"Geo, pwede ka bang mag-grocery muna?!" Sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko. "Kailangan ko na kasing pumasok sa opisina e!"
Itinigil ko muna ang ginagawa kong pagpipinta at nilingon ang pintuan ng kwarto ko.
"Opo, Ma! Ako na po bahala!" Sigaw ko pabalik.
"Salamat, 'nak! Iiwan ko 'yong pera at listahan sa kwarto ko ha? Kunin mo na lang do'n! 'Yong tanghalian mo, nasa ref, ipainit mo na lang. Alis na 'ko! Ikaw na bahala sa bahay ah?! Bye!" Paalam niya sa 'kin mula sa labas.
"Ingat po kayo, Ma! Bye!"
Narinig ko ang mga yabag ng mga paa ni Mama paalis. Ako naman ay tumayo na mula sa pagkakaupo ko para magpunta ng banyo at maligo. Kailangan ko nang sundin muna ang iniuutos ni Mama at baka makalimutan ko pa. Lagot ako ro'n mamaya kapag nakalimutan ko.
Matapos kong maligo at magbihis ay nagpunta na 'ko sa kwarto ni Mama para kunin ang sinasabi niyang pera at listahan. Nakita ko naman 'yon agad sa ibabaw ng side table niya.
Aalis na sana ako nang may mapansin akong bagay na nakaipit sa may unan ni Mama. Nakalabas 'yong dulo no'n kaya napansin ko. Tinanggal ko 'yong unan ni Mama at nakita kong family picture namin 'yong apat, kasama si Papa. Kinuha ko 'yon saka pinagmasdan.
This was taken 4 years ago. Itinatago pa rin pala 'to ni Mama. Akala ko ay itinapon na niya ang lahat ng mga bagay na makakapag-paalala kay Papa sa amin ni Gin at sa kaniya.
Mapait akong napangiti habang nakatitig sa picture na 'yon. "Mahal mo pa rin talaga si Papa kahit na iniwan na niya tayo." Bulong ko sa sarili ko.
Tinanggal ko na 'yon sa isipan ko. Ibabalik ko sana 'yon sa ilalim ng unan niya nang mapatigil ako. Sa halip na ro'n ko ilagay ay sa side table ko na lang niya 'yon ipinatong. Inayos ko ang pagkakalagay no'n do'n bago lumabas na ng kwarto bitbit 'yong pera at listahang iniwan ni Mama.
Matapos kong masigurado na naka-lock na ang bahay namin ay naglakad na 'ko palabas ng subdivision para pumara ng taxi. Hindi rin naman nagtagal ang paghi-hintay ko at nakasakay rin agad ako. Mabuti na lang din at hindi ma-traffic kaya nakarating ako nang mabilis sa grocery store.
Habang itinutulak ko 'yong cart ko ay nakatingin ako sa mga nakalistang pagkain sa ginawang listahan ni Mama. Dahil hindi ako nakatingin sa daan ay may nabangga ako ng cart na tulak-tulak ko.
"Sorry po—"
Nagulat ako nang malaman kong si Papa 'yong nabangga ko. Halatang nagulat din naman siya nang makita niya 'ko.
Hindi ko inaasahang makikita ko siya rito sa Southvill. I thought, matapos nilang maghiwalay ni Mama 3 years ago ay umalis na rin siya rito sa Southvill. Ano pa'ng ginagawa niya rito?
"G-Geo?" Hindi makapaniwalang sambit niya.
Lalapitan niya sana ako nang may bigla na lang lumapit sa kaniyang babae. Napatitig ako sa kamay no'ng babae na nakapulupot sa braso ni Papa. Lalo lang lumaki ang galit ko kay Papa.
Ito ba 'yong ipinalit niya kay Mama? Dito siya sumama at iniwan kami?
"Love, ibili mo 'ko no'n oh!" Maarteng utos sa kaniya no'ng babae. "Love? Love! Sino ba kasi 'yan? Kilala mo ba siya?"
Napatingin ako sa babaeng 'yon nang tanungin niya 'yon kay Papa. Hindi ko akalaing sa ganitong babae niya ipinagpalit si Mama.
"H-Hindi."
Hindi makapaniwalang tiningnan ko si Papa nang sagutin niya ang tanong no'ng babae niya. Galit ako sa kaniya, oo. Sobra pa nga e, but hearing that from him, ang itanggi niyang anak niya 'ko, it hurt me.
BINABASA MO ANG
Reach The Stars (EDITING)
Roman d'amour[Old title "Tears Of Heaven"] There's never a story to be told when things just come together; it's just the story of what happens around them in this silence where she lives. He was an artist. He has an amazing gift. He could see shades within shad...