Pauwi na ko from the convenience store nang tumunog ang phone ko.
Amber <3 calling...
I answered the call.
"Hi babe! Sorry I really can't come tonight. Mom wanted me to come with her sa party e. Sorry babe. Babawi ako next time! Bye! Loveyou."
The call ended. Tamo yung babaeng yon. Di man lang ako pinagsalita. So I texted her instead.
To: Amber <3
Ok lang babe. Take care. Loveyou too.
Ps. I'm craving for M&Ms right now. Too bad the convenience store was out of stock.
Sent.
Hays. Matagal tagal na din kaming di nagkikita ni Amber. Summer vacation kasi e. Palagi naman syang busy. Political member kasi yung parents nya.
Magkikita sana kami ngayon to celebrate our 10th monthsary pero mukhang nakalimutan nya na yon. Well. Intindihin ko na lang. Busy sya palagi e.
Since maaga pa naman, I decided to go to the mall na lang. Di nko nagabala pang magbihis. Pumara nko agad ng jeep.
Pagdating sa mall, I decided to have a drink muna from SB para may iinumin ako habang nagiikot.
Palabas nko ng SB when I noticed someone familiar. In fact, veeeery familiar.
Sinundan ko sya as she entered a resto. I saw her sat in front of someone. Wait, is that MM? Yung schoolmate namin.
What are they doing together?
With slumped shoulders, I walked away.
****
Amber <3 calling...
17 missed calls.
Kanina pa tawag ng tawag si Amber pero di ko pinapansin. Naiinis pa.kasi ako e. Nagagalit ako. Baka pag nagkausap kami, may masabi lang ako na pagsisisihan ko din sa huli.
Andito pa ko sa park sa loob ng village. Magaalas dyis na ng gabi. Tinatamad pko umuwi e.
11:34 nang maisipan ko nang umuwi.
Malapit na lakaran lang naman to so wala pang 10 minutes nang makarating ako sa bahay.
Pero nagulat ako sa nakita ko.
HAPPY 10TH MONTHSARY BABE! ILOVEYOU.
There was a tarp. May table din na may nakaset up na cakes and foods. And there, sa madilim na porch, natutulog si Amber.
Sht! Ano ba to?
Nilapitan ko sya at ginising.
"Amber. Wake up."
Kinusot pa nya yung mata nya bago tumingin sakin.
"Babe? Anong oras na?"
"Quarter to 12. Anong ginagawa mo dito?"
"Isusurprise sana kita. Pero palpak e. Di kita naabutan. San ka ba galing?" her eyes got teary. Disappointment written on her face.
"Oh. Sorry." that was all I can say.
"Nagready pa man din ako for this. Tapos, wala naman palang mangyayari. Nagpatulong pa ko kay MM maggawa ng tarp na yan." a tear fell from her eyes.
Lalo lang akong nafrustrate sa sinabi nya. Kaya pala sila nagkita kanina.
I hugged her and say, "Wala pa namang 12. We still have 13 minutes to celebrate. I'm really sorry babe. Iloveyou."
"I love you too babe."
I kissed her.
And then she picked something from her pocket.
A pack of M&Ms.
End.