"Convinience Store"

10 0 0
                                    

Paglabas ko nakatingala lang ako at nakatingin sa mga bituin. Tila ba tinatanong ang tadhana kung bakit siya ganito kalupit.

Pinunas ko ang luha ko at may natanaw na lalaking nakaupo sa may upuan sa tapat ng entrance.

Nakakahiya, baka nakita niya akong lumuha kanina pa.

Sa di kalayuan, may narinig akong sumisigaw at tila ba nagwawala.

Nagkatinginan kami ng lalaki sa upuan at hinanap kung saan nanggagaling ang tunog.

"Pre, ano bang problema mo? Bakit mo sinusuntok yung puno?"

Tanong ko

"Eh, ano kasi-"

Nag-aalangan siya.

"Sabihin mo, mapagkakatiwalaan kami."

Sabi ng lalaking nakaupo sa upuan.

"Ano kasi, yung tropa ko naunahan ako sa babaeng gusto ko."

Sagot ng lalaking sumuntok sa puno

"Ayos lang yan. Ako nga, na-friendzone."

Sabat ng lalaki sa upuan

"Ako nga, nagka-boyfriend yung babaeng gusto ko. Hindi pa ako nakaamin."

Sabi ko

"Pare-pareho pala tayong sawi e!"

"Oo nga. Teka, ano pala mga pangalan niyo?"

Tanong ko

"Ako si Rey-"

Pagkatapos namin magkwentuhan tungkol sa mga nangyari saamin, nagyaya si Rey na pumunta sa ibang lugar.

"Mga pre, tutal wala naman na tayong ganap dito, baka gusto niyong uminom kung saan?"

Aya ni Rey

"O sige ba,"

Sagot ni Mark

Hindi ako pala inom, pero ang sakit talaga ng puso ko. Gusto ko lang makalimot.

"I'm down."

Pumunta na kami sa-

"Convinience store?"

Sabi ni Rey.

"Oo, bakit naman?"

Tanong ni Mark

"Akala ko pa man din dadalhin mo kami sa mas magandang bar, edi sana dun na lang tayo pumunta sa sinabi ko."

Relamo ni Rey

"Hayaan mo na, estudyante pa lang naman tayo tsaka wala akong pera sa mga fee na yan. Malapit lang 'to sa bahay ko kaya kung malasing man kayo, pwede kayo matulog sa bahay ko."

Sagot ni Mark

"Ayos lang saakin."

Sabi ko

"Oh, buti pa 'tong si John."

Sabi ni Mark

Pumasok kami at bumili ng tig-iisang bote ng beer at snacks.

Sa labas kami pumwesto at umupo.

"Tutal magkakasama naman tayo at may alak na, ilabas na natin lahat-lahat. Gaano ba kaimportante sa'yo yung taong mahal mo?"

A "Torpe!" Story: The Honor StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon