Chapter - 19

2.7K 300 189
                                    

RUTHLESS MONSTER...

Yuna's POV.......

Naroon pa rin ako sa tapat ng room ni Paolo sa ospital kinabukasan. Nang makita kong umuwi muna si Ate Mylene ay muli akong pumasok sa room. Tulog pa ang binata kaya malaya akong nakalapit sa kanya at naupo sa silyang nasa katabi ng kama. Namalisbis na naman ang luha ko nang makita ang mga gasgas at pasa na natamo niya sa aksidente. Maingat kong hinaplos ang gwapo nyang mukha .may maliit na pasa sa gilid ng mata nya.

Paolo, nasasaktan ako sa nangyayari sa atin, sana ibalik natin sa dati ang lahat.

Kinuha ko ang isang kamay ng binata at hinawakan yon.. Natakot ako ng magising ito sa ginawa ko. Marahas nyang ipiniksi ang kamay ko sa kamay nya.

" nandito ka na naman? Umalis kana Yuna, maraming pwedeng magbantay sakin, hindi mo kailangang magpanggap na nagaalala ka" diin nito.

"Paolo naman, please wag mo naman akong itaboy. I want to take care of you" sabi ko.

" i dont need your care, sweetheart.. Lalo na ang awa mula sayo, kaya umalis kana bago pa kita ipakaladkad palabas ng ospita na to"

Wala akong nagawa kundi sundin sya. Pagod na akong makipagtalo sa kanya. Wala pa akong tulog at pahinga mula pa kagabi. Naisip kong magpahinga muna at saka nalang bumalik. Kailangan ko ng lakas para harapin ang galit ng kasintahan.



Umuwi muna ako sa cavite para ipahinga ang katawan. Ikwinento ko kay Vanessa ang nangyari sa telepono.

" yan na nga ba ang inaalala ko, hayop na Jane yan, sasampalin ko sya pag nakita ko " ani Vanessa.

"Kailangan kong bumalik sa manila, kailangan kong makapagpaliwanag" malungkot kong sabi.

"Tama yan bestie, basta kung kailangan mo ng tulong andito lang ako ha"

"Salamat"

Agad akong nag file ng one month leave sa company, bahala na, basta ang importante si Paolo...

Kinabukasan ay nag-empaki ako ng damit at lumuwas .sa ospital ako dumeretso pero sinabi sakin na naka uwi na ng bahay si Paolo. Kaya sa mansyon ako tumuloy.

Si Lutchi ang nagbukas ng gate sakin.

" si Paolo? " tanong ko.

" nagpapahinga sa kwarto, kakaalis lang nila Mona dito, nakakatakot si Sir, laging nakasigaw ngayon" kwento ng kasambahay.

"Akyat muna ako " sabi ko. Tumango naman ang babae.

Binagtas ko ang daan patungong kwarto ni Paolo. Kumatok muna ako bago pumasok, kung dati ay malaya akong nakakapasok don ngayon ay iba na ang sitwasyon.

"Who's that? " galit na tanong nito. Kaya pala natatakot na ang mga katulong. .

Tahimik akong pumasok sa silid. Naabutan ko syang nagbabasa ng libro sa gitna ng kama. Naka benda parin ang braso nito at ulo.

Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon