Kabanata 4

10 0 0
                                    

Tumulong na ako sa pagbabasa ng mga cases, they are mostly accidents and sexual harrassment.

'Mukhang wala naman dito' i said sadly. Inayos ni benj ang mga papel.

'Pupunta tayo sa kabilang bayan, I'll ask my dad for help' he said. I smiled at him,

'Hindi ka masyadong nakikihalubilo no' tumango ito.

'You should spend more time sa mga taong nasa paligid mo. Tuwang tuwa yung kaibigan mo ng makita ka kanina, pero napaka-cold mo sakanya'

'He's always like that' walang pake nyang sabi pero nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi nya.

'Bukod sa dalawang nakita ko kanina wala ka ng friends?'

'Dela vega is not my friend' he said seriously. I laughed at him. Annoyed nanaman sya.

'Bakit ba galit na galit ka sakanya? Inagawan ka nya ng girlfriend no?' Pangaasar ko pa dito. Pero hindi ito sumagot.

'Omg! So inagawan ka nga nya?' Umiling naman ito.

'She's not my girlfriend'

'Then who is she?' Interesado kong tanong.

'She's uh i don't know' bulong nito. I rolled my eyes. Asang asa naman ako sa sasabihin nya.

'Anong i don't know ka jan, sino ba kasi yon?'

'She's the daughter of uncle ron' i rolled my eyes.

'Sinong uncle ron?' Eto naman walang kwentang kausap.

'My dad bestfriend, they want me to marry her' tumango ako.

'So instead of you napangasawa nya si charles?'

'Girlfriend palang, that's why pinipilit pa rin nilang pakasalan ko sya'

'Eh bakit ka galit kay charles parang di ka naman interesado don sa babaeng sinasabi mo e'

'I don't like him, i can't explain it' sabi nya mukhang iniisip nya rin kung bakit sya naiinis dito. I laughed at him.

Tumayo ako inayos ko yung dress na suot ko. Dadalawin ko muna si auntie grace, nagpaalam ako kay benj na pupunta ako sa funeral homes. Tumango lamang dahil busy sya sa laptop nya. Nagresearch na rin sya about sa mga cases.

'Auntie grace!' Sigaw ko ng makita ko sya sa funeral homes. Nakita ko naman na inis na binigyan ako ng tingin ng mga ibang kaluluwa roon.

'I told you to not call me auntie!' Pagalit na sabi nito pero nandon pa rin ang pagaalala sa mukha nya tulad ng kagabi.

'Buti at nandito ka, nandito si Maricris' kunot noo ko syang tinignan.

'Sino po si Maricris?' Takhang tanong ko rito.

'Eh yung nagsabi sayo ng rason ng pagkamatay mo, hija' malumanay na sabi sakin ni auntie. Agad naman akong hinila nito papunta sa sulok.

'Hello maricris, nandito yung kaibigan ko na nakausap mo kagabi. Please, tulungan mo sya' pagmamakaawa ni auntie rito. Nakita kong napahawak ito ng mahigpits sa librong nasa kanyang palad.

'Sumunod kayo sakin' bulong nito at tumayo. Sumunod lamang kami rito. Tumigil kami sa isang bahay na di kalayuan sa funeral homes.

Pumasok kami sa sala. Inaral ko ang lugar nya, madaming nakasabit na kung ano ano. May mga cards na parang panghuhula sa lamesa nito.

'Umupo kayo riyan' agad kaming umupo ni auntie.

'Hindi kita pwedeng tulungan, hija. Di yon ang trabaho ko' malungkot na sabi nito.

'Eh ano pang ginagawa natin dito' bulong ko kay auntie na agad naman akong binatukan.

'Pero pwede kong ipapaalala sayo ang araw ng pagkamatay mo' sabi ulit nito na agad namang ikanalaki ng mata ko. Kaya ko ba? Tumango sakin si auntie tila nabasa nito ang nasa isip ko.

'Ano pong gagawin?' Tanong ko rito.

'Pumikit ka ineng' so I did.

'Help' napatili ako ng makita ko ang sarili sa loob ng sasakyan duguan. Nakabaliktad ang sinasakyan ko.

'H-help me' rinig ko na sabi ko. Lumingon ako at may nakita akong lalaki. Matangkad ito. Nakajacket na itim. Pero di ko maaninag ang mukha nya.  Gusto kong lumapit pero di ako makagalaw. Pinanood ko lamang ito na lumapit sa sasakyan.

'Too bad, i need to kill you too'  he said. Pilit kong ginagalaw ang aking katawan. I want to kill him!

'Hija!' Narinig ko ang sabi ni auntie. Nandito na kami ulit sa funeral homes.

'Auntie' tawag ko rito. Puno ng pagaalala ang mukha nya. Di man lang nito napansin na tinawag ko syang auntie.

'Jusmiyo, buti nalang at nagising ka' sabi nito.

'Auntie, nakita ko p-po' tumango lamang ito at hinagod ang likod ko.

'Anong nakita mo hija?' Malumanay na tanong nito.

Kinwento ko kay auntie grace ang nakita ko. Pilit kong inaalala pa. Ngunit hanggang doon lamang.

'Naku naman! Bakit hanggang doon lang?' Pagrereklamo ni auntie.

Umalis ako sa funeral home, at lumakad pabalik sa apartment. Inalala ko ang mukha ko na duguan at humihingi ng tulong. Kahit na nanghihina ay nakita ko ang desperation sa aking mukha. Whoever did this to me. Magbabayad sya.

Hi, GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon