Gaano kaganda ang mood ko?Nagising ako ng umagang 'yun ng may ngiti sa labi,kung masaya na ako eh hindi ko akalaing mas may isasaya pa pala ako.pakanta-kanta pa akong bumangon sa kama saka dumiretso sa banyo,habang nakaharap sa salamin at nagsesepilyo ay bigla ko na namang naalala yung nangyari kagabi
"Troian---
"I love you ally!" Kumalas ako sa pagkakayakap nya sakin para mas matitigan ko ang muka nya,inaalam ko kung seryoso ba talaga sya sa mga sinabi nya at hindi lang dala ng atmospera
"Nagagalit ako kapag dinadaanan mo lang ako,nakasanayan kong binabati mo ako kapag nagkakasalubong tayo sa kahit saan,kulang ang araw ko kapag hindi mo ako kinukulit,kahit kapag kakain ako tapos sasabayan mo ako parang palagi akong gutom at gusto kong kainin ang lahat ng hinanda mo,yung hagikhik mo sa mga simpleng bagay na palihim kong tinititigan ang muka mo,hindi ikaw ang first love ko pero ng dahil sumulpot kang bigla sa kung saan ay parang naramdaman kong hindi ko na kaylangang hanapin ang nawawalang piraso ng buhay ko!"
Maluha-luha ko lang pinapakinggan ang mga sinasabi nya,titig na titig sa gwapo nyang muka,sa mga naririnig ko ngayon ay napakasaya ko.na ang lalaking mahal ko ay sinasabi ang mga salitang gusto kong marinig mula sa kanya,hindi ko alam kung anong angkop na pakiramdam ang mararamdaman ko
"Ally!" Muling humina at huminahon ang boses nya, "Mahal kita,hindi ko ine-expect na ibabalik mo ang nararamdaman ko para sayo pero wag mo sana akong pagbawalang makita ka araw-araw,makasama ka kahit sa maikling oras,kapag naririnig ko ang boses mo ay napapangiti ako,nagmamadali akong umuwi agad kasi alam kong nandito ka na,nung---nung nakita kong hinalikan ka sa pisngi nung lalaking kasama mo at nakita kong sabay kayong lumabas ng kwarto mo ng nakangiti----sa sobrang inis ko napalitan ang personalidad ko ng araw na yun,hindi ko napipigilan ng sobra ang emosyon ko kapag ikaw na ang usapan Ally!"
"Totoo ba ang lahat ng 'yan troian? Totoo bang mahal mo talaga ako?" Nakalimutan ko ng may sugat pa pala syang kaylangan kong linisan,sa sobrang saya at galak ay hindi ko na alam ang mga nangyayari sa paligid ko,kasi naman---swerte yata itong kwarto ko,dito nya kasi ibinigay sakin ang first kiss ko na talagang sa first love ko natikman,tapos dito rin sya nagtapat ng pag-ibig nya sakin
"Ally? A-anong sagot mo? Hindi ko hinihiling at hindi ko rin pinipilit na mahalin mo 'ko kung hindi naman yun yung tunay mong nararamdaman towards me but please---give me a straightforward answer!"
"I love you too!" Nung sinabi ko yun ay natigilan sya,mas ramdam ko ang sinseridad sakanya ng mamasa ang magkabilang mata nya na anytime iiyak sya,first time kong makita si troian na ganito dahil nakilala ko sya at ng lahat bilang matapang at matigas ang loob na lalaki--and a little bit colder
"Ally--- Hindi ko na sya pinatapos ng halikan ko sya sa labi na,alam kong medyo aggresive ako sa part na 'to hehe pero believe me guys? Kapag kayo ang nakaranas ng ganito,feeling nyo nasa cloud 9 na kayo
Namalayan ko nalang na lumalim na ang halikan namin at nakahiga na ako sa couch,he's on top of me,pinutol nya ang kiss saka ako muling tinitigan sa muka
"Hindi ako mayaman ally,ordinaryong lalaki lang ako na walang maipagmamalaki--isa pa, meron pa akong abnormalities---
"Shhh!" I shush him,hinaplos-haplos ko ang grayed hair nya "Wag mong masyadong pababain ang sarili mo please?nakita ko na ang lahat ng imperfections mo pero look at me? Look at us? Iniwan ba kita? Iniwasan ba kita simula ng umamin ka about sa karamdaman mo? I'm willing to take care of a rare guy like you--love you with all my heart,malakas kasi ang pagmamahal ko sayo na natatabunan na ang mga pangit na pangyayari,!"
BINABASA MO ANG
Sid In One
RomanceAlly never confused in her life not until she met this man------Or maybe not?