Jester

75 3 0
                                    

8 months earlier..

Nasunugan ng bahay yung kapitbahay namin. Kawawa naman.

6 months later..

Ngayon ulit naglilipat yung nasa tabing bahay namin. Gawa na kasi yung bahay nila e. Pero dahil medyo minadali, medyo nagbago rin yung itsura ng bahay.

Dati wala namang nakatapat na bintana sa bintana ko e. Ngayon meron na. Tss.

"Jes! Bilihan mo nga muna ko ng tinapay sa bakery!"

Nautusan pa ko ng nanay ko. Anobayan! Ang init init e.

Wala kong nagawa, kinuha ko yung payong at nagsimulang lumabas.

Paglabas ko pa lang ng gate, nakita ko na agad yung mga naglilipat. Ang dami nilang gamit ha. Mukhang mamahalin pa. Puro bago syempre, nasunog na yung mga luma e.

Matagal na namin silang kapitbahay. Siguro mga dalawang taon na. Pero di naman kasi ako palalabas ng bahay kaya di ko sila kilala.

Tss. Syempre joke lang yon! Palalabas ako, hindi nga lang palakapitbahay.

"Ma, yung kwarto ko ba yung sa left side?" rinig kong sabi nung babaeng maputi. Nakatalikod sakin e.

"Oo, Joyce. Sa kabila si Kuya mo."

Tapos humarap na sya para kunin yung mga gamit nya.

Wow! May maganda pala kong kapitbahay. Bat di ko napapansin yon.

Note in mind: Be friendly sa kapitbahay.

Nagulat naman ako nang mapatingin sya sakin, she smiled! Ngumiti sya! Ngumiti! Sakin!

Nginitian ko lang din sya.

Kinikilig ako. Duh!

Pumasok na sya sa loob, at ngayon ko lang napansin, kanina pa ko nakatayo dito.

"Hoy! Jes! Yung pinapabili ko!" rinig kong sigaw ni nanay mula sa likod ko.

Ay, oo nga pala.

*****

"Nay, kilala nyo po ba yung kapitbahay natin jan sa kabila?" tanong ko sa nanay pag balik ko.

"Oo, si Essie. Bakit?" sabi nya habang kumakain ng tinapay.

"Eeeeeh! Hindi yun 'nay! Yung kaedad ko! Yung maganda!"

"Ah, yung anak. Si Joyce? Bakit ba?"

"May boyfriend po ba yon?"  tanong ko.

Bigla syang tumingin sakin. Yung tingin na nagdududa.

"Sabi ko nga wala akong sinabi e." kumakamot sa batok na umalis na lang ako.

****

Pagdating ng gabi, naglalaptop lang ako sa table ko. Yung table, nasa tapat ng bintana. Kaya pag nakaupo ako don, kita ko yung labas.

Napalingon ako sa may bintana sa tapat ng bintana ko.

Si Joyce!

Nakatapat din sa bintana yung table nya. At nakalaptop din sya. Wait. Destiny na ba ituuuuu!?

Okay. Ang gay. >_<

Napalingon sya sakin. She smiled.

Yung ngiting malaanghel. Yung feeling mo matutunaw ka. Grabe, crush ko na sya!

Nagtype ako sa laptop, nilakihan ko yung font at tinapat ko sa bintana. Ngiting ngiti ako.

Hi, Joyce. :)

Ay leche, sarado na!

Wala pa man din, napahiya na agad ako.

*****

Nung sumunod na gabi, nasa tapat ulit ako ng bintana. Busy ako.sa homework ko e. Busy akong kumopya ng homework ni Noel. Yung classmate ko. Bwahahaha! Easy!

Napalingon naman ako sa may bintana. Nagulat ako nang makita ko si Joyce na hawak ang laptop nya na nakaharap sakin. She was smiling.

Hi, Jes. -- Nakasulat sa laptop.

Sheeeeet! Kilala nya ko!? Kinikilig ako!

Hoy, di porke pogi, di na kinikilig, mas OA lang kasi yung girls magpakita ng kilig. Kinikilig din kaming boys no!

By the way, nagtype din ako.

Me: Hi. :) Kilala mo ko?

She: Yeah. I asked mom.

Tinanong pa talaga sa nanay nya? Ang sweet.

Me: Oh. Joyce, right?

She: Kilala mo din ako?

Me: Yeah, I asked 'nay, too.

We both smiled at each other.

Present...

"Ice cream?" I asked.

"Libre mo?" She asked back.

"Oo na, lagi naman." ngumiti sya bago tumakbo papunta sa ice cream.

Magkadate na kami ngayon ni Joyce.

And yeah, kami na. Magiisang buwan na.

Matagal din kaming naging magkachat sa laptop, well hindi online pero in person. Magkachat in person. Basta ganon!

Hanggang sa inaya ko na syang magdate, niligawan ko at naging kami. Akalain mong sa bintana nabuo ang love story namin.

Nakatingin ako sa kanya ngayon habang bumibili sya ng ice cream dun sa naglalako.

Mahal na mahal ko yang babaeng yan.

"Joyce!" Sigaw ko.

"Oy, ano ba! Halika na dito! Bayaran mo 'to!" sigaw din nya.

"Joyce, I love you!"

Nakita kong namula ang pisngi nya sa pagsigaw ko ng mga salitang yon. Nakatungo lang sya, kaya naman nagulat ako nang tumunghay sya at sumigaw din ng, "Jes! I love you, too!"

Ngayon ako naman ang namula.

Sabi sayo kahit pogi, kinikilig din e.

*Wink*

-End-


POV ng Lalake (One shot Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon