Chapter 1 : Undecided

172 4 1
                                    

"Jenneth, dumaan kayo ni Ryder dito sa restaurant mamaya. Kailangan niyo ng pumili  ng menu para sa engagement party at wedding reception ninyo. Aba, ilang araw na lang ang engagement party niyo, wala pa tayong menu. Plano mo ba akong paghirapang bruha ka?", mataray na kausap ni Faith sa kaibigan.

Tinawagan niya ito upang ipaalala ang menu para nga sa party at kasal ng mga ito. Ang restaurant niya kasi ang magke-cater para sa dalawang event. At dahil kaibigan niya ito, gusto niyang maayos ang lahat sa party nito. Pero ang kaibigan niya, mukhang hindi aburido. Mukhang mas stress pa siya sa pag-iisip ng ihahain para dito.

"Relax Faith, huwag masyadong stress, ite-terrorized mo na naman ang mga tauhan mo diyan. At himala yatang napatawag ka eh peak hour sa restaurant mo ah", tumatawang ani Jenneth sa kabilang linya. Lunch time kasi at usually between eleven to one ang pinakabusy na oras nila sa restaurant then ang susunod na peak hour ay dinner time na. Between those hours, madalang naman na ang pumapasok para kumain, kaya naman nakakapagpahinga siya bago uli sumabak sa dinner hours.

"I'm on a break, anyway nililigaw mo ang usapan nating bruha ka. Dumaan kayo dito mamaya".

"Oo na, anong oras ba?".

"Basta lampas ng peak hour kapag dinner time. Pwede na siguro around 9pm. Maghahanda na rin ako ng ilang dish para makapag sample tasting na din kayo. Don't be late, baka kung saan pa kayo magpunta. Ayoko ng pinaghihintay ako."

"Oo na, we'll be there, echuserang to".

"Kapag na-late kayo, lahat ng dish para sa engagement party niyo puro may kape, ewan ko lang kung makakain yang fiancé mo", pananakot niya. Lately kasi, nalaman nilang tatlo, maliban siyempre kay Marge na kakambal ni Ryder, na ayaw pala ng lalaki sa kape. Akala nila ay avid coffee drinker ito, dahil araw-araw itong bumibili ng kape. Iyon pala, paraan lang nito iyon upang pasimpleng makita si Jenneth.

"Don't worry, sasabihin ko kay Ryder".

"Good, sige na at babalik na ako sa kusina, at may bago akong sinusubukang recipe", aniyang ibinababa na ang cellphone.

Bata pa lang siya nang mahilig siya sa pagluluto dahil sa Lola niya, ang ina ng kaniyang Mama. Masarap magluto ang Lola niya kaya naman sa tuwing dadalawin nila ito sa probinsiya ay lagi siyang nakatambay sa kusina at nanonood dito. Kalaunan ay sinimulan na rin siya nitong turuang magluto.

Hanggang paglaki ay hindi na nawala ang pagkahilig niya sa pagluluto, kaya naman hindi na nakakapagtakang culinary arts ang kinuha niyang kurso. She even went to New York to train under a very famous chef. Pagbalik niya sa Pilipinas ay nagtayo agad siya ng sarili niyang restaurant with the help of her very supportive parents, ang Faith's Cuisine. Sa ngayon may apat na branches na ito at masasabi niyang established na pero ang pinaka-baby talaga niya ay ang branch niya sa Makati, aside sa malapit ito sa cafe nilang magkakaibigan kung saan din siya nagsisilbing chef, ang branch na ito ang pinakauna niyang restaurant at pinagsimulan ng career niya.

Kaya naman, madalas na dito siya matatagpuan, nandito din ang pinakaopisina niya. Kung sa ibang branch niya, ang mga head chef niya ang punong abala sa kusina, dito sa branch na ito, maliban sa pagiging owner ay siya ang namamahala sa kusina katulong ang head chef niya.

"Macy, ikaw na muna ang bahala sa kitchen ngayong dinner ha, may pinag-aaralan akong recipe, ayaw ko ng istorbo", bilin niya sa head chef niya. Tiwala naman siya sa kakayahan nito kaya kampante siyang ipaubaya ang dinner time dito.

"Bago boss?", tanong nito na tinanguan niya.

"Sa small kitchen lang ako kung may kailangan kayo", aniyang ang tinutukoy ay ang personal kitchen niya na kanugnog ng main kitchen nila kung saan siya nag-e-eksperimento. Small kitchen ang tawag ng staff niya roon dahil nga sa mas maliit iyon sa actual na kusina ng restaurant nila na nakasanayan na rin niyang itawag.

COFFEE LAND : FAITH (Ang Kusinera)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon