Chapter4

16 1 0
                                    


Kinabukasan..........

Nakangiti ako ng magmulat ng mga mata,agad bumangon para mag-inat at magdasal,ng matapos sa ritwal ay nagpunta na ako sa shower para maligo,may pasok na ako ngayon kaya hindi dapat ako ma-late






Habang sinasabon ang katawan ay bigla nalang sumagi sa isip ko yung scenaryo kagabi kung saan nakita ni Troian ang katawan ko,pakiramdam ko uminit ang buong katawan ko at namula ako,gosh! Ally ang aga-aga ang dumi ng pumapasok sa utak mo





After that ay kumain nalang ako ng bread and milk,nagbihis ng uniform and tadaah! Ako'y papasok na sa university.habang pababa sa hagdan eh may nakita akong newspaper print sa isa sa mga pintuan ng nadaanan kong hallway,agad kong dinampot at binasa,hmmm! Habang naglalakad ay hinahanap ko ang page kung saan merong trabaho na hiring,binuklat ko lang at binasa pero hindi ko masyadong type ang mga trabaho na nandun






Ng nasa labas na ako ay una kong hinanap yung bike ni troian pero nalungkot ako ng slight ng makitang wala na sya dun,baka pumasok narin sa trabaho,diba nga teacher sya?.habang nakatulala ay may kumulbit sakin,ng lingunin ay napangiti ako ng makitang si granny yun.remember yung tinulungan ko ng una akong napunta dito,





"Magandang umaga iha,papasok ka na ba sa school mo?" Aniya with a smile




"Opo granny,goodmorning din ho sainyo,masaya ako na hindi ko kayo nakitang may dalang basura,!"







"Saan nga pala ang kwarto mo para madalaw kita minsan?"





"Ay oo ngapala,sa room 106 po ako sa secondfloor!" Tumango lang sya.ng may maalala ay muli ko syang tinitigan "Ahm granny may tanong po ako?"






"Ano yun?"





"Si--uhm--si troian po? Kilala nyo po ba sya? Nakita nyo na po ba sya dito ngayong umaga?" Halatang nagulat pa si granny sa tinanong ko







"Close na ba kayo ng batang yun iha?" Takang tanong nito kaya napipilitang tumango ako,natawa naman sya






"Talaga? Eh dalawang araw ka palang nanunuluyan dito sa apartment,medyo suplado ang batang yun sa bagong salta pero mabait naman yun lalo na sa matatandang gaya ko pati na sa mga bata,mabuti't naging close kayo agad?" Aniya kaya napangiwi ako ng pasimple







"Oo nga po granny,siguro po crush nya ako kaya hindi nya natiis na makipagkilala sakin,!" Gosh! Ally this is too much lies,kapag narinig ka nya ngayon baka hindi ka na nya pansinin forever





"Duda ako dyan iha,kahit ganyan ka pa kaganda masyado kong kilala ang batang yun,hindi yun agad-agad makikipagkilala kung kani-kanino lang,pero mabuti nga yun,kapag naging gerlprend ka nya iha may mag-aalaga na sakanya,naku! Ilang beses ko na ngang sinasabihan ang batang yun na mag-asawa na dahil nasa tamang edad na sya isa pa--maaga syang pumapasok sa trabaho tapos gabi na uuwi,walang nag-aasikaso sakanya kaya atleast kapag nagka-gerlpren na sya eh may mag-aalaga sakanya,ayaw naman nya dahil daw sakit sa ulo lang ang pag-aasawa!"


Wow! Asawa agad? Ni hindi ko pa nga ma-imagine na magiging kami eh.





"Yung dalawang pusa nya,ako na ang madalas magpakain sa tanghali at hapon dahil nga nasa school sya,sa tagal na naming magkasama sa iisang compound eh sakin na nya pinagkatiwala ang pag-aalaga sa mga mahal nyang alaga kapag wala sya,minsan kusa akong papasok sa kwarto nya para maglinis,kawawa naman kasi sya,wala ng time maglinis ng bahay dahil sa masyadong busy sa mga estudyante nya!"





Sid In OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon