Chapter - 22

2.9K 313 180
                                    

THE WEDDING.....



Yuna's POV...

" Bestie mami-miss ka namin! "

Mangiyak - ngiyak na sabi ni Vanessa nang niyakap ako.pinuntahan nila ako sa apartment ni Criselda ng malamaan ang biglaan kong ginawang pagre-resign. Maging sila Jun, Lenard at Norman ay nabigla. Limang taon na rin kase ako sa A&A at sila na ang mga naging kabarkada ko, of course kasama na don si Tristan.

Ayoko man magresign dahil napamahal na sakin ang kompanya at ang mga kaibigan ko don pero kailangan. Mahigpit na usapan namin yun ni Paolo... Para maging maayos ang pagsasama namin, i need to respect his decision.

" grabe, hindi ako makapaniwala, tito ni Tristan ang papakasalan mo! " sabi naman ni Criselda.

Naglalagay ako ng gamit sa malaking travel bag.

" oo nga eh, parang kailan lang umiiyak kapa don sa tao tapos ngayon sa iba ka ikakasal! " si Vanessa.

Maging ako man ay nabibilisan sa mga pangyayari ,nagsimula lang sa halikan namin sa pool tapos ngayon nagpaplano na agad kami ng kasal.

" alam na kaya ni Tristan?" si Criselda.

Napatigil naman ako sa ginagawa. Alam na nga kaya nya? Ano kayang mararamdaman ng kaibigan pag nalaman nya na ikakasal na ako sa tiyuhin nya? Pagkatapos kong magtapat ng pagibig ko sa kanya.
Pero hindi na importante yan ngayon.

" ah basta bestie walang limutan ha, kahit donya kana " biro ni Vanessa na ikinatawa namin.

Inihatid pa nila ako sa labas ng gate ng apartment kung saan naroon at naghihintay sakin si Mang Abner sa sasakyan. Nakapagpaalam na rin ako sa mga pinsang sila Lovely at Arvin.

" oh paano mga friends. Goodbye na. Kitakits nalang tayo pag may time" sabi ko.

" ingat bestie, "

" invite kami sa wedding nyo ha! "

Tumango ako saka malungkot na lumulan ng sasakyan pabalik ng makati.



Nabibilisan man ako sa pangyayari ay masaya pa rin ako dahil mahal ko si Paolo, sa wakas ay wala na sa mansyon si Jane at kahit masungit pa rin si Paolo ay hindi na nya ako masyadong sinusungitan.

Masaya ang buong pamilya nya ng malaman na nais na namin magpakasal. Walang humadlang don lahat sila ay sangayon. Pero hindi ganon ang naging reaksyon ng mga magulang ko nang magpunta don sila Paolo para hingin ang kamay ko.

Halatang nabigla sila nanay at tatay. Lalo na si nanay na ipinahalatang hindi sya sangayon sa iminumungkahi ng binata.

" masyado pang bata ang anak namin, nagaalala ako na baka hindi pa nya kaya ang buhay may asawa! " sabi ni nanay kay Paolo at sa mga magulang nito.

Muntik na akong matawa sa reaksyon ng nobyo. Tila ito naestatwa sa sinabi ng nanay ko.

Ano ka ngayon? Ngayon mo ipakita sakin ang kasungitan mo!

" wag kang magalala balae, matututunan din yon ng anak mo pag kasal na sila! " pamimilit ni Tita Mercy.

Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon