinsesa mula pagkabata ,nagkataon lang na iba na ang sitwasyon namin ngayon kaya kinailangan kong tumulong agad sa kanila, humina kase ang tindahan nila tatay at nanay at lumalaki ang gastos sa pagaaral ng mga kapatid ko,ako lang ang inaasahan nila. Kaya nagsisipag ako sa trabaho kahit di kalakihan ang sweldo .
About sa ugali,simple lang naman ako,masiyahin ,positive lagi at may pagka-maldita din minsan. Isip bata minsan ,lumaki kase akong limited lang ang problema.wag problemahin ang di kayang problemahin.thats it!
Iginala ko ang paningin sa aming munting bahay, naipasemento ko na ang kalahati ng bahay na yon at paunti-unti na rin namin nahuhulugan ang 100sqm na lupang kinatitirikan ng bahay namin.goal ko na mapaganda ang bahay na yon bago ako magasawa.hahahah wala pa sa utak ko ang pagaasawa, kailangan ko munang sumuporta sa kanila .pero meron akong itinatanging lalaki sa puso ko.
Alas singko ng hapon nakarating ako sa boarding house namin sa cavite.kasama ko don ang pinsan kong si Lovely na operator sa company na pinagtatrabahuhan ko at ang isa ko pang pinsan na si Arvin na engineer sa ibang company na sakop din ng cavite. Alas otso pa ang pasok ko kaya nagpahinga muna ako sa katre ko ..first night na naman mamaya ,tiyak na aantukin ako sa trabaho ,sana ka-shift ko si Sir Tristan para makaya ko ang antok ..landi!
Well..si Tristan Villanueva ang leader ng engineering department sa company namin, ang A&A electronic company na gumagawa ng hard disk ng mga laptop etc. Si Sir Tristan ay matagal ko nang crush, mula ng dumating ito sa company at maging kaibigan ko. Matanda ako ng tatlong taon sa kanya pero wapakels, basta crush ko sya. Fresh graduate palang kase ito at alam kong hindi ito magtatagal sa company namin kaya sasamantalahin ko ang pagkakataon na kasama ko sya, ang alam ko kase ay taga manila ito at may kaya ang pamilya, nagpapalawak lang ito ng work experience bago sumabak sa trabahong nakalinya talaga dito.
Bukod sa Sir ko sya sa trabaho ay bestfriend ko rin sya. Naging super close kami mula ng ma hired sya don. At sa ipinapakita nyang special na trato sakin ay nahulog ang loob ng sa lalaki.Break time nang makita ko si Sir Tristan sa canteen, nakapila ito at nagbabayad sa cashier, alam kong sa amin siya sasabay ng pagkain kaya pasimple kong inilabas ang maliit na salamin at tiningnan kung maayos ang hitsura ko. Maganda pa rin naman ako.
" hi, musta ang bakasyon nyo? " tanong ni Tristan pagkaupo sa tapat ko. Kasama naming kumain ang bestie kong si Vanessa na QC din at ang production leader na sina Criselda ,Jane at Norman , saka ang production engeneer na sila Jun at Lenard.
BINABASA MO ANG
Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S )
RomanceMinsan lang daw s'yang magmahal at ako 'yon, kaya raw handa niyang gawin at ibigay ang lahat para maangkin lang ako. Sino ba naman ako para tanggihan ang tulad niya na gwapo, mayaman, at mahal ako? Ngunit may isang problema... may iba akong gusto, a...