"Party"

11 0 0
                                    

"Hi Girl, thanks for inviting us ah."

Bati ni Andrea sa kaibigan niya na nagimbita saamin

"Wala yun, o sige pasok lang kayo. Wag kayong mahiya marami pagkain diyan."

Sagot ng babae

Grabe, ang ganda ng setup ng party na 'to ah. Simple lang yung bahay pero ang lakas maka-club yung feels. Siguro, pinagkagastusan talaga 'to.

"John, tara dito."

Tawag ni Andrea

"Diyan?"

Tanong ko

"Oo, wag ka diyan. Halika nga dito!"

Gusto niya akong pumunta sa dancefloor.

"Ha? Bakit naman?"

Tanong ko

"Basta!"

Sagot niya

Sige na nga, pupunta na ako. Di pa naman ako marunong sumayaw. Pero para kay Andrea, gagawin ko.

"Ayan, pupunta ka rin pala e. O, sayaw!"

"Hindi ako marunong sumayaw."

Palusot ko

"Sus! Kaya mo yan. Wala namang tama o maling steps, nasa party ka. Just enjoy the music!"

Sumayaw siya.

Wala akong choice, napaindak na lang ako.

Unti-unti akong sumasabay sa beat ng kanta hanggang sa di ko namalayan, sumasayaw na ako.

Maraming kanta na rin ang napatugtog at sumasayaw pa rin kami.

"John, o."

May inabot na baso si Andrea

"Ano 'to?"

Tanong ko

"Cocktail drink."

Ano? Cock- what?

"May alcohol ba 'to?"

Tanong ko.

Hindi pa kasi nakakatry ng alak.

"Meron, pero diluted na yan ng juice."

Sagot ni Andrea

"Sorry, pero I don't drink."

Tanggi ko

"Sige na, try it. Please?"

Shet, ang cute ng hitsura niyang nagmamakaawa.

Paano ko mahihindian si Andrea?

"Okay."

Ininom ko yung inumin.

Wala naman kakaibang lasa. Lasang juice lang naman.

"Ayan. O diba, di naman masama?"

Sabi ni Andrea

"Oo nga."

Sagot ko

"John, tara sali tayo sa kanila."

Hinila niya ako papunta sa may couch area. Maraming tao, naglalaro sila. Di ko alam kung anong tawag sa nilalaro nila e.

A "Torpe!" Story: The Honor StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon