"Wow! Your room is small yet beautiful!"
Napatango ako sa sinabi ni Adam,gaya kasi ng ipinangako ko sakanya kahapon ay dinala ko sya rito sa apartment ko,tinulungan ko nga syang dalhin yung player na gagamitin namin mamaya para maglaro,nagpaalam pa kami kay tita Andi,mom nya at agad itong pumayag since matagal na nya akong kilala
Naupo sya sa sofa at pinatalbog ang sarili kaya natawa ako "Tss,mas malaki at maganda ang bahay nyo pero dito lang sa simpleng apartment sobra ka ng namamangha?" I tease
"Hanga ako sa katapangan mo Ally,biruin mo,ang strikta at medyo masungit na si tita maureen eh napapayag mong mahiwalay ng tirahan sayo,sa edad natin minsan mas gusto nalang natin maging independent para mas makagalaw tayo ng malaya at magawa ang iilang kalokohang naiisip!"
"Sira! Syempre mahirap din maging independent kaya mas magandang nasa puder ka muna ng parents mo,ay teka maiba ako" Aniko saka naupo sa katapat nyang sofa "Adam meron ka bang alam na trabaho?"
"Trabaho?" He asked, "Bakit? Binabalak mong magtrabaho?"
"Oo,kaylangan ko kasi ng pera!" Naisip ko kasi yun dahil eight thousand nalang ang natitira sa binigay sakin ni mom at hindi na ako kayang tugunan nun sa mga darating pang linggo "Kaya kaylangan kong magtrabaho!"
"Seriously? You don't need to work ally,you're rich.you don't have to!"
"Hindi mo kasi naiintindihan--isa 'to sa mga napagkasunduan namin ni mom kapalit ng pagsasarili ko,i have to find a job to provide my daily needs and wants,sa dyaryo wala naman gaanong nakakuha ng interes ko kaya baka matulungan mo ako dito?"
Saglit syang natahimik,ayan pa si adam? Ni hindi ako matitiis nyan dahil ayaw nya akong nakikitang naghihirap,ganyan ako ka-love nyan kaya nga love ko rin 'yang bff kong 'yan eh
"Sa pastry shop ni mom!" He suggested "Ang alam ko kaylangan ni mom ng taga-serve sa pastry shop nya,okay ba yun sayo? Fit na fit sayo yun dahil hindi naman ganun kahirap ang trabaho besides,magkakilala kayo ni mom,we need to talk to her para ma-fix at mapagkasunduan nyo ang shedule mo,alam naman ni mom ang araw at oras ng pasok at uwi natin from school kaya maiintindihan ka nya,so let's look at this!" Aniya na sumeryoso kaya napatitig ako sakanya to focused on what he was trying to say
"Hindi ba wala naman tayong class tuwing weekends? Eh di sa mga ganung araw maghapon ka sa shop namin,then ang pasok natin sa Mindae University eh 9 in the morning and ang out natin ay 5 ng hapon so--- teka nga,kayanin mo kaya? Ally magiging busy ka na once na mag-trabaho ka na kay mom? Alam kong hindi ka sanay magwork?"
"Adam,it's okay,kakayanin kong i-fix ang schedules ko,mas maihirapan ako kung within this week eh wala pa akong mahahanap na work,remember marami na akong babayaran kapag natapos na 'tong buwan na 'to,like electricity,water bills and rent,oh yung tuition fee ko pa,hindi naman ako habambuhay na magre-rely sa parents ko,sila lang naman ang mayaman at hindi ako,so i need to move my ass out or babalik ako sa puder nila mom,gusto ko na nga 'tong gan'tong set-up!"
He sighed heavily na parang pati problema ko problema nya narin,I know naaawa sya sakin pero hindi 'yan ang kaylangan ko sa ngayon.Trabaho
"So? Kaylan natin pwedeng kausapin si tita andi? Para makapagpasa narin ako ng resume?"
"Kaya mo bang gawin mamaya? Mas magandang bukas maipasa,I can help you.ako na ang magbibigay ng requirements mo kay mom at ako nalang din ang kakausap sakanya since mas marami ka pang dapat na gawin,knowing her,i'm sure O-oo agad yun dahil she likes you very much and she's badly need a server!"
BINABASA MO ANG
Sid In One
RomanceAlly never confused in her life not until she met this man------Or maybe not?