EMELU'S POV
Anong lugar ito? Bakit parang familia sakin? Naglakadlakad ako dito sa mala-forest na lugar.
Teka? Ito yung resort eh? Pero parang bago pa? yung pintura halos ayaw gamitin ng mga tao kasi bagong pintura pa. Tapos walang katao tao. Pwera nalang sa dalawang taong nag-aaway ba ito?
At dahil sa dakilang ususera ako, nagtago ako sa may talahiban at nakinig sa pag-aaway nila.
"Bakit ba? Ayaw mong tangapin tong bata ha?" sabi ni girl.
"Alam mong hindi pa ako handa para dyan." sagot ni boy.
"Eh kung hindi ka ba naman isa't kalahating gago, bat mo ko kinama?!" sabi ni girl.
"Eh sabi ko sayo! uminom ka ng pills!" sabi ni boy.
"Eh bakit hindi ka gumamit ng condom? At ako pa pala dapat ang gumawa ng aksyon?!" sabi ni girl. TEKA! INTENSE NA ANG MGA PANGYAYARI!
"Ipalaglag mo ang bata kung hindi hihiwalayan kita." sabi ni boy.
HALA? PALAGLAG?
Umalis si girl tapos nagpupunas ng luha. Aba kahit naman sino talagang iiyak pag hindi pinagutan ng lalaki ang laman ng tyan niya.
Nakita ko yung lalaki. Napaluhod nalang siya. Siguro mahal niya talaga yung babae. Pero ayaw niya ng responsibilidad.
Medyo malaki na rin yung tyan ng babae. Tantya ko mga 3 months na rin yun.
Sinundan ko yung babae kung saang lupalop siya pumunta. Nakita ko siya nakatayo sa may dulo ng cliff. Don't tell me tatalon siya? Para namang siyang tanga nun noh? Kelan pa nagkaroon ng cliff dito? Parang di ko to alam?
Unti-unti siyang humakbang paabante.
"HUY MISS! WAG MONG GAWIN TO!" Patuloy lang siya sa paglakad. Wala atang naririnig.
Tinakbo ko siya. Hanggang sa mahawakan ko siya sa balikat pero huli na ang lahat. Nakatalon na siya. AT NA-OUT OF BALANCE AKO KAYA MAHUHULOG DIN AKO SA BANGIN! BAKIT PA KASI AKO NAGMAGANDA EH! YAN TULOY KATAPUSAN KO NA!!
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH."
"GUMISING KA EMELU!" Panaginip lang pala yun lahat?
"Buti naman nagising ka na! Halos walong oras kang tulog!" Oh talaga?
"Atleast hindi na ako mamamatay." sabi ko kay JC.
"Anong mamamatay?" kunot-noo niyang sabi.
"Wala!" baliw talaga tong si JC.
"Teka nasan na si Gee?" tanong ko. Aba! syempre! Hahanapin ko talaga yun noh!
"Ahh.. Ano kasi.. Teka lang ha? tatawagin ko lang si direk. Sasabihin ko lang na gising ka." sabi ni JC. Parang may tinatago si JC sakin. Tumayo na ako sa kama at sinundan ko si JC.
"Mama gising na si ate. Anong gagawin ko?" MAMA? ATE? Totoo ba tong sinasabi ni JC? Mama ang tawag niya kay MAMA KO?
"Di nga anak? Teka tatawagin ko si George!" At sino si George?
Kelan pa inampon ni mama tong si JC? May mga magulang naman tong si JC sa states ah. Tsaka sino si George? Medyo familiar ang pangalan ah.
"Patay! Kinakabahan na ako! Badtrip naman oh!" Hala? Ngayon ko lang nakitang nataranta si JC. Baka seryosong pag-uusap ang mangyayari.
"JC? Bakit ka natataranta?" hindi ko na natiis. Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at nagtanong na ako. Nangangati talaga ako sa katotohanan.
"N-Narinig mo kami Emelu?" nangangatog pa siya.
"Oo. Feeler ka masyado ah! mama rin tawag mo sa mader dearest ko.Anyways oaky lang naman sakin yun. Pero yung tawagin mo kong ATE! hindi okay yun noh! Magkasing tanda lang kaya tayo!" Aba! makapal ang mukha nito ah! Ginawa pa akong manang!
"Hahahahahaha!" natawa pa ang sira ulo. Loka loka!
"Anak nandito na si George!" natigilan si mama ng makita ako.
At laking gulat ko ng kasunod ni mama si Gee at may kasamang isang bata.
SIYA SI GEORGE?! SINO YUNG BATANG BABAE?! AT BAKIT PARANG KAMUKHA KO YUNG BATA?! DON'T TELL ME NA MAY NANGYARI SA NANAY KO AT KAY GEORGE AT YAN YUNG ANAK NILA AT IPAPAKILALA NILA SAKIN YANG LONG LOST SISTER NA BUNGA NG ISANG AFFAIR?!
AN: ABANGAN..
BINABASA MO ANG
Don't Stop! Do it slowly!
Historia CortaLove is between two person. Parang ako at ikaw. Siya at ikaw. Ako at siya. Pwede ring nanay sa tatay. Ate sa kuya. Manong sa manang. Pero para sakin ang love ay parang ginto. Mailap at sagrado. Hindi hinahanap pero kusang dumadating. Ako si Emelu. A...