Kabanata 2

9 1 0
                                    

I cried with auntie grace after that. When I found out that I was dead I didn't feel anything because I don't remember being alive. Now that I found out that I was murdered may biglang kirot sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag, nang sabihin ko to kay auntie, she cried with me. Dinaig pa ata namin ang kamag-anak ng namatay dahil sa pagiyak namin.

'Ano ng balak mo nyan hija?' Auntie asked me.

'I will find out about my identity po' tipid kong sagot dito.

'Baka matulungan ka ng sinasabi mong lalaki na nakakita sayo' bigla akong napalingon kay auntie ng sabihin nya yon. I almost forgot about him.

'Auntie, aalis na po ako' paalam ko dito.

Para akong siraulo na umiiyak habang naglalakad, good thing i'm a ghost right? Walang makakita sakin.

'Why are you crying?' Napalingon ako sa pamilyar na boses sa likod ko. Binuka ko ang bibig ko pero walang salitang lumabas. Umiyak lang ako sa harap nya. Nakapamulsa ito habang kunot ang noo na nakatingin sakin.

'I was murdered' utal utal ko na sabi sakanya matapos makapag ipon ng tapang para magsalita. Nakita kong ang pagseryoso pa lalo ng mukha nito, sinusigurado kung seryoso ba ako.

'Let's go home first' seryosong sabi nito. Nauna syang lumakad, sumunod lang ako sakanya habang pilit na pinipigilan ang aking mga luha. Pagkadating namin sa kanyang apartment, hinintay ako nitong makapasok bago tuluyan na isarado ang pinto.

'I don't know what to say' pabulong na sabi nito. Umiling ako sakanya, I gave him a weak smile.

'I didn't came here for your comfort, i need your help' pagsusmamo ko rito. Tumango sya.

'But how? Paano mo nalaman na you were murdered' seryosong tanong nito. Kung normal na araw lang ito panigurado naglalaway na ako dahil sa kagwapuhan nito, nakasuot ito ng tshirt at sweatpants pero angat na angat ang kagwapuhan, napaka-effortless. I smiled at that thought, malungkot na ako pero napaka-manyak ko pa din. I shook my head and explain everything to him.

'Maybe pag nalaman mo na yung identity, maalala mo na what happened that day' tumango ako sakanya.

'Fine, let's start tomorrow, wala akong schedule. We'll ask the police if may report about you. Okay?' Malumanay na sabi nya kaya napatango nalang ako.

'Bakit nasa labas ka kanina?' Tanong ko sakanya, 10pm na kasi ng gabi. Mukhang hindi nya inaasahan ang tanong ko, He scratched the back of his head.

'Nothing, namamasyal. Nagpapahangin' he said. Inaral ko ang mukha nya. Pero teka

'Maybe ikaw ang pumatay sakin kaya nakikita mo ako?' Nanlaki naman ang mata nito sa sinabi ko.

'What the fuck? Why would i kill someone?' Seryosong sabi nito.

'Nagbabakasakali lang naman, kasi I don't understand. Maybe, may third eye ka lang talaga'

'You're the first ghost i've seen'

'Pano ka nakakasigurado ha? Kala mo nga tao ako kanina e' umiling ito.

'I don't know, i just feel it. Kasi if I can see ghost noon pa baka matuwa pa ako'

'Hala bakit? May sira ka din no?' Medyo gumaan na ng mood ko. Well, thanks to him. He smiled pero ang lungkot.

'Because I want to see my mother again, but I don't know matagal na rin mula ng mamatay ito'

'Ilang taon?'

'Tatlo' he said sadly.

'May sama ba sya ng loob sayo before sya mamatay?' Seryoso kong tanong. Natawa naman sya.

'Wala naman siguro. Masya naman ang buhay namin, my brothers are happily married, a day before that natapos ang residency training ko and at the same day my father retired and pinamana ang business sa panganay kong kapatid' tumango ako, her mother probably left na.

'Sana all' he laughed. Wala na kasi akong masabi because I can't relate. Wala naman akong maalala sa past life ko.

Tuloy lang ang kwento nya about sa life nya. Kasi wala naman akong mai-ambag. I learned that his family owns a law firm, at sya lang ang nag pursue ng medicine kasi yun ang pangarap ng ina nya nung kabataan nya. And he's 30 now, no girlfriend which is kinatuwa ko. Landi overload. Napunta naman ang usapan sa plano nya about helping me.

'We will find out'

Yan ang huling sinabi nya bago ito pumasok sa kwarto nya pagtapos naming pagusapan ang gagawin bukas.

Tomorrow then.

Hi, GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon