part 4

407 6 3
                                    

EMELU'S POV

"Girl para namang stalking na tong ginagawa natin!" sabi ni JC eh stalking naman talaga to eh?!

"Girl you are such a vovo. Oo stalking to!" busy kaya ako. busy sa kakatingin kay forever.

Medyo lumapit kami sa kanya. Naglalakad kasi siya. Teka? nasan na yung karwahe niyan na parang kalabasa?

" Yes Honey. Kakatapos lang ng taping namin. Is mommy alright? Alagaan mo ng mabuti si mommy. You know how I love her. Take care Honey. I love you. Bye" Honey?

"Namimiss ko na yung Honey ko." At namimiss niya na daw ang Honey niya? :(

May girlfriend na pala siya. Wala na pala akong karapatang pagpantasyahan siya. Taken na siya. Sa simula palang talo na ako.

"JC uuwi na ako."

"Best, sasamahan kita." sabi niya sakin.

"Alam mo, madami pa dyang iba. Lahat ng naging crush mo puro taken na. Lapitin ka talaga ng mga may sabet na noh?" gaga talaga to.

"Tara! Punta tayo sa Pub." sabi ko.

Nakarating na kami sa pub. Public Bar.

Pagkaupo ko, umorder agad ako.

"Tequilla on rocks please!"

AFTER 5 MINS.

"Alam mo kashi! Pang ilang beshes ko na tong nashaktan. Mashakit siya JeyShee! Mashakit!"

"Teh! 4 na oras mo palang nakikita yung tao! Masakit agad? Mahal agad? Tag-landi lang teh?!"

"Mashaket eh! Isha pa, parang magaan ang pakiramdam ko sha kanya. Parang matagal ko na shang kilala. Isha pang tequilla! Babayaran lahat ni Jeyshee!"

JC POV

Aba! Ako pa pababayarin nito!

"Tama na kuya! wag mo ng bigyan yan. Eto yung bayad." sabi ko.

"Anong tama na ka dyan! Isha pa!" makulit tong babaeng to!

"Aalis na tayo Emelu. Tara na!" Inangat ko na sya at..

PUTSA Ambigat ang wala.

"Mag diet ka nga!" kinaladkad ko tong babaeng to. Kabigat bigat! Paano kaya to magugustuhan ni George kung ganito to palagi?

Kung bakit ba naman ganito ka-complicated ang relasyon ng Bestie ko! Sana bumalik na ang Emelu namin.

AN: Magulo ba? Oo kasi trip ko xD joke. Abangan ang mga pangyayari.

Don't Stop! Do it slowly!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon