"Post-it Note"

17 0 0
                                    

"Pre, ano bang problema mo? Bakit mo sinusuntok yung puno?"

"Eh, ano kasi-"

"Sabihin mo. Mapagkakatiwalaan kami.

" Ano kasi, yung tropa ko nauhan ako sa babaeng gusto ko."

"Ayos lang yan. Ako nga, na friend zone e."

"Ako naman, nagka boyfriend yung babaeng gusto ko. Di pa ako nakakaamin."

"Parepareho pala tayong sawi e"

"Oo nga eh. Teka, ano nga pala mga pangalan niyo?"

"Ako si Rey."

"I'm John. Nice to meet you"

"Ako naman si Mark"

"Teka, ikaw yung tumugtog kanina diba?"

"Takte, ang galing mo pre.

"Salamat mga tol. Sinulat ko yung kinanta ko para sa babaeng gusto ko. Kaso, hanggang kaibigan lang talaga maituturi niya sakin e."

"Ayos lang yan, at least diba nasabi mo. Eh ako? Natorpe.

"Teka, ano ba talaga nangyari sayo?"

"Oo nga,"

"Nagsimula lahat noong-"

Teka, paano nga ba nagsimula ang lahat?

First day of class this school year, Hinahanap ko yung room ko kasi nasa bagong building yung classroom namin.

"Excuse me, alam mo ba kung saan 'to?"

Turo ko sa room number ko sa registration form.

"Sorry, hindi eh."

"Excuse me, alam mo ba kung saan yung room na ito?"

Tanong ko

"Ah, sa second floor yan, sa pang-apat na pinto sa kanan."

"Thank you."

Anong oras na ba? Baka ma-late ako. Naiwan ko pa man din yung relo ko.

Nagulat ako dahil pag harap ko, may bumunggo saakin.

"Ano ba yan-"

"Ayos ka lang ba?"

May lalaking nakatayo sa harapan ko at tinulungan akong makatayo.

"Sorry sa nangyari, medyo insensitive talaga yang nga kaibigan ko kapag naghaharutan e."

Sabi niya,

"Ayos lang, salamat."

Pasalamat ko

"Sige-"

"Hoy pre dalian mo naman, tara na!"

Tinatawag na siya ng mga kaibigan niya.

"Hintayin niyo ako pre!"

Umalis na siya.

Di ko man lang natanong pangalan niya.

Pumasok na ako sa klase. As usual, introduce yourself ang nangyari sa 30 mins ng unang klase. Tapos pagdating 2nd period, medyo inantok ako. Napuyat kasi ako sa binabasa kong libro kagabi.

"So Here are the statistical ways to collect data. Okay, I'm calling-"

Di ko na marinig yung sinasabi ng teacher sa antok ko.

A "Torpe!" Story: The Honor StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon