KALDERETA ALA YUNA........
Yuna's POV...
Naalimpungatan ako mula sa mahimbing na pagtulog dahil sa haplos ni Paolo. Naaalala kong nasa bahay nga pala ako ng nobyo, nakita ko syang nakaupo sa gilid ng kama habang seryosong nakatitig sakin.
" kanina ka pa? " balikwas ko. Niyakap ko ang sarili dahil parang nilamig ako sa aircon ng silid, nakalimutan kong mag kumot kanina nang mahiga ako.
" kadarating ko lang, " sabi nito .hinalikan nya ako sa pisngi na ikinapikit ng mata ko.
" hindi mo na ako dinadalaw, sobrang busy ka kaya pumunta nalang ako dito " i pout my lips ,
" im sorry, marami lang talagang problema ngayon, " aniya.
"Hmmf, parang gusto ko na ngang makipag break talaga sayo eh, " pagsisinungaling ko na ikinakunot naman ng noo niya.
" you can't do that,remember?"
" eh kase parang wala rin naman akong bf, mabuti pa noon kay Tristan alam ko kung-----" napatakip ako ng kamay sa bibig nang masabi yun. Nakita kong nagdilim ang mukha ni Paolo pero saglit lang yun. " j-jowk lang! " bawi ko.
Humugot sya ng malalim na hininga bago tumayo.
" do you miss him? " malamig na tanong nito.
"H-ha? " kinabahan ako sa tanong na yun.
" si Tristan, nami-miss mo pa ba sya? "
Nami-miss ko pa nga ba si Tristan?.. Oo siguro pero hindi na tulad ng dati, nami-miss ko nalang ang mga alaala namin na magkasama sa mga lakaran. He is my bestfriend kaya natural lang naman siguro yun.
Pero nanatili akong nakatingala sa nobyo at nangangapa ng isasagot.
" it's okey, i understand, kalimutan mo nang may sinabi ako, i'll take a shower" malungkot na sabi nito.
Hindi ko kayang makita ang lungkot sa mukha ng kasintahan kaya tumayo ako sa kama at niyakap sya mula sa likuran. Ilang saglit kami sa ganoong posisyon bago nya tinapik ang kamay ko na tila sinasabing nauunawaan nya,
" i'll take a shower" mahinang sabi nito bago kumalas sa yakap ko.
Look what you've done, Yuna..
Bakit di ko sinabi na mahal ko na sya, as in mahal na mahal,.. Nasaktan ko tuloy sya.
Ilang araw ako sa mansyon ni Paolo kasama ito, kontento naman ako kahit araw-araw syang wala at nasa trabaho basta pagdating ng gabi kasama ko sya. Minsan pareho kaming nasa office sa bahay nya habang nagtatrabaho sya ako naman ay nagbabasa o kaya kumakain ng tsitsirya. Madalas akong antukin kahihintay sa kanya na matapos sa ginagawa. Binubuhat nalang nya ako papunta sa kwarto .
Tuwing nasa trabaho naman sya ay laging napunta si Mona at Cassey sa bahay, nagluluto kami ng kung ano ano. Nagaral kaming mag bake ng cookies. Yun nga lang lagi kaming nakakasira ng gamit. Tinatawanan nalang namin ang mga sunog na cookies.
Gusto ko sanang ipagluto ng masarap si Paolo pero wala akong alam na putahe, kaya naisip kong bumili ng cook book. At pinagaralang lutuin ang paborito nyang kaldereta.
BINABASA MO ANG
Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S )
RomanceMinsan lang daw s'yang magmahal at ako 'yon, kaya raw handa niyang gawin at ibigay ang lahat para maangkin lang ako. Sino ba naman ako para tanggihan ang tulad niya na gwapo, mayaman, at mahal ako? Ngunit may isang problema... may iba akong gusto, a...