"Milk Tea"

6 0 0
                                    

Grabe, di ako makapaniwalang ganun pala yung sakit ng ulo pag nakainom.

Sumunod na araw, hinanap ko agad si Andrea pagpasok ko.

"Uy, kumusta?"

Bati ko

"Eto, okay lang. Grabe, wala akong maalala sa mga nangyare sa party."

Sabi niya

"Wala talaga as in?"

Tanong ko

"I mean, wala akong matandaan pagkatapos nating sumali sa drinking game. Ano bang nangyari pagkatapos?"

Sagot niya

"Ah, hinatid ka namin sa bahay mo. Malala tama mo eh. Medyo nahirapan ako sa pagdala sayo sa harap ng bahay niyo kasi medyo malayo tayo binaba ng mga kaibigan mo. Tapos-"

Dapat ko bang sabihin na hinalikan niya ako?

"Tapos?"

Tanong niya

Wag na lang.

"Wala na. Yun na yon. Pumasok ka na sa bahay mo."

Palusot ko

"Well that explains it, kaya pala pag gising ko kahapon nasa sala ako. Thank you pala sa paghatid saakin."

Wala yun, nasuklian mo naman na ako.

Sa Halik mo nga lang.

"Wala yun, ginawa ko lang naman ang tama."

"Well, thank you pa rin. You're such a gentleman."

Ako? Gentleman daw ako sabi ni Andrea.

Pagkatapos ng linggong iyon, naging busy kami sa mga group projects.

Nakakalungkot nga, kasi hindi kami magkagrupo kahit sa isang project sa dami ng subjects namin.

Nakagrupo kami ngayon sa klase. Hindi ko kasama si Andrea at nasa kabilang grupo siya.

"Class, may iaanounce lang ako saglit. Please stop what you're doing and listen to me first."

Excuse ng Teacher

"Okay, so ang ating school ay magkakaroon ng promenade. Everyone is welcome to attend basta nasa highschool level. The prom will be held next month. Kaya you better comply with your requirements para hindi na kayo babalik sa school on sem break. Okay, go back to work."

Magkakaroon daw ng promenade.

Prom?

Hala! Nakilmutan ko, Student Council pala nagplano nito in the first place. Mukhang magiging busy ulit ako nito.

At naging busy nga ako sa Student Council dahil sa event na ito. Hindi ko na masyadong nakakausap si Andrea sa personal dahil lagi akong excused at sa chat naman dahil maaga akong nakakatulog sa pagod pagkauwi.

Isang araw, nagkausap kami. Buti na lang hindi ako inexcuse nung araw na iyon.

"Uy, kumusta? Long time no see ah."

Bati ko

"Eto, ayos lang. Grabe, ang tagal na pala nating hindi naguusap ah."

Sagot niya

"Kaya nga, namiss kita. Sobrang stressful pala mag organize ng event."

Sabi ko

"Buti naman free ka today."

Sabi niya

"Di ko nga alam kung bakit ako di pinatawag ngayon, pero mas okay na yun para makapagpahinga namin utak ko about logistics."

"Gusto mo mag milk tea after class? Marami-rami akong ikukwento sa'yo e."

Aya niya

"Sure, I'm down."

At pagkatapos ng mga klase namin, nagpunta kami sa mall para mag-mill tea at mag kuwentuhan.

"Alam mo ba, andaming nangyare nung wala ka. May mga nag-away sa classroom natin. Tapos nagkagulo, gulo talaga as in."

Kuwento niya.

"Grabe, ang lala ah. Buti na lang wala ako. Ang dami palang dramang naganap."

Sagot ko

"Oo, tungkol sa project pala yung away nila. Hindi kasi tumutulong itong isa, napikon itong isa, edi sinapak niya."

Tuloy niya sa kwento

"Ang bayolente naman. Anong ginawa nila Ma'am?"

Tanong ko

"Ayun, dinala sila sa discipline office. Buti na lang hindi malala yung parusa sa kanila."

Sagot niya.

"Buti na lang pala."

"Alam mo ba John, may manliligaw na ako."

Ano daw?

"Manliligaw?"

"Oo, taga ibang section siya. He's really sweet, and he's really into me."

Teka-

"Akala ko ba magfo-focus ka muna sa studies. Anyare?"

Hindi ko gusto ko.

"Sinabi ko naman sa kanya, pero hindi siya tumigil eh. Kaya hinayaan ko na."

"Ah, okay."

"John, may susuotin na ako sa prom!"

Prom?

Ah! Magandang opportunity ito para magtapat sa kanya.

"Talaga? Ako kasi wala pa. Ano sa tingin mong bagay saakin?"

Tanong ko

"I would really like to see you in a suit and tie. You'll be the most handsome guy for me pag sinuot mo 'yon."

Bingo! Ako daw ang pinakagwapo pag nag suit and tie ako. Then, I'll wear it.

"Thanks, wala na kasi akong time asikasuhin yung susuotin ko dahil sa sobrang busy sa pagpaplano ng event."

"No worries, I'm always here. I got your back."

Pagkatapos ng linggong iyon, namili ako ng susuotin ko sa prom. Gusto ko talaga siyang ma-impress, kaya susundin ko yung gusto niya.

Teka, paano yung manliligaw niya? Kailangan ko nang umamin sa kanya bago mahuli ang lahat.

Pero paano ko gagawin 'to?

A "Torpe!" Story: The Honor StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon