"Ayan, mga reference books na pwede nating gamitin para sa project na ito."
Nilapag ko yung mga librong galing sa taas.
"Wow, andami mo palang libro sa kwarto mo."
Sabi ni Andrea
"Andrea, pwede bang secret na lang natin yung nangyari kanina?"
Bulong ko
"Oo naman. Gusto, i-BJ pa kita e."
BJ?
Ano daw?
As in-
Wait, di pa ako ready!
"Ano?"
"Buko Juice, masyado ka namang seryoso eh. Ayan, uminom ka."
May inabot siyang baso.
Akala ko kung ano na e.
"So kailangan nating gumawa ng timeline ng sequence ng events na relevant sa topic natin. Gamit 'tong mga references na 'to. Andrea, nakikinig ka ba?"
Teka, nahuli ko ba siyang nakatitig saakin?
Tumigil ka John, guniguni mo lang 'yon.
"Sorry,"
Sagot niya
"As I was saying, kapag ginamit natin itong mga references na ito may chance tayo na makakuha ng mataas na grade."
Tuloy ko
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na tinignan ako ni Andrea.
Grabe ka talaga tadhana!
Mag-aalas sais na, marami kaming nagawa ni Andrea.
"John, may pupuntahan akong birthday party next week. Baka gusto mong sumama?"
Aya ni Andrea
"Di ko sure, baka kasi marami akong gagawi-"
Pinutol niya yung sasabihin ko
"You can't say no. Masyado ka namang tutok sa studies mo, kaya nga kita gustong isama para maexperience mo how to socialize. Come on, you need this."
Mukhang gusto niya talaga akong pumunta.
Teka, baka chance ko na 'to dumiskarte sa kanya.
"Anak, handa na ang hapunan. Oh, andito pa pala si Andrea."
"Iha, okay lang ba kung dito ka na maghapunan?"
Tanong ni Nanay
"Opo. Magpapaalam na lang po ako."
Sagot ni Andrea
"O, magligpit na kayo diyan at kakain na."
Sabi ni Nanay
"Okay, I'll think about it. Kailangan ko rin magpaalam sa kanila Nanay."
Niligpit na namin ang mga gamit at umupo sa kainan.
"John, di ko alam na may-"
"Tay, kaklase ko nga po siya. Hindi ko siya girlfriend."
Depensa ko
"Baka naman 'hindi pa girlfriend."
"Hon, makinig ka na lang kay John. Andrea, ikaw kasi yung unang kaibigan na dinala dito ni John. Pasensya na dito sa Tatay niya. Excited lang magka-girlfriend si John. Nakatutok lang kasi yan sa studies niya."
BINABASA MO ANG
A "Torpe!" Story: The Honor Student
Historia CortaThis Is a trilogy prequel of the Straight Play of FCPCT entitled "Torpe!" Written by Emir Loresto. The story follows the A+ Student, John's backstory and past. This is the Second Part of the Trilogy. Enjoy Reading!