Chapter16

12 0 0
                                    

Pagmulat ko palang ng mga mata ay napangiti na agad ako,bigla ko kasing naisip si Troian at sa apartment na ulit ako uuwi mamaya after my shift sa school at trabaho,it's not that I don't want here,sa katunayan gusto ko pa ngang mas tumagal rito sa bahay dahil bukod sa isang buwan ko halos hindi nakita itong napakalaking bahay namin ay namiss ko pa ng sobra sila mom and dad since hindi ako sanay na bumukod ng tirahan sakanila.






Pero ito na ang katotohanan ngayon,gusto ko ng palaging didiretso sa apartment to see Him,Palagi akong excited umuwi sakanya at makakwentuhan sya kahit panandaliang oras,masaya na akong nagkakasama kami sa gabi at nag-uusap,Siguro nga--nagiging totoo na ang pagmamahal ko kay troian






"Ms,Ally? Tinatawag na kayo ni Maam maureen,kakain na ng almusal!" After a knocks ay narinig ko na ang isa sa mga maids namin na tinawag ako behind the door






"Sige po ate lei susunod na po ako!" Dumiretso na ako sa bathroom para magsepilyo at hilamos ng muka,after kong magpalit ng damit ay tumuloy na ako sa dining area,doon ko naabutang nagbabasa ng dyaryo si dad at si mom na busy sa pagtitimpla ng coffee





"Goodmorning mom and dad!" I greeted them with a kiss,naupo na ako at nagsimulang kumain






"Anong oras ka aalis?" Mom asked






"Eight,after ng school ay didiretso na ako sa part time job ko!", I have this feeling na I've been watched,hindi nga ako nagkamali dahil pagtingin ko kay mom ay nakatitig sya sakin,bakas ang awa sa mata nya although wala namang reakson ang muka nya,nung napansin ata nyang nakatingin ako ay iniba nya ang paglihis ng mata sa sariling plato






"Wag mong pinapagod masyado 'yang sarili mo,wag ka rin masyadong nagpapagutom at kumain ka sa tamang oras.ayokong makakarinig na dadaing ka sa sakit ng tiyan or ulo,pasaway ka kaya panindigan mo 'yang katigasan ng ulo mo!" Kahit masungit ay bakas na bakas ang pag-aalala nito,nangiti nalang ako saka tumango





"Teka---kagabi pala ay tumawag si andi,she's looking for you"





"Bakit daw po?"





"Pumunta raw kasi kagabi si Adam sa room mo kaya sinabi kong nandito ka muna samin,may ibibigay daw kasi sayo!"






"Pansin ko?" Dad retorted "Yang si adam,nagtapat ba ng feelings para sayo ally?"





Nagulat naman ako kaya naubo-ubo ako,inabutan nya agad ako ng tubig na diretso ko namang nilagok, "DAD!"






"What?" Natatawa pa sya kaya hindi ko alam kung biro ba yun oh seryoso "C'mon daughter,pansin na pansin ko 'yan kay adam kahit noon pa,para namang hindi natin sila kilala ng parents nya noon pa? Ang lalaki alam ang nararamdaman ng kapwa lalaki Ally,bear that in your mind!"






Natahimik tuloy ako,napaisip,imposibleng magkagusto sakin si adam dahil madalas nga akong i-bully nun at sinabi pa nya ng ilang beses na hinding-hindi nya ako magugustuhan dahil masyado nyang pinapahalagahan ang relasyon namin bilang magbestfriend,Saka hindi rin ako nagkaroon ng iba pang special feelings sakanya bukod sa kaibigang matalik? Meron na akong mahal at si Troian yun






"Okay lang naman samin kung sya ang makatuluyan mo,noon pa pinipilian ka na namin ng mga makakatuluyan mo pero ayaw mo sakanilang lahat,then--kung si adam na ang para sayo hindi na kami tututol,Adam was such a nice guy,mayaman,matalino higit sa lahat gwapo,maraming babae ang nagkakagusto sa ganyang traits ng lalaki kaya wag mo ng pakawalan,kilala naman natin ang buong angkan nya kaya walang magiging problema kung sakali!"






Sid In OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon