Kabanata 6

7 0 0
                                    

Lumabas ako ng office nya at lumibot, ang daming tao pati kaluluwa. Tumakbo ako ng makita ko si charles na nasa loob ng elevator. Pumasok ako dito bago pa magsara ito.

Tintigan ko sya, hindi ito nakauniform tulad ng kahapon. Bumaba sya sa groundfloor sumunod naman ako sakanya. He's smiling, mukhang maganda ang mood nya.

Sumakay sya sasakyan at syempre sumakay din ako. Pero hindi nya ito agad pinaandar. Tumingin ito directly to me. He can see me too? I asked myself pero agad din yon nasagot ng ngumiti ito at binuksan ang bintana sa gilid ko.

'Hey! Peter!' Masayahing bungad nito kay peter.

'Hi peter!' Bati ko sakanya, well di naman nya ako narinig but still. Agad akong lumipat sa backseat para maggive way kay peter. Sumakay ito ng nakangiti. Nakauniform sya.

'Dude' bati nito kay charles.

'What are you doing here? May dinadalaw kaba?' Tanong ni charles kay peter.

'No. May victim ng rape dito kagabi. I'm here to investigate' I gasped out loud.

'Oh. Poor girl' charles said. Tumango naman si peter mukhang malungkot din.

'May trabaho ba ngayon si benj?' Charles asked peter. Panigurado magagalit yun pag nalaman nyang sinundan ko si charles. I giggled.

'He's busy, papaalisin lang ako non, sabay muna ako hanggang sa station. Pinauna ko yung partner ko eh' Peter said.

'Sure'

Pinaandar ni charles ang sasakyan nya. Nadaan kami sa station, agad namang bumaba si peter at nagpaalam kay charles. Agad akong lumipat sa passenger seat.

I don't know why pero magaan ang loob ko kay charles, i smiled at him. Saan kaya sya pupunta?

Tahimik lamang sya magdrive. Walang music. Hays, i'm bored. Tumingin ako sa paligid. Padaan na kami sa highway na kung saan ako namatay. Tinakpan ko ang mata ko. After mins, inalis ko ang kamay ko sa mukha ko at tiningnan ang paligid.

This place seems familiar, tumingin ako kay charles na tahimik lang nagdadrive. Napaka-gwapo naman. Tumigil sya sa harap ng malaking bahay. Dito ba sya nakatira?

Bumaba ito at ganon din ang ginawa ko. Sumunod ako sakanya papasok sa bahay. Tahimik ang bahay, mukha sya lang ang nakatira dito. Ngayon ko lang napansin ang hawak nyang damit. Pangbabae ito. He smiled at tinabi ito sa kahon. Maybe a gift for his girlfriend?

Naalala ko ang pinagusapan namin ni benj tungkol sa girlfriend nito. Nilibot ko ang bahay. Tahimik. Naisipan kong umalis don at lumibot sa buong bayan.

Ang daming tao sa paligid, mukhang nasa sentro ang bahay ni charles. Lumakad ako ng kaunti at may nakita akong malaking unibersidad. Mukhang pang mayaman ito. Pumasok ako sa unibersidad at nakita ang mga estudyante na kalat kalat sa paligid.

'Sorry' a feminine voice said. Nasa harap ko ito at dinadampot ang mga libro na nakakalat.

'Y-you can see me?' Tumayo sya at tumingin sakin. Nanlaki ang mata nya at nilagpasan ako.

'You can see me' ngayon hindi na patanong. Sinusundan ko sya pero tuloy tuloy lang sya.

'Please, wag mo na akong sundan' nagmamakaawang sabi nito, may takot sa boses nito.

'I'm sorry, I won't hurt you. I'm just shocked that you can see me' tumingin sya ng diretso sakin. She's really pretty. I smiled at her.

'Hello Ms. Cruz!' Bati ng isang nakauniform na babae sakanya. The woman in front of me smile back. So i guess, she's ms. Cruz

'We can't talk here. Follow me' bulong nito. Sumunod naman ako. Pumunta kami sa parking lot. Sumakay ito sa sasakyan nya, sumakay din ako.

'So what do you want?' Diretsong tanong nito sakin ng maupo na sya.

'Huh?' Takhang tanong ko. She sighed

'I can see ghost like you, I usually ignore them, pero minsan tumutulong ako' seryosong sabi nito.

'Hm. May mga pinatay na ba sa tinulungan mo?' Nanlaki naman ang mata nito.

'You were murdered?' Tumango ako. Nanahimik sya.

'Well, meron isa. Pero bata pa ako non.' Nabuhayan naman ako ng loob ng marinig ko iyon.

'Pano mo sya tinulungan?'

'Hm. Nireport ko lang sa police, his body were hidden that time. Walang may alam i just help him by pointing his remains'

'Naalala nya ba ang past life nya nung nakausap mo sya?'

'Yes' sagot nito.

'I can't remember mine' I smiled sadly at her.

Hi, GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon