Xian

99 3 3
                                    

"Babe, kinuha mo ba yung pera ko sa wallet?" tanong ko kay Marla. Girlfriend ko.

Hindi naman sa pinagdududahan ko sya, pero kasi, may pagkamaluho tong babaeng to e. Lahat ng gusto nya, gusto nyang naibibigay ko. Pag di ko naibigay, nagagalit. Hays. Pero mahal ko yan.

"Ha? Ano yon babe?" sabi nya na hindi man lang ako tinitignan. Busy sya sa paglalaro ng cellphone nya.

"Kung kinuha mo kako yung pera ko?" medyo nilaksan ko na yung boses ko para marinig nya. Magkalapit lang namin kaming dalawa. Babaeng to, bingi!?

"Ano babe!? Di ko talaga marinig e!" sigaw nya sakin. Peste. Nakakapikon to a!

"Kung kinuha mo kako yung pera ko!?" Halos lumuwa na yung lalamunan ko sa lakas ng sigaw ko.

"Alam mo babe, di ko talaga maintindihan e. Try mo nga, palit tayo. Dyan ako, dito ka. Tapos ikaw naman yung tatanungin ko." She said smiling.

Napipikon na talaga ko kaya padabog akong nakipagpalit ng pwesto sa kanya.

"Oh babe, ako naman magtatanong a." nakatingin lang ako sa kanya. "Babe, sino yung kasama mong babae kahapon sa inuman nyo?" Tanong nya na napakalambing ng tono.

Napakamot nlng ako sa ulo at sinabing, "Shet! Oo nga. Di nga marinig!"

----

AN: Shet. Ang korni ko. XD

- Ayna

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

POV ng Lalake (One shot Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon