"Hi Theo." I smiled at them.
Naglalakad ako ngayon sa pathway papunta sa room. Kung sino sinong mga babae yung bumabati saken. And honestly, ugh. I don't even know them.
Well sanay nko. Sa apat na taon na nagaral ako dito sa St. Ignatius High, consistent ako sa pagiging Mr. Campus kaya naman di ko sila masisisi kung bat kilala nila ko.
Every girl around likes me. Well, except someone. Si Thalia.
I entered the room and sat down to my seat.
Mula dito sa kinauupuan ko, nakikita ko si Thalia na nagbabasa ng libro.
Classmate ko na sya since first year but unfortunately, di kami close. Nagpapansinan naman kami pero pag tungkol lang sa school matters.
I don't know why, pero there's something about her na gustong gusto ko.
Well, she's beautiful. Maputi. Long black straight hair--na palaging nakaheadband. Simpleng maganda. Yung hindi trying hard. Masungit minsan pero mabait. And yeah, top one ng klase.
The thing is, of all the girls that drool around me, sya pa yung hindi pumapansin sakin. Yung feeling na wala akong dating sa kanya.
Kung sino pa yung gusto ko. Hays.
"Good morning class." Ms. Ayna greeted as she entered the room. "Today, I will be assigning your partners for your thesis project."
She started calling the names on the list, until I heard mine.
"Matheo Cruz and Nathalia Yu."
Dugdug dugdug. It may sound so gay pero bumibilis talaga yung tibok ng puso ko.
Dear Tadhana, Nananadya ka ba?
"Oy Theo! Ikaw partner ko. Umayos ka ha!" sabi nya bago naupo sa tabi ko.
Kitams? Bale wala sa kanya charms ko.
****
Ding dong! Ding dong!
Humarap muna ko sa salamin bago tumakbo papuntang pintuan.
Malamang si Thalia na yon. Dito kami sa bahay maguumpisa ng project e.
Huminga ko ng malalim bago ko pinihit ang door knob.
"Uh--hi. Pasok ka." grabe ang ganda nya. Kahit nakasimpleng tshirt at shorts lang sya.
Pagpasok nya, binaba nya agad yung backpack nya at inilabas ang mga gamit nya don.
Ang sarap nyang tignan. Haaaaay.
"Uh, Theo. Start na tayo?" sabi nya habang nakangiti.
"Uh, oo nga."
Nagstart na kami. Introduction pa lang naman yung kailangan. One at a time kumbaga. Ganon kasi yung turo ni Ms. Ayna e. Dapat daw, slowly but surely. Tss.
Mga after one hour,
"Theo, paCr." Thalia said and then she stood up.
"Sige. Alam mo naman na kung san db." she nodded. Nakapunta naman na kasi sya dito last bday ko e.
Pagalis nya, napatingin ako sa gamit nya. Then I noticed a pink notebook na may ruffles ruffles pa. Written on the cover was DIARY.
Out of curiousity, I opened the notebook and read the contents of it. Invasion of privacy. Pero naiintriga talaga ko e. Ang pakialamero ko. Kalalaki kong tao. Well, pogi man nacucurious den no!
Something caught my attention and it made me smile.
"Crush na crush talaga kita Matheo Cruz! Mahal na ata kita e! Ays. Bat kasi ang taas mo? Di kita mareach."
****
"Kamusta cr?" ang lawak ng ngiti ko pagbalik nya.
"Ha? Kamusta cr? Ayun, cr pa din naman." nagtataka nyang sagot bago umupo uli sa pwesto nya kanina.
Nakangiti pa din ako bago bumalik sa ginagawa ko.
"Hoy! Anong problema mo? Ngiting tagumpay ka jan?" binato pa nya ko ng lapis.
"Well, tagumpay talaga. Crush ako.ng crush ko e."
"H-ha?"
I showed her the diary I was holding.
"What the--! Oy akin yan a!"
"Crush mo ko?" I asked her. Tinaas ko yung kamay ko para di nya maabot yung notebook.
She blushed. Ang ganda lang talaga. Hoooo.
"H-hindi a!" bigla syang tumalikod sakin. Nahiya ata.
"Crush na crush talaga kita Matheo Cruz! Mahal na ata--" I stopped reading nang bigla syang humarap para sana hilahin yung notebook. But since magkalapit lang kami, napalapit ng sobra yung mga mukha namin.
"Ako, mahal na talaga kita. Wala nang "ata"." I said then crossed the space between our lips.
"Anong sinabi mo?" she managed to ask after our lips touched.
"Sabi ko mahal na talaga kita. Matagal na. Ikaw lang naman yung pakipot e. Akala ko, ayaw mo saken."
She sat down. Then looked outside the window.
"Ayoko kasing umasa. Ang taas taas mo e. Ang daming babaeng may gusto sayo. Magaganda, mga sexy. Ako? Sino ba naman ako?"
Iniharap ko sya sakin.
"Sino ka? Yung babaeng minahal ko at hindi ko ipagpapalit sa mga babaeng magaganda at sexy."
"Ah ganon, so ibig sabihin, di ako.maganda at sexy?" she shot up an eyebrow.
"No." I said smiling.
"Ang sama mo!" hinampas nya ko sa braso.
"No kako kasi ikaw yung PINAKAmaganda at PINAKAsexy para sakin." hinawakan ko yung magkabilang pisngi nya.
"Talaga?" she looks like she's hiding a smile.
"Talagang talagang talaga. Iloveyou Nathalia Asuncion."
"I love you, too Matheo Cruz."
And then I hugged her. Ang babaeng kala ko di tinatalaban ng charms ko pero mahal na pala ako.
*****
An: Chura neto. Maipilit lang makaone shot e. Haha.