"Chat"

10 0 0
                                    

Pagkatapos ng araw na yun, ilang araw ko ding di nakita si Andrea kasi excused ako ng whole day sa Student Council.

Kakauwi ko lang galing school. Pagod na pagod ako. Maliligo na sana ako nang biglang nagnotif yung phone ko.

"Uy, kamusta ka na? Ilang araw na kitang di nakikita, okay ka lang?"

Totoo ba 'tong nakikita ko? Si Andrea yung nagchat saakin?

"Ah, wala namang nangyari saakin. Excused lang talaga ako dahil sa Student Council. Ano na palang ganap sa room?"

Reply ko.

Mukhang mahaba-haba itong pag-uusap namin, mamaya na lang ako maliligo.

"Mabuti naman kung ganon, medyo marami ng lessons na naituro. Pero wala naman masyadong seatworks."

Buti na lang wala akong masaydong hahabulin. Kaya ko naman magself-study para maintindihan yung lessons e.

"Hay, salamat. Ikaw? Kamusta ka na? Nakapag-adjust ka na ba sa school?"

Tanong ko

"Okay naman. Sa totoo nga, may mga nakilala ako sa ibang sections. May mga kaibigan na rin ako sa kanila."

Reply niya

"that's good to hear. I hope we'll get to know each other more."

Reply ko

"oo naman, kaya nga tayo naguusap. I want to know you more."

Talaga? Gusto niya ako makilala pa?

Jusko Lord! Help me!

"Okay. Sige, ikaw naman magtanong."

Reply ko

"Nagka-girlfriend ka na ba?"

Tanong niya

Share ko lang, hindi pa ako nagkaka-girlfriend. Masyado kasi akong focused sa pag-aaral.

First time lang ako nagkaganito, nung nakita ko si Andrea.

"Di pa, hinihintay kasi kita 😉"

Ay shuta nasend, di ko pa ko nabubura yung 'hinihitay kasi kita 😉'

Shet nagt-type siya.

Ano kayang sasabihin niya?

"Ano ba yan, napaka palabiro mo talaga."

Reply niya.

Shet, buti di niya sineryoso.

Pero okay lang naman seyosohin mo baby, seryoso naman ako sayo.

Pagkatapos ng paguusap na iyon, kung saan-saang topic na kami napunta. Hanggang sa-

"Ako naman magtatanong. Willing ka bang magka-boyfriend this year?"

Reply ko.

"Actually, di ko alam. I just want to focus sa studies ko. Tho I'm still open naman. Bakit mo pala natanong?"

Reply niya.

Anong palusot ka? Isip dali!

Ayun!

"Kasi, andami nating classmates na mag-on. Puro PDA na sa classroom. Baka madagdagan pa. Hahaha"

Reply ko

A "Torpe!" Story: The Honor StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon