Chapter2

25 2 0
                                    


Ibinaba ko sa ilong ang shades ko saka pinasadahan ng tingin ang katapat na building,or should i say na medyo may kalumaan ng building.nandito na nga ako sa tapat ng apartment kung saan ako titira from now on,tinawagan nga kagabi ni mom si tita rhian na bff nya para paghandaan nga ako ng kwartong uupahan,excited naman daw akong ia-assist ni tita and she even said na babantayan parin daw nya ako




May nakita akong matanda sa gilid ng gate na may dalang trashbag,i started to call her attention "Ahm lola pwedeng magtanong?"






"Ano yun?"





"Dito po ba yung apartment building ni tita rhian cedez?!"







"Oo ito na nga yun,anong kaylangan mo sakanya?"




"Dito na po kasi ako titira from now on,so magiging neighbors na tayo lola kaya you can call me Ally okay?" Sabi ko saka nilahad ang palad ko sakanya,naweirduhan man si granny eh tinanggap nya parin ang palad ko at nag-shakehands kami.napatitig ako sa basurang hanggang ngayon eh hawak nya






"Lola itatapon mo ba 'yan? Ano po bang laman nyan at parang bigat na bigat kayo? Mas lalo kayong kukuba nyan eh!" Tapos si lola walang amor na tumawa,hala? Is there something funny ba?





"Oo,shedule ng basura ngayon ang kaso wala yung apo ko,maya-maya pa makakauwi yun kaya ako nalang ang naglabas,medyo mabigat nga eh" Aniya na mukang hirap na hirap,so ako naman si goodgirl ay inagaw sa kulubot nyang kamay








"Pumasok na po kayo sa room nyo,ako nalang ang magtatapon nito!" Napangiwi ako ng marealized na mabigat nga sya,tinitigan ako ni granny kaya nagkunyari akong magaan sya tapos ginawa ko pang barbel whoo!








"Sigurado ka ba iha na okay lang sayong ikaw nalang ang magtapon? Muka ka kasing mayaman at baka hindi mo masyadong kaya? Mapayat ka pa naman?"




"Ofcourse granny, kayang-kaya 'to noh,eh hindi naman maaatim ng konsensya ko na daanan lang kayo habang hirap na hirap dito sa basura" ano bang laman nito? Mga bato? Semento? Gosh! Hindi biro ang bigat nya eh





May itinuro ito na nilingon ko,sa kabilang side nitong apartment eh bakanteng lote na maganda naman dahil malinis at may bakod,meron ngang mga seesaw at padulasan,sa isang side eh may malawak na basketball court








"Nanduon ang lalagyan ng mga basura iha,since mapilit ka eh iiwan na kita dahil may pinapakuluan akong buto-buto,baka naapaw na,salamat ha? Diba sabi mo dito ka na titira? Sana punta ka minsan sa tinutuluyan ko para maipakilala narin kita sa apo ko!"








Ngumiti lang ako saka tumango,pinagbuksan ko pa sya ng gate saka kinawayan si granny,when she's nowhere in sight ay pinagtuunan ko na ng pansin ang basura na kaylangang itapon,hayss! Ano ba 'to? Dapat kausap ko na ngayon si tita rhian eh.pero dibale,madali lang naman 'to








Dinaanan ko ang kotse ko na nakapark lang sa gilid ng building at paika-ikang tumawid sa kabilang side nitong street,gosh! Yung heels ko T___T.ng matapon ko na successfully yung basura ay naghanap ako ng alcohol sa pouch saka nilagyan ang mga kamay at ini-spray-an pati buong katawan ko,ayan.






Hinawakan ko na yung gate at akmang bubuksan ng may isa pang kamay ang humawak sa handle kaya tuloy kamay ko ang nahawakan nya,nagkatinginan kami ng taong yun at agad kumunot ang noo nya.mabilis kong tinanggal ang kamay ko at sinenyasan syang mauna,nung pumasok sya ay sumunod ako at ako narin ang nagsara ng gate







Sid In OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon