"I'm sorry miss but Troian is not my name,I'm Red!"Napailing ako ng paulit-ulit dahil sa nangyari kagabi,gulung-gulo at nagtataka ako at the same time dahil sa mga sinabi ni Troian sakin,hindi daw sya si troian,sya raw si red? Is he tripping me? Is this some kind of joke?
"Goodmorning Ally!" Lumingon ako sa likuran at nakitang nag-stretch si adam na bagong gising,magulo pa ang buhok nya at lukot ang damit,naupo sya sa kitchen counter at nangalumbabang pinagmasdan ang ginagawa ko
"Ginigising kita kagabi para sana makauwi ka na pero tulog mantika ka talaga,uuwi ka pa ngayon sa inyo dahil kaylangan mong mag-prepare for school!"
"I've always imagine this scenaryo,hindi ko akalaing mangyayari talaga?"
"Anong scenaryo?"
"Na gigising ako sa iisang bahay na kasama ka,tapos 'yan,you're at the stove cooking something edible for us,then we're also going to school ng sabay!"
Tinawanan ko ang kumag "Loko! Ano ako? Girlfriend mo? Kahit naman heartthrob ka hindi ko naimagine na magkakagusto ako sayo noh! Para na nga kitang kapatid eh!"
"Aba! Ang daming babae dyan na ginagawa ang lahat mapansin ko lang sila,pero ikaw na nga itong binibigyan ko ng libreng atensyon at pagmamahal ko tumatanggi ka pa? Si Adam na 'to?"
Tch! Oo na,mayabang din sya minsan pero hindi naman talaga sya ganyang klase ng tao,mabait 'yan at ready to lean a helping hand to anyone, "Anyway?" Pag-iiba nito sa topic "Nagawa mo na ba yung resume mo? After We eat ay uuwi ako sa bahay to prepare for school at para narin makausap ko kahit sandali si mom?"
"Oo,habang nandyan ka humihilik,ginagawa ko na ang mga dapat na gawin" After maluto ay kumain na kami,we discussed everything in the midst of delicious breakfast
*****************
"Oh pano? Kita nalang tayo mamaya sa school?call me kapag nasa bahay ka na?"
"Okay,goodbye ally!" Binigyan nya ako ng kiss sa pisngi kaya nagulat ako,hindi ko narin sya nahabol para paluin dahil nakaalis na sya sakay ng kotse nya,ng mawala na ang kotse sa paningin ay tumalikod na ako para sana pumasok sa loob ng mabunggo ang muka ko,hawak ang noo ay tiningala ko ang nakaharang sa daan only to find out na si Troian yun,mukang papasok na sya sa work,amoy na amoy ko ang pabango nya pati na ang bagong ligo nyang itsura, naka-ayos ng suklay yung gray hair nya Aba? Himala,nagsusuklay naman pala sya?
Sandali kaming nagkatitigan,bigla tuloy pumasok sa isip ko yung sinabi nya kagabi,totoo kaya yun?
Imbis na batiin sya gaya ng palagi kong ginagawa ay nilagpasan ko sya at nagtuloy paakyat sa secondfloor,hindi kasi ako makaharap sakanya sa ngayon,nung makapasok ako sa loob ng room ko ay sinilip ko sya sa bintana,kita kong sumakay na sya sa bike at pinaandar na ito paalis,nagmamadali akong bumalik sa firstfloor para puntahan si granny
After a few knocks ay bumukas ito at bumungad ang cute na cute pero wrinkled old lady hehe,I waved my hands infront if her face "Goodmorning granny!"
"Oh,hi goodmorning din iha,kukunin mo na ba?" Tumango ako kaya agad nyang binigay sakin ang key sa room ni troian "Pasok ka muna,kumakain ako ng almusal"
"Ah hindi na po,kaylangan ko pang mag-asikaso sa school eh,saka lilinisan ko pa yung kwarto ni troian and I'll fed jo and ja.bye for now granny,see you!"
BINABASA MO ANG
Sid In One
RomanceAlly never confused in her life not until she met this man------Or maybe not?