Friday. May event sa school. Ako ang in charge since I'm the class president. As usual, partner in crime ko na naman ang VP ko. Oo, KO.
Kinakanya ko sya. Bakit ba? Gusto ko e.
"President Cream!" Nilingon ko yung tumawag sakin. Ang VP ko.
Vice President? No. Valuable Princess ko.
"O, Ces. Late ka a. Bat ngayon ka lang? Magstart na yung program."
"Sorry. Napuyat kase ko kagabi e. Ya know. Facebook. He-he." napakamot pa sya sa ulo nya. May kuto ata. "Sige a. Ayusin ko na task ko."
"Ah, VP." I called her as she walk away.
"Yes, Pres?" She stopped and looked at me smiling.
"Ingat ka. *Mahalaga ka pa naman*"
"Ha? Di ko narinig e."
"Ingat ka kako. Ayusin mo trabaho mo. Bingi."
She rolled her eyes then walked away.
****
"Hey, Cream!" I was walking through the cafeteria hallway when I heard Matheo called me. He's with his girlfriend, Thalia.
"Theo. Bakit? Oh, Hi Thalia. Ganda mo ngayon a." Sabi ko sabay kindat sa kanya.
Bigla ba namang tinulak ni Theo yung noo ko. "Stop flirting. Girlfriend ko yan e!"
Inalis ko yung daliri nya sa noo ko. Tumawa naman si Thalia. "Oo na sayo na. Bat mo ba ko tinawag?"
"Have you heard the news?"
"Oo. Ngayon lang. Sabi mo, 'news'. --Aw! Ano ba!" binatukan ba naman ako.
"Seryoso kase. Alam mo bang nanliligaw na si Kahel kay Ces?"
"Oh e ano naman kung nanliligaw sya kay--Ano? Kanino?" Kanino daw? Di ko ata naintindihan.
"Kay Ces nga. Dyan kna nga. Bingi mo." Then they walked away with holding hands.
Sht. Nalintikan na. Badtrip.
****
"Pres! Kumain ka na? Sabay na tayo." salubong sakin ni Ces pagbalik ko sa area namin.
"Wala kong gana." Poker face kong sinabi sa kanya.
Binaba nya muna yung pagkain na hawak nya bago tumabi saken.
"Oy. Problema mo?" binangga bangga pa nya yung balikat ko.
"Wala." I moved para mapalayo sa kanya.
"Uy, ano nga?" Lumapit na naman sya.
"Wala nga, ano ba!?" tumayo na ko. Late ko nang narealize na nasigawan ko na pala sya.
"S-sorry." mukha na syang iiyak. Natakot ko ata. Then she stood up and walked away.
"Ces, look. I'm just not in the mood."
Lumingon sya sakin. "Sorry. Sige una nko." kinuha na nya yung mga gamit nya at lumabas.
Ano bang ginawa ko? Nakakainis naman kase e. Isipin ko pa lang na may ibang nanliligaw sa kanya, nababadtrip na ko.
Kasalanan ko naman e. Ang torpe ko. Pero gusto ko lang naman kase, yung nasa tamang oras pag sinabi ko na sa kanya.
Yung tamang oras ko, mukang wala na.
***
Lumipas yung mga araw. Halos malapit nang magsem break pero hindi pa din ako kinakausap ni Ces. Naiinis nga ko pag nakikita ko sila ni Kahel na magkasama e.
"Kahel! Ano ba! Yung ruler ko sabi e!" pilit inaabot ni Ces yung ruler na tinataas naman ni Kahel kaya ang lapit nila sa isa't isa.
Tumayo ako at ibinagsak yung libro ko sa desk. Nakita ko silang lahat na natigilan pati sina Ces.
Di ko sila pinansin at dumiretso nlng ako sa roof top.
Pinilit kong matulog para paggising ko, ok na ko.
"Mahal ko talaga sya Kahel e. *sob sob*"
Kilala ko yung boses na yon. Si Ces. Kausap nya si Kahel. Di nila ko nakikita dahil nasa likod ako ng mga lumang desk na nakatambak dito.
Pero teka, sinong mahal nya?
"Naiintindihan kita. Tumahan ka na, Ces. Ang mabuti pa, aminin mo na sa kanya bago pa mahuli ang lahat."
"Pero mukang huli na talaga. Ni hindi nya ko kinakausap. The last time we talked, sinigawan nya ko. Feeling ko tuloy wala akong karapatang makialam sa kanya."
Teka, bakit ang bilis ng kaba ng puso ko? *Alangang kaba ng paa? Puso lang may kaba db?
"Di na mahalaga yon. Ang mahalaga, masabi mo sa kanya yung nararamdaman mo. Pagtapos non, kung anong magiging resulta sa kanya, just go with the flow."
"Salamat Kahel a. Salamat kase naiintindihan mo ko. I guess, tama ka. Dapat ko nang sabihin sa kanya tapos kakalimutan ko nlng yung nararamdaman ko."
"Wag! Wag mong kakalimutan." tumayo nko.
"C-cream? Kanina ka pa ba jan?" gulat nyang tanong sakin.
"Oo kanina pa. Narinig ko lahat. At ayokong kalimutan mo yung nararamdaman mo dahil mahal din kita."
"Excuse me? Exit nko a." sabi ni Kahel bago pumuntang hagdan at bumaba.
Nakatungo lang si Ces kaya naman hinawakan ko ang baba nya at pinatingin sya sakin.
"Ces, sorry. Sorry kung pinaramdam ko sayo na wala kang karapatan makialam sakin. Nung mga panahon na yon kase, nagseselos ako. Naiinis ako kase naunahan nko ni Kahel na manligaw. Mahal na mahal kita Ces, noon pa."
Tumulo ulit ang mga luha nya. Pero this time, she's smiling.
"Mahal na mahal din kita, Pres."
"So, tayo na VP?"
"Vice President?"
"Valuable Princess po. Iloveyou."
"Iloveyou too."
And then I hugged her. Tight.
---
An. Maipush lang e.