kabanata 10

4 0 0
                                    

Walang nagsalita sa amin, kahit ng makauwi na kami sa apartment ni benj. Maya maya lang ay umalis na ang dalawa dahil may trabaho pa ito.

'Are you okay?' Malumanay na tanong ni benj sakin, kanina pa sya nakatingin sakin

'I don't know' bulong ko.

'You can sleep in my room, dito nalang ako sa sofa' he said. Tumango ako at pumasok sa kwarto nya. Humiga ako sa kama, hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. My face was bruised, pero nagfefade na to indicating na matagal tagal na rin akong nasa hospital.

Tumayo ako at tumabi kay benj sa sofa, sumiksik ako sakanya. I don't want to sleep alone. Nakita kong gulat sya pero niyakap naman ako nito.

'I'm scared, satingin mo magigising pa ako?' Bulong ko rito. Nakabaon na ang mukha ko sa leeg nya, naramdaman ko humigpit ang yakap nya dahil sa tanong ko.

'I'm going to check it tomorrow, you need to rest for now' malumanay na sabi nito.

'Hello dad' bati ko sa ama ko na kakadating lang, kakatapos lang ni maggolf ni Uncle jim.

'You're so beautiful anak, san ka pupunta?' Tanong nito ng mapansin na nakabihis ako.

'Pupuntahan ko lang si charles dad' nawala ang ngiti nito, my dad hates my boyfriend, dahil gusto nito akong ipakasal sa bunsong anak ni unle jim.

'Nandiyan na si benj anak, umuwi galing sa US, alam mo naman na di magaan ang loob ko jan sa charles na yan' umiling lamang ako. I was in highschool that time when i asked my father about sa bunso ng Ledesma. Nagkaroon ako ng crush dito, limang taon ang agwat nito sakin kaya naman nasa kolehiyo na ito ng highschool palang ako. Pero pagkauwi ko galing US saka naman ito pumunta doon para pagpatuloy ang medisina.

'Dad naman maayos naman si charles. Besides, di naman ako ang tipo ng nakakabatang Ledesma' ngumiti ang daddy ko. Para sakanya ako ang pinamaganda kaya naniniwala syang makukuha ko kung sino man ang gustuhin ko. My mother died ng pinanganak ako, matanda na sila when they have me. Kaya di na rin nakayanan ito ng mommy ko. Nagfocus lang ang daddy ko sa pagpapalaki sakin at hindi na nag-asawa ulit.

Matanda na ito, napapansin ko na madalas manikip ang dibdib nito. Lawyer si daddy ko kaya naman nakilala ko ang boyfriend kong si charles. He's a policeman. Lagi ko syang nakikita pag may case ang daddy.

'Isusurprise ko si charles today dad' nakangiti kong sabi sa ama ko. Tiningnan nya lang ako at umiling. He kissed me on the cheek and nagpaalam na ako.

#

'Dad!' Napabangon ako bigla, ako nalang magisa sa sofa. Lumabas sa kwarto si benj ng nakatapis lang ng tuwalya.

'What happened?' Pag-aalalang tanong nito. Kinwento ko ang buong panaginip ko sakanya.

'I think that's the last time na nakausap ko ang daddy ko' I cried when I realized na ama ko ang matanda kahapon.

'Nakita ko sya kahapon, dun kami nakisabay ni auntie para pumunta sa kabila' paliwanag ko rito.

'Pupuntahan natin si Uncle ron today. Magbibihis lang ako. Okay?' sabi nito at pumasok na sa kwarto.

#

'Uncle ron' bati ni benj sa daddy ko. Nakita kong pagod ang mukha nito. Papasok palang sya sa sasakyan ng maabutan namin sya.

'Benj!' Sumilay ang ngiti sa mukha nito. Lumapit ako sakanya.

'D-dad' mas tumanda ang itsura nito kumpara sa itsur nito sa panaginip ko.

'I'm sorry i've heard what happened to your daughter' saglit na tinapunan ako ng tingin nito.

'Oh, sabi ng dad mo busy ka, kaya I understand and hindi ka naman close sa anak ko kaya okay lang iyon' malumanay na sabi ng ama ko.

'Can we talk privately?' Benj said. Kunot noo ko tong tiningnan.

'Bakit?' Litong tanong ko rito. Niyaya ng daddy ko papasok ng bahay si benj. Sa sala palang ay puno na ng pictures ko. Sinundan ko sila. Pumasok sila sa study room.

'Anong gusto mong sabihin benjamin sixto?' I smiled when my dad said his full name, benj hates it.

'Do you want me to tell him?' Nanlaki ang mata ko ng tanungin ako ni benj sa harap ng daddy ko.

'What are you doing?' Gulat na tanong ko rito. Nakita ko na puno ng pagtatakha sa mukha ng daddy ko.

'Someone tried to kill you, kailangan malaman ng daddy mo ang nangyari' at this moment iniisip na ng ama ko na nababaliw na si benj.

Hi, GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon