Lumabas ako sa Cafeteria, wala ruon sila Kati kaya pumonta mona ako ng rest room.
Habang nag huhugas ako ng kamay ay mag iilang pumasok kaya tiningnan ko sila mola sa salamin, Nakita ko rin yung pag tingin nila saakin at pag tawa.
What the hell???
"Hey Farm girl!"
Dun ko lang naalala siya yung babae sa buss at yung mga kasama niya na hindi ako pina upo sa bakanteng sit.
Hindi ko sila pinansin at mabilis na pinatuyo ang kamay.
"Stella.. Mukhang hindi ka ata narinig"
Aalis na sana ako nang bigla hinatak ng nag ngangalang 'Stella' ang kaliwang kamay ko, medyo kumirot pa ito ng kaunti dahil sa kahapon na nangyari saamin ni Ace sa classroom.
"You bitch! Wag mo akong talikuran!" Sigaw niya, aakma na sana niya akong samapalin nang iharang ko ang kamay ko at mabilis na hinawakan sa palapulsohan ito.
"Do it... If you can" Walang emosyon kong sambit at pabagsak na binitawan ang kamay niya.
Tumawa siya at nakipag apir sa mga kasama nito.
"Matapang ka na? Haha! Bakit? kasi ba kaibigan turing sayo nila Ambree at Katrina?? Wag kang makampanti dahil isa ka lang namang 'Farm Girl'" sambit niya.
"Wala akong ginawang masama sainyo.. Bakit niyo ginawa ito?" Tanong ko.
"Gusto mo talagang malaman? haha! Kilala mo si Anna?.. Anna? Huh!" Napakunot ako ng noo.
My ex bestfriend.
Anna Lofia..
"She's my sister! I'm Stella Lofia, at pag babayaran mo ang mga ginawa mo sakanya. Don't worry your secret is safe with me, Princess" Bulong niya sa huling salita, yung ako lang yung makakarinig.
Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. I am wearing Oscar de la Renta loose plain shirt with tight Royal Vohras skirt, na pinaresan ko ng high top sneakers, this is one of my favorite shoes! High top Nike ID air force one.
Hindi parin nag sink in sa aking utak na may kapatid pala si Anna.
She's name is Stella!
Kaya pala eh! KAYA PALA! nuon tuwing may kausap siya sa telepeno 'ELLA' yung binabanggit niya.
What theee!!!!
Alam niya na isa akong prinsesa! Alam niya rin kaya niya ang punot dulo ng pag aaway namin ni Anna? Siguro... Parang ginagantigan na ako eh.
Nagpapadyak ako at maayos na lumabas ng restroom.
"Hi Farm girl!" Yun bigla ang sumalobong saakin.
Don't tell me pinag kalat ni Stella yung tawag niya saakin?
No way!
Hanggang sa pag pasok ko sa cafeteria at sa pag upo, may tumawatawag pa ring 'Farm Girl' Saakin.
Hindi ko nalang sila pinansin at isinuot ang earpod sabay pag tugtug ng...
It's you...
It's always you...
Met a lot of people, but nobody feels like you...
So, please, don't break my heart
Don't tear me apart
I know how it starts
Trust me, I've been broken before
Don't break me again
I am delicate
Please, don't break my heart
Trust me, I've been broken before..Sinasabay ko ng indayog sa aking paa habang nakatingin sa labas... Nandito kasi ako sa gilid, sa pinaka dulo, Interior glass wall kasi kaya makikita talaga ang mga bagay sa labas may buhay man o wala, gumagalaw man o hindi.
Sa Soccer field mag nag lalaro, nag eensayo sila.. Ang kalahating mga babae na nag di-drill habang sa kabila puro naman mga lalaki.
Isa rin naman akong student athlete noon... Nag start ako 8 years old, tinuro na saakin ang kaylangang ituro saakin. Natutong mag swimming, mag golf, mag laro ng bow and arrow, basketball, rugby football, Chess, Lawn tennis at ang paborito ko ay ang pagiging Varsity sa Female football league ng Lockwood University at 2 years lang akong nag aral dun tapos lumipat na, Almost 6 years akong nag laro kahit pa palipat lipat ako ng school nuon ay palagi naman akong pumo-punta sa Lockwood para mag sanay and turoan ang mga bagohan, Medyo mahirap pero kakayanin, kasi mahal ko eh! passion ko na... Naging ballerina rin ako, ballroom dancer or 'Dancesport'. Hindi naman boring yung buhay ko ahah!
Patingin tingin lang ako sa mga naglalaro hanggang sa may naramdaman akong malamig na tubig kaya napabalikwas ako ng tayo.
Sinong bumohos non?!!!
Nabasa yung cellphone, at yung earpod kong suot kay tinanggal ko muna saka isinilid sa bulsa.
"Hi! Tulala ata, sorry... HAHA! Akala kasi namin nabaliw ka na." Isa na naman sa mga hate ko, yung sa first class.
"Miss mo na sigurong magpakain ng nga baboy no?" Nagtawanan sila ng sumolpot si Bianca.
Napatawa ako sa luob luoban... Akala ko okay tong si Bianca, isa rin pala to sa mga buang. HAHA!
"Oo nga eh.. Miss na miss ko na kayong pakainin" Sabi ko at kinuha ang fries. "Want some?" Nakangisi kong sambit.
"How dare!!! Ang lakas ng luob mo isa ka lang naman basura dito!!!"
"What are you trying to say? na mataba kami? No way! Ang kapal mo! How dare you bitch!"
Tumayo ako at dumistanya.
"You know... Truth hurts. Bye!" Sabi ko at umalis.
Rinig ko pa yung sigaw nila kaya napatawa ako. What a stupid.
BINABASA MO ANG
Wild Princess of Rohann (COMPLETED)
Teen FictionTHE WILD PRINCESS OF ROHANN ‼️ Not a perfect writer. Wrong Grammar, typo, all scene are base on my imagination. If my mga wrong grammar and typo just correct me, and I will edit it. Okay? mwuah. (COMPLETED) Language: Tag-Lish Genre: Romance, Teen F...