LET'S GET MARRIED....
Paolo's POV...
" lets get married! "
Nabigla ako sa sinabi ni Yuna,hindi ko inaasahan na yon ang lalabas sa bibig ng dalaga, inakala kong may irereklamo na naman ito tungkol kay Jane kaya nagsadya ito sa silid ko pero kasal ang ipinunta don ng babae.
Matiim ko syang tinitigan para alamin kung tama ba ang narinig ko, pero seryosong -seryoso ang mukha nya, kahit halatang un-easy ito sa suot ay nagpaka -kalmado sya.
Kung alam lang nito kung gaano sya nakakaakit sa ayos nyang yun, kanina nang pagbuksan ko sya ng pinto at maamoy ang bango nya ay pinigil ko ang sarili na sunggaban sya. Mula ng maganap ang sa rooftop nung anniversary namin ay hindi kona pinakialaman si Yuna. Kahit pa nasa pamamahay ko sya ay pinili kong wag syang angkinin. Kahit hirap na hirap ako. Kahit sinasabi ng utak ko na nasa akin ang lahat ng karapatan para angkinin ang katawan nya.. Hindi ko ginawa. Dahil gusto kong sya ang kusang lumapit sa akin.
Impyerno ang mga nakalipas na araw para sa akin. Gusto ko sanang kamuhian ang dalaga pero hindi ko kaya.
Nung pinuntahan nya ako sa opisina para kausapin at sabihin nyang mahal nya ako, gusto ko na sanang maniwala, muntik na akong mangarap pero naglaho yon nang di nya tanggapin ang inaalok kong kasal. Naisip kong marahil ay mahal pa nya si Tristan.
Kaya napuno na naman ako ng galit, sinasadya ko syang pasakitan at insultuhin pero hindi natinag ang babae, siguro dahil kulang ang pagmamalupit ko sa kanya. Dahil mahal na mahal ko pa rin sya. Dahil don hindi ko kayang mawala sya. Hindi ko kayang makita ang takot sa mata nya twing sisigawan ko sya......
Kaya ko pinatira si Jane sa bahay ay para alamin ang totoo sa record voice ni Yuna na binigay nya sakin. Pinaimbestigahan ko yun at sinabi sakin na maaaring hindi buo ang record na yon. Na edited yun at maraming cut. Kaya tiniis ko ang pagtira ni Jane sa bahay hanggang hindi ko nakukuha ang buong record ng usapan nila ni Yuna. Dahil gusto kong malaman ang totoo, dahil gusto ko paring ayusin ang relasyon namin.
Kaya hinayaan ko lang si Jane, yun nga lang naging masakit yon kay Yuna. Alam kong naiinis ito sa pagtira ng dalaga pero wala itong magawa ,kaya naiintindihan ko ang tantrums nya .natatawa nalang ako sa pagpupumilit nyang matutong magluto para lang kalabanin si Jane, hindi ko gusto na makita syang nagkakanda paso sa kusina kaya pinatigil ko sya sa pagaaral ng pagluluto, nagkunwari nalang akong galit sa mga nabasag nyang gamit. Gusto kong sabihin sa kanya nong time na yon na hindi nya kailangang magluto o matuto sa gawaing bahay dahil marami aking katulong .hindi nya kailangang magpagod.
Alam kong nasaktan ko si Yuna ng makita nya si Jane sa room ko nung malakas ang ulan nung isang gabi. Hindi ko rin inaasahan ang pagpunta nya don, may kailangan ako kay Jane kaya inuto ko sya para makuha ang buong record sa cp nya. Kaya ng makita kami ni Yuna ay pinigil ko ang sariling sundan sya para magpaliwanag.
At sa wakas ay nalaman ko ang totoo, napakinggan ko ang buong usapan nila ni Jane, napatunayan kong totoo ang sinabi ni Yuna na mahal na nya ako. Kaya wala ng dahilan para manatili don si Jane.
" i said, lets get married,, tinatanggap kona ang alok mo Paolo, magpapakasal na ako sayo " sabi ni Yuna. Nakadama ako ng tuwa .yun lang ang hinihintay kong mangyari, ang maangkin ng buo ang dalaga at siguraduhing hindi na ito makakalaya sa akin.
" are you sure?" kunwari ay walang pakialam na tanong ko.
" yes, pero sa isang kondisyon!" aniya na ikinakunot ng noo ko. Siguraduhin lang nya na maganda ang kondisyong hihilingin nya.
BINABASA MO ANG
Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S )
RomanceMinsan lang daw s'yang magmahal at ako 'yon, kaya raw handa niyang gawin at ibigay ang lahat para maangkin lang ako. Sino ba naman ako para tanggihan ang tulad niya na gwapo, mayaman, at mahal ako? Ngunit may isang problema... may iba akong gusto, a...