SLEEP LIKE DEATH......
Paolo's POV...
Isang linggo na mula ng maoperahan si Yuna pero hindi pa rin ito nagkakamalay, walang nakikitang improvement sa kalagayan nya.. Nakakabit pa rin ang mga aparato sa katawan ng asawa at tila walang buhay na nakahiga.
Ni hindi kona magawang matulog ng maayos. Twing gabi ay lagi akong nagigising sa isang bangungot. Na iniwan na ako ni Yuna... Kaya mayat-maya ko syang binabantayan. Don na rin ako namalagi sa ospital. At ipinaubaya na muna kay Brix ang pamamhala sa kompanya.
Malabo parin sakin ang dahilan ng aksidente. Kung totoong magtatanan sila ni Tristan bakit kasama nila si Jane? Nalaman ko rin kay Renan na tinext ni Jane ang asawa na makikipagkita ito. Ang baril na nakita sa kotse ay pagaari ng isang Dante Solido na sinabing hiniram daw yon sa kanya ni Jane. Nakakulong pa si Dante dahil di pa malinaw ang kaso. Hinihintay pa naming magising si Tristan para malaman ang lahat.
Handa ako sa maaring malaman... Kahit sabihin ni Tristan na totoong magtatanan sila ni Yuna ay kakayanin ko.. Handa ko nang pakawalan ang asawa kung talagang iba ang mahal nito. Bibitaw ako basta magising lang sya at bumalik sa dating malusog na pangangatawan. Handa kong tiisin ang lahat ng yon mabuhay lang si Yuna..
Hindi ko akalain na ganito pala kapag nagmamahal ka... Lahat kaya mong isakripisyo para sa kaligayahan ng minamahal.. Pero bakit huli ko nang nalaman yon? Bakit naging makasarili ako? Kung pumayag sana ako sa gusto ni Yuna na umalis muna sa bahay baka di nangyari ito sa kanya. Wala sana sya ngayon sa ospital at nakikipaglaban sa buhay nya...
Sweetheart... I will let you go but please wake up... Wag mo akong parusahan ng ganito!
Isang umaga nang makabalik ako sa ospital galing sa bahay ay sinalubong ako ni Mona at masayang ibinalita na nagkamalay na si Tristan. Agad ko syang pinuntahan sa silid nito. Naroroon ang pamilya namin at masayang kinakamusta ang lagay ng lalaki.
"Si Yuna? " tanong ni Tristan. Napabaling sakin ang tingin ng mga tao doon. Matiim ko lang tiningnan ang pamangkin.
"Anak nasa 5th floor lang si Yuna, nagpapagaling" sabi ni Lolita sa anak.
Tinitigan ako ng ni Tristan na tila inaarok ang laman ng isip ko. Marami akong gustong itanong sa kanya pero pinigilan ko ang sarili. Alam kong kailangan pang magpalakas ng pamangkin.. Kaya tahimik kong nilisan ang lugar na yon para puntahan ang asawa.
Muli kong kinausap ang walang malay na si Yuna. Araw-araw ay yon ang ginagawa ko twing mapapagisa kami sa kwarto. Marami akong sinasabi sa kanya. Mga bagay na hindi pa nya nalalaman tungkol sakin tulad ng kabataan ko.
"Sweetheart gising na si Tristan, gising na ang lalaking mahal mo, wake up please para masabi ko sayo ng personal na pinapalaya na kita... Pwede mo na syang makasama ..i will set you free.. Gising kana please! ". Bulong ko habang hawak ang kamay nya.
Nang bigla ay bumukas ang pinto at pumasok ang naka wheelchair na si Tristan na tulak tulak ni Mona. Nang makapasok ay inutusan nito ang kapatid na iwan kami. Agad namang sumunod ang dalagita.
"U-uncle.... " nabasag ang tinig ng lalaki nang mamasdan ang kalagayan ng asawa ko.
Tahimik na tumango ako sa kanya saka iginiya ang wheel chair nya palapit sa kamang kinahihigaan ni Yuna. Alam kong walang lugar ang poot na nararamdaman ko sa lalaki sa mga oras na yon..
"Y-yuna... Im sorry! " umiiyak na sabi ni Tristan sa walang malay na si Yuna.
" Tristan i dont understand what happened.. Jane's dead.. Bakit kasama nyo sya sa kotse ng maaksidente kayo ? Kung magtatanan kayo ng asawa ko ay bakit kasama sya at may tama ka ng bala ng baril? " hindi ko napigilang itanong sa pamangkin.
"H-hindi kami magtatanan ni Yuna.... Hindi nya gagawin yon! " mapait na sabi ng lalaki. Lihim akong nakahinga ng maluwag. Pero naroon parin ang agam-agam sa dibdib.
"May nagsabi sakin na magtatanan kayo, i can let her go kapag nagising sya.. Pwede na kayo... Naka handa na ang annulment namin. Pirma nalang nya ang kulang ang then----" natigil ang pagsasalita ko nang mapansing nawawala ang heartbeat sa monitor ng asawa.
"You can't do that uncle, hindi nya gugustu----"
"S-sweetheart.... " nilapitan ko ang asawa at natakot ako nang magsimulang tumirik ang mata niya.
"Yuna! " takot ding tawag ni Tristan dito.
Mabilis kong tinawag ang doktor .agad kaming pinalabas ng mga ito para i-revive ang asawa...
My God No,.. Please No!
Ilang minuto din bago naging stable ulit ang kondisyon ng asawa. Na ikinahinga ko ng maluwag. Nanlambot ako ng sobra sa matinding takot.. At naisip kong paano kung mawala ito? Makakaya ko ba? Baka ikamatay ko..
Muli akong bumalik sa kwarto ng asawa kasama si Tristan. Normal na ang heartbeat monitor nito. Inayos ko ang kumot sa katawan nya .
" i think naririnig tayo ni Yuna Uncle. " sabi ni Tristan.
"Paano mo nasabi yan? " i asked.
"I just know, narinig nya ang annulment nyo kaya bumitaw sya.hindi nya gusto ang narinig."
"Diba dapat nga gumising sya dahil yon ang gusto nya. To be with you" malungkot kong sabi.
"She loves you, "mahinang saad niya.
"Maybe, but she loves you more than me.. "
Umiling si Tristan saka ngumiti ng mapakla.
" she loves you... Only you.. " napabaling bigla sa kanya ang paningin ko. Totoo ba?
"Tristan i dont know kung maniniwala ako sa sinasabi mo.. Kung totoo yan ay bakit kayo magkasama ng gabing yon? "
"Dahil kay Jane... Believe me uncle.. Bago mangyari yon ay kinausap ko na si Yuna at pinilit ko syang sumama sakin pero sinabi nyang hindi na nya ako mahal.. Na ikaw ang mahal nya.. "
"At si Jane? "
"She planned everything to ruin your marriage, gusto nyang palabasin na magtatanan kami para magalit ka kay Yuna at iwan ito.. "
"And bakit naman nya gagawin yon? "
"I think she likes you or your money noon pa man.. Hindi ko rin maintindihan.. Si Yuna lang ang nakakaalam ng lahat ng pinagusapan nila ni Jane.. Dumating ako don dahil sa text ni Jane tapos may nakatutok nang baril kay Yuna at wala akong nagawa kundi sumunod sa utos ni jane. Pinapupunta nya kaming dalawa sa buss station ..sabi pa nya na darating ka din daw don para makita mo at masira sayo ang asawa mo"
Marahas akong napabuntong hininga. Now i understand. Si Jane ang nagplano ng lahat.. Noon pa man ay galit na ito sa asawa pero hindi ko akalain na aabot sa ganon ang galit at inggit nya kay Yuna.
"Pero bakit kayo naaksidente? "
Kunot ang noong tanong ko."Nung marinig ni Yuna ang plano ni jane na sirain kayo.. Inagaw nya ang baril kaya nag-agawan sila. At tinamaan ako sa balikat.mas pinili ni Yuna na itaya ang buhay nya kesa masira kayo.. Don ko na realize kung gaano ka nya kamahal.. And then it happened..Hindi ko na kontrol ang manibela.. Kasalanan ko kung bakit kami naaksidente"
Tinapik ko ang balikat ni Tristan para pakalmahin ito....
Now i know the truth.. Lalo akong nababaliw sa kondisyon ng asawa. Ilang dasal pa ang ginawa ko sa chapel ng ospital para sa paggaling nya.
Nang mapagisa akong muli sa tabi ni Yuna ay muli kong hinawakan ang kamay nya at hinaplos ang maputlang pisngi niya.
"Sweetheart.. Now that i know how much you love me, i promise to be good to you.. Im sorry kung hindi ko nakita ang pagmamahal mo sakin... Please gumising kana para makita mo ang pagsisisi ko.. Magsisimula tayong muli.. " bulong kong di mapigilan ang luha.
BINABASA MO ANG
Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S )
RomanceMinsan lang daw s'yang magmahal at ako 'yon, kaya raw handa niyang gawin at ibigay ang lahat para maangkin lang ako. Sino ba naman ako para tanggihan ang tulad niya na gwapo, mayaman, at mahal ako? Ngunit may isang problema... may iba akong gusto, a...