"Dawnalinaaa! Gising naaa!!" sigaw ni Julieth.
"Oo ito naaa!!!" tumayo ako at dumiresto sa CR para maligo. Maaga pa talaga, 7 AM palang, ahh!
Pagkatapos kong maligo nag bihis na 'ko agad. I wore a black blouse with white piping and tucked it in with a pair of denim pants. Paglabas ko, kumain na kami at nag ayos na rin ako ng buhok.
"Sa 'n tayo?" tanong ni Kath.
"Sa SM North yata, tama ba?" tanong sa'kin ni Julieth at tumango ako. Nag toothbrush na ako at nag ayos ng bag.
"Sa 'n daw tayo susundoin?" tanong ko kay Julieth.
"Sa lobby na raw."
"Hiii girlsss!!!" bungad ni Christine. Isa sa mga kaibigan ko, ever since I was in kinder.
"Hala naka uwi ka na pala Dawn!" sambit ni Dorothy.
"Ay hindi uuwi palang!" sarkastiko kong sagot.
"Gaga, so ano pala dapat? Hala pakshet ang punyeta kong kaibigan nabuhay na ulit, ostomoyon?!" tanong ni Dorothy.
"Oo, pakshet ka talaga, ehh. Lika nga" sambit ko sabay yakap sa kanya\
"Ano guys? Sa 'n kain na tayo? Hi Daaawwnnn!!" tanong ni Jasmine sabay yakap sa 'kin.
"Samgyup tayo! 'Lam ko naman na miss niyo na pagpaka oinkie- oinkie! Diba Dawn?" sagot ni Erold.
"Luh?! baka ikaw!" pambabara ko sa kanya.
"Sige tara guys!" pag aaya ni Julieth.
"Kath!" tawag nila. I didn't know na kilala nilang lahat si Kath.
"Oy! Sama ako!" sambit ni Kath habang bumebeso sa kanila.
"Sureee!!" sagot namin sa kanya.
Sumakay kami sa van nila Jasmine. In the whole trip to SM North, we just catch up on each other. Alam mo yung ingay ng mga magkakaibigan na para ngayon nalang ulit nagkita-kita, ganon kami kaingay. Bumaba kami sa SM North at diretso sa isang Korean restaurant.
"Order na kayo," sambit ni Dorothy.
"Sa 'yo 'to, te?! Restaurant mo ghorl?!" pambabara ni Erold.
"Ugag! Nagsasabi lang naman ako na mag order na kayo." Depensa ni Dorothy.
"Hulyeta! Ikaw naman expert dito, ikaw na mag order." Sambit ni Jasmine.
"I'm craving for kfoods." Erold said while acting like he is typing on his phone.
BINABASA MO ANG
Why don't we Fall In Love Tonight
Teen FictionWHY SERIES #1 In a school activity, Dawn Anne Salazar and Kobe Shan Martinez meet each other because of a buddy system. Yet were separated. But another activity brought them together once again. And their story unfolds.