I deleted the pictures from my laptop. Lahat. Wala akong tinira kahit isang bagay na makakapagpaalala sakin sa kanya.
Kay Jira. Sa ex ko.
We broke up not because we fell out of love, in fact I believe we still love each other. Pero kase, may mga bagay kaming di mapagkasunduan.
Simple things na napapalaki ng away.
Good thing we broke up as friends.
Haaaaay. Wala na e. Edi wala na. Moveon pre.
****
Naglalakad ako sa field nang makita kong makakasalubong ko si Jira. Sht. What to say? Alangang tumakbo ko, o umiwas e nakita na nya ko. Ayan na malapit na.
Dugdug dugdug.
"Uh, hi Jira. Kamusta ka na?" *Ang ganda mo pa din. Ang tanga ko pinakawalan kita.*
"Oh. Crane. I'm fine. Ikaw?" She smiled.
"Ok lang din." *Namimiss na kita*
"Good for you. So, see you around?"
"Yeah. Sure." *Sana pag nagkita ulit tayo, maging tayo na ulit.*
"Ingat." she smiled. Painfully. Kita kong malungkot sya. I saw a tear fell from her eye right before she turned her back.
I smiled too.
And then we walked our different ways.
May mga tao siguro talaga na mamahalin mo at mamahalin ka. Pero ang masakit, hindi kayo ang nakatakdang magsama habang buhay. Dumaan lang sila para turuan kang magmahal at tumanggap na hindi lahat ng gusto mo, pwedeng maging sayo.
-END-
An: Ang drama. 5 minutes ko lang sinulat. Wag ka na magalit. Sorry na. Hahaha. ;)