Lumabas ako ng kwarto nya, he told me to wait here sa sala. Nakita ko naman ang matanda na kumatok sa kwarto nya.
'Sir, tapos na po ang breakfast nyo, aalis na po ako' kinuha nito ang bag nya sa tabi ko. At umalis na. Maya maya lumabas na din sya.
'Napakatagal mo naman gumayak' sinamaan lang ako ng tingin nito. He's wearing a scrubs. Fitted scrubs actually, parang ginawa talaga para sa katawan nya. Hmm, ang yummy naman
'Are you done checking me out?' Masungit na tanong nito.
'Hindi pa' I smiled at him. Di pa nga kasi ako tapos. Umiling lamang ito at dumiretso na sa kusina. Sumunod naman ako dito
'Hindi naman ako makakain' sabi ko ng mapansin na naglalagay din sya ng food sa plate sa tabi nya.
'Just sit here then' umupo ako sa tabi nya gaya ng sabi nya. Tinitingnan ko lang sya habang kumakain sya.
'Anong pangalan mo? Anong trabaho mo? Ilang taon kana?' Sunod na sunod kong tanong ng hindi kona kayanin ang katahimikan. Binaba nya ang kape nya at tiningnan ako ng masama sabay tingin sa puting coat na nakasabit sa upuan nya.
'Benjamin sixto V. Ledesma, MD' sambit ko ng mabasa ito sa coat.
'Wow! You're a doctor!' He rolled his eyes. Apaka diva naman nito. Teka
'Maybe pasyente mo ako nung nabubuhay pa ako kaya naman nakikita mo ako?' I exclaimed
"I'm pediatric surgeon" he eyed me and sabay iling.
'So sinasabe mo I looked old? Nung nasa funeral homes ako last time, I saw my reflection and I look pretty and young' pagyayabang ko dito
'You looked like you're in your late twenties so nah' I sighed. Then why?!
'I'm going to work, don't go with me. Stay here' para naman akong aso kung utusan nito. Umiling ako sakanya.
'Pupunta muna ako sa funeral homes, I'm going to talk to my co-ghost' humagikgik ako sa sarili kong joke. He just look at me like i'm crazy. Pero tumango ito at umalis na. Hindi man lang niligpit yung pinagkainan. I try to touch the plates but I can't. So I guess, aalis na ako.
Funeral homes is basically our tambayan. 3 days ago ng may nakita akong katulad ko and sinama nya ako dito. Kumaway ako sakanya ng makita ko sya sa entrance.
'Hi auntie grace' she hates it whenever I call her auntie. Unlike me, she knows her name, age, the cause of her demise and everything.
She's 60 years old namatay because of heart attack and can't move on because hindi pa daw kasal ang kanyang bunsong anak. So unlike me again, pwede syang pumunta sa bahay ng pamilya nya and entertain herself there. While ako parang nageexist lang here.
'I told you to not call me auntie!' She shouted.
'Asan ka ba nagpupunta bata ka?' Di pa kasi ako bumabalik dito simula ng una kong pagpunta rito. So kinwento ko sakanya ang lahat ng naganap sakin including the man. Pero I did not tell her his name kasi naman baka hanapin nya ito at takutin.
'Naku! Masama na makihalubilo sa mga buhay pa' paulit ulit na sabi nito.
'Luh auntie, ikaw nga jan lagi mong pinupuntahan pamilya mo e' which is totoo naman kasi. Lagi na syang tumatambay sa bahay nya ayon sa kwento nya. She sighed loudly.
'Ang asawa ko lang naman ang napupuntahan ko, Baka mapano ang mga anak ko pag umaligid pa ako sakanila'
'So pag asawa mo okay lang?' Sagot ko dito, agad naman akong binatukan nito.
'Aray ko auntie!' Sinimangutan ko ito.
'Dito ang lugar kung saan dapat tayo namamalagi' I rolled my eyes. Di din naman nya ito sinusunod e.
'Sino ba kasing nagsabi nyan auntie' reklamo ko dito. Ang dami naman kasing sinusunod na rules dito. Tinuro naman ni auntie grace yung babaeng nakaupo sa sulok. She's not a ghost. Prolly mga nasa 50's na.
'She's a special human being, she can communicate with ghost, madami syang alam tungkol sa atin. Maybe you can ask her about your situation'
'Luh, auntie bakit ngayon mo lang sinabe? Alam mo kung gaanong drama yung ginawa ko para lang mapapayag yung kinwento ko sayo para tulungan ako' reklamo ko dito.
'She can't see us tanga, nafifeel nya lang tayo, pero magbakasakali ka baka matulungan ka nya' tumango ako dito at lunapit na sa matanda.
'Um, hi' hindi man lang tinapunan ng tingin ang gawi ko. Ang tingin nya ay nasa pamilya ng namatayan.
'Hi po!' Bati ko ulit, louder this time.
'Shh, wag ka maingay' bulong nito.
'I just want to ask you question, umm actually bago lang ako here. Dinala ako dito ni auntie grace. I don't remember anything. Maybe you can--'
Di ko na natapos ang sinasabe ko dahil tumingin sya sa gawi ko. Kala ko ba hindi sya nakakita.
'You're a different case. I can't help you' she said panicking. Tumayo to agad at lumabas ng funeral homes. Sinundan ko sya.
'Teka po' tinapunan nya lang ako ng nakakaawang tingin.
'Pinatay ka' she said at tuluyan na itong umalis.
BINABASA MO ANG
Hi, Ghost
RomanceHis life is pretty normal until this girl err-- ghost barged into his apartment.