Chapter15 [The Rebirth Of Jiro]

12 0 0
                                    


Lol >______^



"ALLY? MY BEAUTIFUL PRINCESS!!!!!!!! I MISS YOU ANAKKK!"




Nung pumasok pa lang kami ni mom sa kabahayan ay yung maingay na bunganga agad ni dad ang bumungad,tumakbo na sya ng naka-open arms and was about to hug me ng pigilan sya ni mom gamit ang pagdakot sa muka ni dad,there I was--laughing my ass out






"Ano ka ba naman maureen? Bakit mo naman inilagay 'yang kamay mo sa buong muka ko?!"






Ngumisi si mom saka ito pinameywangan "Masyado ka na naman kasing OA purket nandyan ang anak mo,Osya dyan muna kayo at magpapahanda na ako ng dinner,Ally?" Baling nito sakin "Wash your hands okay?"






"Yes mom!" Nung mawala sya ay yumakap si dad sa braso ko na parang teenager na nakakuyapit sa crush nya,isa ito sa maloko at childish sides ni daddy,pero kahit ganyan 'yan ay nakakatakot din 'yan kapag nagalit at nagseryoso.he leads me to the dining area at inalalayan akong maupo sa isa sa mga couch





"So?" He started "How's my daughter? Maayos ka lang ba sa apartment ni rhian? Is she taking care of you? May nakakain ka ba dun? Or wala bang lamok dun? Baka naman madaling mapasok ng mga akyat-apartment ang room mo? Nilo-lock mo ba ang mga pinto't-bintana mo---OUCH







Natigil sya sa sinasabi dahil bigla syang binatukan ni mom,humalukipkip ito habang nakaharap samin "Wag ka ngang OA nate! Rhian is taking good care of her,parang hindi mo naman alam na araw-araw kong mino-monitor ang sutil mong anak!"







Ganyan nya ako kamahal,hindi halata dahil hindi naman showy si mom,parang sya pa nga ang mas seryoso kumpara kay dad,pero masasabi kong napakagaling at astig nyang nanay believe me.she really knows what's best for her family,yun nga lang kapag gagawa ako ng kalokohan like pupunta sa disco ay patayan pa ang paghingi ko ng permiso para lang payagan nya ako







"Anyway!" My mom retorted  "The foods are ready,tara na't para makakain na tayo,!" Sabay-sabay kaming naupo sa hapag at nagsimulang kumain,habang kumakain ay panay ang usap at tawanan namin ni daddy,namiss ko nga ang kadaldalan nya.nagkwento sya about sa wine business namin.binabalak pala nilang magpunta ni mom sa New york para kamustahin ang taniman nila ng grapes,they also make rice wines na mas mabenta raw sa bansang korea at china





"Ang daya! Summer break na at wala na kayong pasok ng ganung buwan,ano kaya kung sumama ka samin sa new york? Doon namin balak magstay sa bahay ni mom habang bakasyon!" Napatingin ako kay mom na abala parin sa kinakain






"Talaga? Kila lola Alita kayo magsstay?"






"Oo,I'm sure magtatanong yun kung bakit hindi ka namin kasama kapag kami lang dalawa nitong mommy mo ang nagpunta,ikaw pa naman ang paborito nyang patikimin ng mga ni-bake nyang devil eggs at cookies,ikaw rin ang katu-katulong nyang gumawa ng mga sun-dried prunes"






"Gustuhin ko mang sumama eh hindi pupwede!" Napatingin sakin ang dalawa,first time ko kasing tatanggi,lola's girl ako at kahit na anong tungkol kay lola ay hindi ko pinalalampas,pero sa ngayon may mga balak akong gawin this coming summer






"Ano naman 'yang gagawin mo? Tss baka naman habang wala kami puro na naman pakikipag-barkada at bar ang aatupagin mo?" Ani mom







Agad akong nailing "Hindi po mom,ipapagpatuloy ko po kasi yung part time job ko,para sa darating ulit na pasukan ay may maibabayad na akong tuition galing sa sarili kong pinaghirapan,saka may mga plano narin ako kasama ang mga katrabaho ko,diba kilala nyo po yung childhood friend kong si adam? Sa mom nya ako nagtatrabaho at bibigyan din nila kami ng bakasyon sa isang beach resort!"






Sid In OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon