"DAWWWNNNAAAALLLIIIINNAAAA!!! HAAPPPYY BIRRRTHHHDAAAYY!!!" sigaw ni Kath at Julieth. Nagulat nalang ako nag makita na nandito rin sina Jasmine, Christine, Erold, John, Vincent at si Dorothy. May dala silang cake, balloons at mga regalo. Sinindihan ni Vincent 'yung kandila sa cake.
"Mag wish 'yung maayos ha," sambit ni Julieth. I clasped my hands and closed my eyes before wishing.
"Kain tayo guys!" alok ni Dorothy. Sumunod naman kami papunta sa kitchen. I was expecting na baka, baka lang naman nandoon si Kobe paglabas ko. Pero I was wrong, wala siya, ni anino niya 'di ko nga nakita eh.
"Cheer up, you bitch!" pang aasar sa 'kin ni Dorothy. Napalingon ako sa phone na nag tunog dahil sa mga birthday greetings galing sa mga batchmates ko sa Cebu. I scrolled through it sa lockscreen ko, looking for Kobe's name but still nothing from him.
Baka busy lang siya ngayon, baka nakatulog na siya dahil sa pagod sa trainings nila. I try to feed my mind with those thoughts and try to push them away.
"Sa Saturday, serendra daw tayo. Dinner with fam," I informed my friends.
"'Di ako makakasama ha? May pupuntahan ako sa Saturday eh," Vincent gave me an apologetic smile. "Bawi ako sa Debut mo, Dawny!"
"Ayy ganon, sige!" I smiled.
"Saturday naman! Uwi na kami, byeee Dawny! Enjoy your day!" sambit ko Erold. Niyakap ko sila isa-isa.
"'Wag mo nang alalahin, ikaw lang din masasaktan." Bulong ni Dorothy sa 'kin nang yakapin ko siya.
"Bakit kasi ganon?"
"Don't doubt yourself dahil lang du'n," dagdag niya pa.
"Sige na bye! I love youuu!" paalam niya at sumunod na kela Erold. Umalis na rin sila Christine at ang natira ay kami nalang nila Julieth.
"Ang cake, i-ref!" pabiro kong utos kay Julieth.
"Masusunod ho kamahalan!" sagot niya.
"YAYA KA GHORL?!" singit ni Kath.
"Ngayon lang din naman," sagot ko.
"Weh?! Araw-araw mo nga akong inuutosan sis, sure ka na ba?" sambit ni Julieth.
"HAHAHAHAHAH sige na! tulog na tayo," pumasok na ako sa kwarto ko at natulog na.
I woke up with Julieth and Kath making noise while singing 'happy birthday song'.
"Aww thank youu!" I hugged them.
"Enjoy your day, lovey!" sambit ni Julieth.
BINABASA MO ANG
Why don't we Fall In Love Tonight
Teen FictionWHY SERIES #1 In a school activity, Dawn Anne Salazar and Kobe Shan Martinez meet each other because of a buddy system. Yet were separated. But another activity brought them together once again. And their story unfolds.