A SAD GOODBYE....
Yuna's POV...
" ano bang pinagsasabi mo?" Pinahid ko ang luha sa pisngi at inis na tumayo para iwanan ang lalaki pero agad nya akong napigilan sa braso.
" ano ba, pwede ba Mr. Villanueva ,hindi tayo personal na magkakilala para kumilos ka ng ganyan. "
" as far as i remember, magkakilala tayo, we already kissed and im assume na first kiss mo yun"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.
" hindi ko matandaan na naghalikan tayo! " iwas ko saka pilit na kumawala sa pagkakahawak nya.
" talaga ba? Kaya pala kung hindi ako tumigil ng gabing yon baka hindi kana virgin ngayon! "
Sasampalin ko sana sya pero hindi ko naituloy yun.
"W-what? " namilog ang mata ko sa sinabi nya. Iginala ko sa paligi ang mga mata ,mabuti nalang at walang masyadong nagagawi sa lugar na yon.
Diko namalayan na nakalapit na pala sya sakin at hinapit ako sa baywang.
" you are so willing that night na halos mabaliw ako sa pagganti mo sa halik ko, tapos ngayon makikita kitang umiiyak dahil sa ibang lalaki? " tiim bagang na sabi ng lalaki.
"B-bitiwan mo ako" hindi ko maintindihan ang kinikilos ni Paolo Villanueva. Isang pagkakamali ang halik na yon, lasing ako at broken kaya nangyari yon.
Ilang saglit na tinitigan muna ni Paolo Villanueva ang buong mukha ko lalo na ang mga labi ko bago ako pinakawalan. Nanlambot naman ang mga tuhod ko.
" lasing ako non, at broken ..kaya isang pagkakamali ang halik na namagitan sa atin. " sabi ko sa lalaki.
" sa susunod na halikan kita, sisiguraduhin kong hindi ka lasing at hindi ka broken" tiim bagang sabi nya.
" hindi mangyayari yon, " mariin kong sabi pero ngumisi lang sya.
" lets eat, hindi kapa nagdi -dinner" sabi nya at naglakad pauna sakin. Kung umasta sya ay parang matagal na kaming close samantalang pangalawang beses palang kaming nagkikita.
" hindi ako nagugutom! " malakas na sabi ko para marinig nya.
Pero heto at namumuwalan ako ng mga masasarap na pagkain na inorder ng lalaki sa isang seafood restaurant don. Pag pagkain na ang kaharap ko nalilimutan ko ang problema. Kumain lang ako ng kumain at hindi pinansin ang pangiti-ngiting pagmamasid ni Paolo Villanueva sa pagsubo ko. Pinapak ko ang steam na sugpo. Grabeng sarap ng pagkain. Noon ko lang nakain yun. Syempre pangmayaman yun mga yun eh.
Sasamantalahin ko nalang habang may kasama akong lalaking mayaman .Sa pamamagitan ng pag-nguya ay palihim kong pinagmamasdan ang gwapong binata. So milyonaryo ito? Marami itong pera at kotse.. Kaya nagtataka ako kung bakit pinagaaksyahan nya ako ng oras. Kung dahil lang sa halik na yon, im sure marami naman syang mga babae na nahalikan. Sa hitsura nya tiyak na maraming lumalapit na babae dito.
After kumain ay umorder pa ang lalaki ng cake at fineapple juice. Walang kyemeng nilantakan ko yun. Wala akong pakialam kung isipin man ng lalaki na PG ako. Paki ko sa kanya.
Kinabukasan nalaman ko nalang na bumalik na ng manila si Tristan dahil may aasikasuhin daw ito ng biglaan. Iniwasan ko nalang na isipin sya. Nag enjoy nalang ako kasama ang mga kaibigan. Bumili kami ng mga remebrance items saka tshirt na may i love boracay. Sa gabi naman ay lagi kaming nagbo bonfire. Si Paolo ay madalas maglalapit sakin. Na napapansin ng lahat.
BINABASA MO ANG
Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S )
RomanceMinsan lang daw s'yang magmahal at ako 'yon, kaya raw handa niyang gawin at ibigay ang lahat para maangkin lang ako. Sino ba naman ako para tanggihan ang tulad niya na gwapo, mayaman, at mahal ako? Ngunit may isang problema... may iba akong gusto, a...